Mr. Manhid

76 3 0
                                    

J E M I K

-

First day of school pa lang, panay na ang pa-cute ko kay Jeron. Gustong-gusto ko ang singkit niyang mga mata lalo na kapag tumatawa siya at nagsasalita, halos mawala na nga ang mga ito. Mabuti na lang at seatmates kami. Kung anu-ano ang ginagawa kong pagpapa-cute sa kanya. Nariyang binibigyan ko siya ng pad paper kahit hindi naman siya humihingi. Nariyang pansinin ko na hindi maganda ang ink ng ballpen niya at 'yung sa akin ang maganda kaya 'yun ang ipapahiram ko. Sinabihan ko rin siya na hindi maayos ang pagka-shine ng shoes niya kaya binigyan ko siya ng imported na shoe shine na padala ng tito ko. Sa mga ginagawa kong iyon, na-i-irritate at naiinis tuloy si Jeron sa akin.

"Alam mo, may pagkapakialamera ka," sabi ni Jeron na halatang naiinis.

Paano kasi sinabihan ko rin siyang kulang pa sa pagkakakula ang white polo shirt niya, na kung ikukula pa nang mas matagal sa araw ay mas puputi pa iyon.

Hindi ko naman magawang humingi ng paumanhin sa kanya. Para sa akin kasi, tama ang mga napapansin ko sa kanya. Concerned lang naman ako sa kanya.

Sabi tuloy ni Ara sa akin, "Huwag mo na kasing pakialaman si Jeron, Mika. Gusto mo bang magkaroon ka pa ng kaaway na lalaki rito sa school natin?"

"Kapag naman pinatulan niya ako, ibig sabihin nu'n, bakla siya!" sagot ko na lang.

"Shhhhhh!! 'wag kang maingay. Mamaya may makarinig pa sa'yo." suway sakin ni Ara at itinikom ko na lamang ang aking bibig.

Hindi nahahalata ni Ara ang pagpapa-cute ko kay Jeron kaya ko ginagawa 'yun. Ang alam lang niya, gusto ko lang mang-asar, o siguro, alam na rin talaga ng kaibigan ko na mapangpuna ako. Kahit nga sa kanya eh, marami akong napupuna.

Kaya naman naisip ko, Manhid ka talaga Jeron! Hindi mo man lang ma-feel na nagpapa-cute ako sa'yo kaya ko ginagawa 'yun! I badly need your attention kung alam mo lang! Your cute attention!!

Wala ring alam si Ara na may gusto ako kay Jeron. Never kong nasabi kay Ara na na'cu-cute'an ako kay Jeron kasi hindi niya ako titigilan sa katutukso. Kaya mabuti pang ako na lang ang nakakaalam.

Ilang araw akong hindi pinapansin ni Jeron. Pero okay lang naman sa akin. Hindi ako nagdaramdam. Para kausapin niya ako, tinatanong ko pa nga siya kung maganda ang hairdo ko kapag nagpatirintas ako.

Sagot lamang niya ay, "Dapat nag-hairnet ka na lang."

"Parang nagtatrabaho sa kitchen area ng Jollibee, ganun?" gusto ko sanang magpatawa pero hindi naman siya natatawa.

Hindi ko talaga maiwasang hindi siya kibuin. Seatmate ko ba naman eh. Syempre kung sino ang seatmate mo, 'yun ang ka-close mo. Minsan naman, napansin ko ang haircut niya. Halos maubos na ang buhok niya sa gupit na flat top!

"Tutubo rin naman 'to eh!" depensa niya.

"Matagal pa!" may himig pang-aasar kong sabi.

"Eh ano kung matagal pa?"

"Eh di matagal ka pang pangit?" at humagikhik ako.

Hindi siya kumibo. Halatang naaasar na.

"Totoo naman ang sinasabi ko eh."

"Ikaw talaga Aereen, bakit ba ang kulit mo? Wala ka na ba talagang ibang alam na pansinin kundi ako?" uy, tinawag niya akong Aereen! Siya lang tumatawag sakin ng Aereen and I love it hihi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Book of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon