Her bestfriend

124 3 0
                                    

August 4, 2015


"Oo nga pala. Nakalimutan ko bestfriend mo lang ako." - Dave De Guzman


Dave

"Lagi ka na lang ganyan! Nakakasawa na! Nakakasawa ng magpaliwanag sa isang taong utak ipis na tulad mo!" hindi ko alam kung saang lupalop ako ng mundo nakakuha ng lakas para pigilan ang sarili ko na huwag sapakin ang taong akala mo kung makapagsalita ay santo!

"Ca-Carlo... so-sorry na... hindi ko naman sinasadya eh.... na-nadala lang ako ng ga-galit at selos." nakita ko kung paano siya umiyak sa harapan ng gago na 'yun. Nakita ko kung paano siya itulak ng hahawakan niya sana 'yung sira-ulong lalaki na iyon! Nakita ko kung paano siya nasasaktan sa pagtaboy nung gago niyang boyfriend. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya galing sa mga magaganda niyang mata. Nakita ko kung paano siya baliwalain ng taong mahal niya. Nakita ko kung paano siya naghihirap. Nakita ko lahat pero mas pinili kong manahimik dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niya akong makialam. Ayaw niyang ipagtanggol ko siya sa boyfriend niyang utak talaba.

"Jellaine, mag break na tayo. Ayoko na sa'yo." halos sakalin ko na ang lalaki na iyon sa narinig ko. Ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon kay Jellaine! Siya na nga ang tukmol sa relasyon nila siya pa ang may gana na umayaw? Gago pala talaga siya eh!

Nagulat ako ng biglang lumuhod si Jellaine sa harapan nung lalaki at nagmamakaawa na patawarin siya at tngina! Doon ko lang nalaman na iyon pala ang pinakamasakit na nakita ko at naramdaman ko sa ilang taon ko sa mundo. Nakita kong sinipa siya nung lalaki at doon na ako nawalan ng control. Lumapit ako sakanila at hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Jellaine at sinapak ko na lang ang lalake na gumago sakanya. Binuhos ko lahat ng galit ko. Tngina niya! Hindi niya ba alam kung gaano kasakit na makita ang taong mahal mo na gaoon tratuhin ng taong mahal niya? Alam niya ba kung gaano kasakit na mabalewala ng taong mahal mo? Alam niya ba kung gaano siya kaswerte dahil mahal siya ng taong mahal na mahal ko? ALAM NIYA BA IYON?

"Tngina! Sino ka ba?"

"Sino ako? Ako lang naman ang nagmamahal sa taong ginagago mo! Gago!" aambaan ko na sana siya ng suntok ng humarang si Jellaine.

"Dave! Anong ginagawa mo!" nagulat ako sa sinabi niya. Masama na bang ipagtanggol ang taong mahal ko kapag may nananakit sakanya? Masama na ba?

"Jellaine.... sinasaktan ka lang niya." masyadong mahina. Masyadong mahina ang boses ko para sa tapang na dapat na pinapakita ko. Hindi na ako sinagot ni Jellaine at humarap na lang ulit siya doon sa kupal niyang EX BOYFRIEND para tulungan siyang tumayo. Pero pagkatayo nung lalake tinulak siya at salamat naman dahil agad ko siyang nasalo dahil kung hindi baka mabasag ko ang mukha ng hambog na iyon!

Tumalikod na 'yung lalake kasabay ng panghihina ni Jellaine. Napaupo na lang siya kaya umupo rin ako para mapantayan siya. Hahawiin ko sana ang buhok na humaharang sa maamo at maganda niyang mukha ng hawiin niya rin ang kamay ko kaya nagulat ako. Bakit? Galit siya sakin? Bakit sakin siya galit? Ako ba? Ako ba ang nanakit? Ako ba ang sumipa at tumulak sakanya? Ako ba?

"Jellaine..."

"Dave! Ano bang ginagawa mo! Sinabi ko na sa'yo! Ilang beses kong sinabi sa'yo! HUWAG KANG MAKIALAM! BESTFRIEND LANG KITA DAVE! BESTFRIEND!" hindi ko na napagilan ang sakit na naramdaman ko. Tumayo si Jellaine mula sa pag-kakaupo niya saka naglakad palayo. Hindi ako nakagalaw at tingnan ko na lang siya habang palayo sa akin. Tngina! Mas masakit pala talaga 'yung halos isampal na sa'yo ng taong mahal mo na kaibigan ka lang talaga. Na hanggang doon lang talaga. Nakakabakla man pakinggan pero hindi ko na napigilan ang sakit kaya napa-iyak na lang ako. Tae! Baka mapagkamalan pa akong bakla ng mga fans ko. Pinunasan ko na lang ang luha na nakatakas sa mata ko atsaka tumayo at ngumiti sa direksyon na nilakaran niya.

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon