2 years later.........MAYA'S POV
Promises. They say 'promises are meant to be broken'. Years ago I don't believe in that saying. But now? I still don't know what to believe. They or them? Sabi nila walang iwanan. Sabi nila 'forever' daw kaming magkakasama. Pero ano? Asan na yung pangakong yun? Asan na yung 'forever' nila? Wala. Yung pangako nilang lahat napako lang din. Iisang tao na lang yung naniniwala sa akin. Pero parang pati sya mawawala rin sa akin. Paano? Kasalanan ko rin naman eh. Kung bakit sya comatose ngayon. Anim silang nasa coma. Yung iba sa ibang bansa na nagpagamot pero yung iba katulad ko lang minor injuries rin ang nakuha pero medyo malala nga lang yung kanila. Lahat sila? Nang-iiwan lang sa ere. Iisa na lang ang natitira sa akin. Iisang tao na lang.....
Papunta ako sa kanya ngayon. Room 309. Pagpasok ko. Andun sya. Nakahiga lang. Mukha syang natutulog, ang kaso nga lang baka hindi na s'ya magising. Mayroong mga tubes na nakakabit sa kanya. Mayroon rin monitor na nagpapakita kung gaano kabilis ang heartbeat n'ya. Ilang beses na syang nag-agaw buhay. Pati sa iba ganun din pero sya lang daw yung 'in critical condition'. Yung iba kasi 'may' possibility na gumising pa. Pero sya, nagda-doubt kasi yung mga doctor sa paggising nya. Minsan, sinasabi nila na gigising na sya pero bigla na lang babawiin. Kasi bumabalik sa pagiging critical yung kalagayan nya. Lahat sila sinisisi nila ako. Pero s'ya lang ang hindi. Wala silang alam kung ano talagang nangyari doon sa bundok na iyon. Wala.....
•~•~•~•~•~FLASHBACK~•~•~•~•~•
Andito kami ngayon sa Mt. Makiling. Nagkaisa kaming lahat na umakyat ng bundok. Ewan ko ba sa mga baliw na ito at napagtripang maghiking. Itong lider naman, pumayag na lang basta-basta. Hindi marunong magtanong? Hayst. Ewan ko ba! Minsan nga hindi ko malaman kung mga gangsters ba yung mga ito. Minsan kasi- no let me rephrase that, lagi kasing mga isip bata tong mga to.
"Hoy! Bilisan n'yo naman para kayong mga pagong! Hahahah!" Sabi ni Dom.
"Anong mabagal! Sadyang mabilis ka lang talaga maglakad!" Inis namang sagot ni Mich.
"Manahimik nga kayong dalawa! Para talaga kayong mag-on." Tatawa-tawa namang sabi ni Bryle.
"Manahimik ka!" Sabay na sigaw nu'ng dalawa. Na naging dahilan na pagtawa ni Bryle at nung iba pa. Tawa lang kami ng tawa. Kaya nga yung mga nakakasalubong naming mga hikers na pababa ng bundok eh napapaisip kung bakit kami tawa ng tawa. Sobrang saya talaga nu'ng araw na ito. Akala naming lahat eh magiging masaya talaga yung buong araw pero hindi. Akala lang namin yon.....THIRD PERSON'S POV
Tuwang tuwa ang magbabarkada habang pababa ng bundok. Lahat sila ay nagkukuwentuhan kung gaano kaganda ang tanawing kanilang nakita kanina. Habang pababa ng bundok, lahat ay nagulat ng biglang may sumigaw....
"Ayumi!"MAYA'S POV
"Hang on Maya! Wag kang bibitaw!" Narinig kong sabi nya.
"Sam! Hindi ko na kaya! Nadudulas na ako!" Napatingin ako sa baba ng bangin. At nakita ko sila. Si Savannah, Joaquin, Ayumi, Jack, at Liana ang hindi ko na makita. Siguro nasa pinakamababang parte sila ng bangin. At ako? Malapit na rin akong mahulog. Nadudulas na yung kamay ko. Napapikit na lang ako at hinintay yung paggulong ko sa bangin.1.....2.....3.....4.....5.....wala pa rin akong nararamdaman. But when I look up. I saw Sam holding my hand.
"Let me go Sam! Ayokong pati ikaw masaktan!" Unti-unting tumulo ang mga luha ko.
"No! I won't let you fall! Just promise me one thing Maya." Sabi n'ya habang nakakapit sa isang puno. Then I saw it. I saw her beautiful face. But not her usual smiley face. I saw a tear. First time ko syang makitang umiiyak.
"Please Maya! Promise me okay? " I nod. "Don't let anyone pull you down. Okay? Never lose hope. Always remember that were here for you. That I'm ALWAYS here for you. And most of all. Never ever blame yourself for this. For what I'll do. And please live. Never waste the second chance God gave to you. Okay?" She said while crying.
"Okay. But please. Wag ka naman magsalita ng ganyan. Please? Ano bang pinagsasabi mo ha? Hindi naman kayo mamamatay eh! Diba?! Hindi ka mamamatay! Hindi pwede!" Tuloy-tuloy ang tulo ng luha ko. Bigla nya akong hinila pataas then ikinapit n'ya yung kamay ko sa sanga na kinakapitan n'ya kanina.
"Mabuhay ka ng masaya para sa akin at wag mong sisisihin yung sarili mo sa nangyari. Best Friends Forever Maya. Always and Forever"
Ang huling nyang ginawa ang hindi ko inaasahan,
Bigla na lang syang bumitaw sa pagkakakapit at tuloy tuloy na mahulog hanggang sa hindi ko na sya makita.

BINABASA MO ANG
TRAGEDY
Teen FictionThey say "Destroy whatever destroys you" but what if what destroys YOU is YOU? "PAST is PAST" but what if your PAST always hunts your PRESENT? "Keep your FRIENDS close and your ENEMIES closer" but what if your BEST FRIEND became your WORST ENEMY? LI...