Hi, pinag-isipan kong mabuti kung mag-uupdate ako dito. Isang upuan lang 'to mga pare. Hahaha! Kaya pasensya na kung sabaw ang update. Pero sana basahin nyo pa rin. Super duper wala kasi talagang pumapasok sa isip ko na update. Hindi ako masyadong nasatisfy sa update na 'to pero sana talaga basahin nyo pa rin. Nagugulat ako kasi biglang umusad ang reads nya. Hahaha! Sorry sa matagal na paghihintay, alam nyo namang sabado't linggo lang ang pahinga ko, wala e. stress sa work. Haaist (TT__TT)
Comments na lang sa posted update ah! :)
-----------------------------------------------------------------
[2] You're perfect
J-Hope
February ... anong date na nga ba?
Masyado naman kasi akong kinabahan. Nag-cr muna ako tapos ay umupo sa sofa.
Kaharap namin si V, yung batang may attitude pero di pa rin nya pinalalabas ng kwarto sina Jihoon at Jungkook.
Sana maging maayos ang pakikipag-usap namin sa kanila. Para lang sana sa darating kong birthday.
"Umuwi na kayo,please. Tumawag na 'yung adviser nyo sa amin tinatanong kung bakit hindi kayo pumapasok." Sabi ni Jin-Hyung.
"'Yun lang ba talaga ang reason hyung?" tanong ni V.
"Hi—hindi." Nauutal nyang sagot.
"Di ba nakaluwag naman kayo nung nawala kami? Di lang kaming dalawa ni Kookie, pati si Jihoon. Wala na kayong aalalahanin at alagain." Sagot ni V.
"Ang totoo nyan, di nga kami makatulog ng maayos. Kasi wala kayo. Hindi kami sanay." Sabi ni Jin hyung. Totoo 'yun. Di na nga makakain ng maayos si Yoongi hyung e. Pati sina Namjoon hyung, minumulto daw sya ng iyak ni Jihoon. Miss na nya ang malaki at mabigat na ulo ni Jihoon. Hehehe.
"No. Ang totoo masaya kayo." Matigas na sabi ni V. Hindi ako sanay na ganto sya. Bakit ang tigas nya ngayon? Friendship over na ba talaga kaming lahat?
"V!" sabi ni Jin hyung.
"Bumalik na kayo sa bahay please." Sabi ko sa kanya.
"Paano kung ayaw pa namin?"
"V naman."
"Naman talaga." Matigas nyang sabi.
"NAMAN!" sigaw nung batang katabi nya. May attitude talaga. Inambahan naman sya ng kuya nyang si Sungjae kaya tumigil sa pag-iinarte ang bata. Matatawa na sana ako kaso baka masira ang seryosong usapan kaya pinigilan ko.
"Hindi pa naman tapos ang pagkakaibigan nating lahat di ba? May chance pa..." sabi ni Jin hyung.
"Hindi ko alam.-hyung." Matigas ang pagkakasabi nya ng hyung. Parang labag sa kalooban nya. "Masakit 'yung mga sinabi nyo samin. Na ipagpalit nyo kaming lahat sa pangarap nyo. Nasaktan nyo kami tapos pupunta kayo dito para pauwiin lang kami dahil tumatawag ang adviser namin at hinahanap kami sa inyo? Ano ba gusto nyong palabasin hyung? Simpleng sorry lang naman ang hinihingi namin na hindi nyo masabi. Di namin sinasagot ni Jungkook ang mga tawag nyo kasi hindi namin pa kayang humarap sa inyo. Nahihiya kami, hindi dahil nahihiya kami sa inyo kundi nahihiya kami para sa inyo."
Matatas ang mga salitang 'yun. Tumurok sa puso ko pati na rin kay Jin hyung. Nangingilid na ang luha ko. Parang hindi ko kakayanin na dito na lang matatapos ang lahat. Masasayang pa ata ang effort at pagpunta namin dito. Nauutal ang dila kong magsalita, hindi ko alam ang isasagot dahil guilty kami. Guilty kami sa mga sinabi nya.