Chapter 3 (Unwanted Guest)

130 5 5
                                    

“Aba! Aba! Tumahimik kang baklang hinayupak ka! Kabago-bago mo palang ditto eh nanglalait ka na! For your information bakla ka, Kinder pa lang ako ditto na ako nag-aaral sa paaralang ito!!” -______-“

“Then? Wa ko care!”

“Sumusobra ka na ha! Kanina alien ngayon si wako-wako naman! Huwag mo akong gagalitin! Humanda ka!”

Susuntok na sana ako ngunit nasalo ng kanyang kaliwang kamay ang kamao ko. Hinila niya ako gamit ang kanyang  buong lakas papunta sa kanya. Natumba ako ngunit nasalo niya pero in short, nakayakap ako sa kanya ngayon! Shet lunggsssssssss!!!!!!

Inilapit niya ang kanyang bibig sa may tenga ko at may ibinulong na may pagka-husky ang voice, “Kung ako sa iyo, hindi ko yan gagawin.”

Binitawan niya na ako at sabay itinulak. Umilas na siya at naiwan ako sa gitna ng field.

Lintik yung baklang yun ah! Ang hangin! Pero wait, narinig ko na yung husky na voice ah pero hindi ko lang matandaan! Haaaaysss.. bahala na nga!

Nakita ko na ang black Lamborghini ng hinayupak na yon na paalis. Gosh! Dismissal na pala kailangan ko ng umuwi bago pa ako makita ng mga BFFs ko at mag-ala Detecive Conan na naman sila mag-imbestiga at madaming tananong dahil I’m sure na kalat sa buong campus ang “Hug Scene” kanina.

Naglakad na lang ako pauwi. Ilang blocks lang rin naman kasi ang bahay namin from school.

                                                          *    *    *    *

Nakikita ko na ang bahay naming. Hindi naman siya kalakihan, tama lang para sa apat na tao ayaw kasi ni dad na masyadong malaki. Typical na two-storey house lang siya na may garden, swimming pool sa likod at garage sa gilid para sa sasakyan ni dad at motorbike ni kuya. Ay! Hindi ko pa pala nakukwento sa inyo na may kuya ako. Nasa Canada si kuya para ipatakbo ang branch ng business ni daddy. Magtatatlong taon na siyang hindi umuuwi ditto sa Pinas kasi daw busy daw lagi! Pmmmfff.. If I know nan-chichiks lang yun dun.

Anyway, nandito na ako sa tapat ng bahay naming na may napansin akong isang sasakyan, black Lamborghini. Familiar ah parang sa bakla pero hindi naman siguro to sa kanya kasi pag-sakanya to at nasa luob siya nabahay ay naku! hindi ko alam ang gagawin ko!

Pumasok na ako sa gate at pumunta sa pinto, syempre! May napansin na naman ako. May 2 pairs of shoes ang nasa gilid ng pinto. May bisita si dad!

(a/n= shunga lang Marielle? Ngayon mo lang napansin? Eh may sasakyan na ngang nakaparada sa labas ng bahay!!)

Sorry author ha hindi naman ako katalinuhan ka gaya mo!

(a/n= Apology Accepted!XD)

Hayysss.. ang epal ng autho ng sturyang ito! Ang korni korni niya! Gusto lang magpapansin!! Pmmff..

Pumasok na ako sa loob.

“I’m Home!” sigaw ko

“Ay anak! Buti naman at napa-aga ka ng uwi,” sabay halik sa cheeks ko “anak, meet your tito Rafael”

“Good evening po tito!” sabay kiss rin ng cheeks niya.

“Ang ganda ng anak mo Manuel! Tama nga at sa anak ko siya ipapakasal!”” sabi ni tito Rafael

“Po? Ipapaksal ako?” sabay tingin ko sa mga mukha ng dalawang taong nakatayo sa harap ko.

Huh? Anong ipapakasal? Kabatabata ko pa para sa mga ganyan at wala ring nasabi si dad tungkol rito

“Kasi anak, noong College pa kami ng tito mo nagkaroon kami ng kasunuan na ipapakasal ang mga anak namin. Tutal nasa tamang edad ka na para magpakasal so nag-decie kami na iapapakasal na kayo!:)))" explain ni dad.

"Huwag kang mag-alala iha, mabait at gwapo naman ang anak ko at bagay na bagay kayo!" pag-aasure ni tito Rafael.

"Anak, meet your fiance.. Deo Jay Rivera" sabi ni dad

Huh? asan? Nasa tabi lang pala ni tito, hindi ko siya nakita kanina kasi naman ang laki ni tito at naka-upo lang siya at nakayuko habang nakikinig sa kanyang iPod at parang walang pakialam na ipapakasal na siya.

Tumayo na yung Deo sabay itinaas ang kanyang ulo. Hindi ko siya masyadong nakita dahil nakataklob ang kanyang bangs sa kanyang buhok pero ng inalis na niya ito namukhaan ko siya agad!

"IKAW?!"

------------------------------------------------------------------------

a/n=  yehey!! medyo mahaba ang UD ko ngayon!!:) Hope you will enjoy this one guys!!:) Vomment naman kayo!! hehheh

My Fiance is a Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon