MAYA'S POVFirst day of school ngayon sa SVU. Kahit ayaw kong pumasok kailangan ko pa rin. Siyempre as usual ako lang mag-isa ang pupunta sa SVU. Si kuya kasi nasa London. Matagal na niyang gusto yun. Ang makapag-aral sa London. Si Mommy nasa buotique at si Daddy naman nasa isang 'meeting'.
Umuwi agad si Kuya nu'ng nalaman niyang na-aksidente ako. Pero agad naman din siyang umalis kasi 'kailangan' daw. Pero siyempre as the 'caring brother', sabi niya tawagan ko na lang daw siya kung kailangan ko siya.
Pagkatapos kong magbihis. Bumaba agad ako para mag-breakfast. Pero hindi naman din ako nakapag-breakfast ng maayos. Masyadong tahimik at lonely akong kumakain. Para akong nao-OP na ewan kahit wala akong kasama.
Umalis agad ako pagkatapos ng breakfast. Di katulad dati, isang cheap car lang yung pinadala sa akin ni Daddy. Okay daw yun. Pangbawas din naman din daw yun ng atensyon.
Kasi kung magiging isang nerd ako bakit ako magko-kotse ng sosyal katulad ng Lamborghini or ng Mercedes or Ferrari. Kung pwede lang, lahat yun pabibili ko kay Daddy pero para naman din yun sa akin eh.
Baka mamaya may maka-kilala pa sa akin mas lalo pa akong mapahamak. Sabi kasi ng mga pulis, parang pinagplanuhan daw yung aksidenteng pagkahulog naming lahat.
2 years. For 2 years na pag-iimbistiga. Hanggang ngayon hindi pa rin nila na hahanap yung master mind na nagplano ng pagkahulog namin sa bangin.
Sumakay na ako ng kotse. Hindi ako yung magda-drive kundi si Mang Jim yung maghahatid sa akin tuwing umaga at siya rin yung susundo sa akin sa school or pwede na rin naman daw akong magcommute or maglakad pag-uwi.
"Andito na po tayo. Miss Maya." Napalingon ako kay Mang Jim. Nakatingin siya sa akin habang naka-ngiti.
"Thank You po Mang Jim." sabi ko habang naka-ngiti rin.
"Uhm...Miss Maya? Susunduin ko pa po ba kayo?" tanong sa niya.
"Tatawag na lang po ako sa bahay kung magpapasundo po ako or maglalakad lang po." sabi ko naman habang naka-ngiti pa rin.
"Ahh.. sige po Miss Maya, ingat na lang po kayo. Wag rin po kayong papayag na magpa-bully ha?" Sabi ni Mang Jim habang nagpipigil ng tawa.
"Mang Jim talaga oh. Opo. Mag-iingat po ako. Ikaw rin po mag-ingat sa pagda-drive." sabi ko naman habang nagpipigil rin ng tawa.Lumabas na ako ng kotse. Nakatingin lang ako sa kotse habang unti-unting lumalayo ito hanggang sa hindi ko na makita. Nakatayo lang ako habang pilit na tinatanaw yung kotse kahit alam ko na hindi ko na makikita yung kotse.
Hindi pa rin ako umaalis sa kunatatayuan ko hanggang sa may narinig akong nag-uusap.
"Do you think marami yung magta-transfer dito?" Girl 1
"I think so. Marami daw yung mga nerd na lumipat dito eh. Some of them transferred from NVU." Girl 2
"Really? I heard hindi na raw mga good students ang mga taga-NVU." Girl 1
"Yeah. I heard about that too. Nu'ng nawala daw yung kaisa-isang gang sa NVU. Nagkagulo na daw ang lahat. And may mga gangs na daw doon." Girl 2
"Sila nga raw yung nakalaban nila Kyle last week eh. Pero talo pa rin." Girl 1
"As usual, lagi naman silang panalo eh. Kahit anong gang walang makakatalo sa kanila. They are the strongest Gangsters in the whole Philippines!" Girl 2Pagkatapos kong marinig yung pinag-uusapan nila. Umalis na ako kaagad.
Tss. Pinakamalakas. Baka nga nakalaban na namin sila eh. Kami kaya yung pinakamalakas at pinakakinatatakutan ng lahat. Well, kasunod sa Dark Lords. Kahit kaming mga taga-Forever Gang. Hindi kilala kung sino yung mga members ng gang na yun. Ang alam lang namin. Masama sila magalit kaya walang lumalaban sa kanila.
Bukod sa Dark Lords. Wala ding naglalakas loob na kalabanin ang Forever Gang. Sa umpisa, tinatawanan lang nila yung pangalan ng gang namin. Pero kapag lumaban na kami, nga nga silang lahat. Hanggang kayabangan lang naman sila eh.
BINABASA MO ANG
TRAGEDY
Novela JuvenilThey say "Destroy whatever destroys you" but what if what destroys YOU is YOU? "PAST is PAST" but what if your PAST always hunts your PRESENT? "Keep your FRIENDS close and your ENEMIES closer" but what if your BEST FRIEND became your WORST ENEMY? LI...