Okay

235 5 4
                                    

Story posted: August 21, 2014

Cheating is a choice, not a mistake.

"Hon, I'm so sorry. Napakatoxic kasi ng schedule ko for this semester. I'm really sorry." hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Pag-aaral niyo iyon at talagang hahatak ng oras ang course niya. Pero hindi naman sigurong masama na maghangad ako ng higit pa sa binibigay niyang attensyon, 'diba? Boyfriend ako eh.

"It's okay." ngumiti ako sakanya ng malungkot kaya niyakap niya ako.

"I'm sorry. Magiging busy muna ako ah? Pero isang text mo lang sakin na kailangan mo ako kahit takbuhin ko mula taft hanggang Espanya gagawin ko. Promise!" sabay taas pa ng kanan mong kamay kaya napangiti na lang ako saka ka niyakap. Mamimiss ko 'tong ganito. 'Yung ikaw lang at ako.

"Hello Hon? Sorry mamaya ka na tumawag may ginagawa pa ako. I love you!" napatingin na lang ako sa cellphone ko. Halos hindi na kita makausap, halos hindi na kita makita kahit anino mo, halos wala na tayong komunikasyon. Isang jeep lang naman ang layo natin pero dinaig pa natin ang mga long distance relationship kung makaasta ka. 

Dumaan ang ilang linggo at nakakainip ng hinatayin ka. Oo, nagtetext ka pero kapag ako na ang nagrereply hindi ka na nakakasagot. Kahit sa tawag na isnag click mo lang hindi mo na magawa. I understood. Because I know your course demanded a lot from you specially your time pero nakakapagod narin pala. Ang boring.

"Hey!" napatingin ako sa isang babae na papalapit sakin. Pamilyar ang mukha niya. Umupo siya sa tabi ko saka ngumiti sakin.

"Want some company?" noong una nag-alinlnagan ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang hita ko. Napatingin ako sakanya at nakangiti siya sakin na parang nang-aakit. Shit! May girlfriend ka! Oo nga pala may girlfriend pa ako pero hindi naman ito masama 'diba? Tutal wala naman siyang oras para sakin.

"Sure." ngumiti ako sa babae saka kami naglakad ng sabay at pumunta sa isang restaurant.

"Kayo pa ba dude ng girlfriend mo?" napatingin ako sa kaibigan ko na nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"Oo. Bakit?" matamlay kong sabi.

"Bakit iba-iba ang kasama mo? Tangina pre. Niloloko mo ba ang girlfriend mo?" hindi ko na siya pinansin at tinapik ko na lang siya sa balikat saka lumabas. Nakita ko naman agad 'yung babae na pinakanagtatagal sakanilang lahat. Si Ashley. Siya 'yung unang naging kalandian ko.

"Hi baby." nakangiti niyang sabi sabay halik sa pisngi ko. Napangiti na lang din ako saka na kami umalis. Masaya ako sa kung ano ang meron kami. May oras siya sakin at masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi ako nakikipaghabulan sa oras niya hindi tulad mo.

"Hon, are you okay?" napatingin ako sa'yo at agad na napatago sa cellphone ko. Shit! Katext ko kasi si Ashley.

"Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko na kinataka mo.

"A-ahh... hahaha... wala." sabi mo kasabay ng malungkot mong tawa. Napapagago na lang ako sa sarili ko pero sorry hindi ko matigil ang ginagawa ko dahil nga ang gago ko. Nagulat ako ng tumayo ka saka kinuha ang mga makakapal mong libro.

"Anong oras na pala. Late na ako. Sige hon. Ingat ka. I love you!" 

"I love you too." nakangiti kong sagot saka ka tumalikod at umalis. Naglkad ka palayo kasabay ng pagpasok ni Ashley sa coffee shop. I'm sorry.

Ilang buwan ang nagdaan at ganito lagi ang set-up natin. Putcha! Parang Dalawang Mrs. Real lang ah! Pero nagbago ang lahat ng malaman kong may kalandian din pala ang Ashley na 'yun! Tangina! Malandi talaga! Hindi niya pa alam na alam ko na. Pero sa sobrang lungkot ko hindi ko napigilan at tinext kita.

Hi Hon, are you busy? I just really need you right now.

Hindi ka nagreply. Pero hinintay parin kita kasi sabi mo isnag ext ko lang pupunta ko. Naghintay lang ako ng naghintay ng makalipas ang isang oras nakita na kita. Hindi ko alam kung paano mo nalaman kung nasaan ako dahil hindi ko naman sinabi sa iyo pero baka dahil sa mga kaibigan ko dahil malakas ka naman sa mga ungas na 'yon.

Tumatakbo ka papunta sakin at agad naman kitang niyakap. Ang dami mong dala! Tatlong libro na triple ang kapal nung sa akin at kasama narin ang lab gown mo. Nakayakap lang ako sa'yo ng sinabi mong

"Sorry ah? Ang tagal ko kasi naman ang daming nag jojogging hindi tuloy ako nakatakbo ng mabilis." sabi mo pa sabay tawa. Tangina! Lahat ng konsensya ko nabuhay at kinain ako. Nandito ka ngayon sa tabi ko dahil malungkot ako. Malungkot ako dahil sa isang babae na nilalandi ko habang wala ka. Nalungkot ako dahil 'yung babae na 'yon ay nalaman kong may ibang lalake na nilalandi. Tangina! Ang guilt ko napakaintense!'

Naglakad lang tayo habang hawak ko ang kamay mo. Napatigil lang tayo ng magring ang cellphone ko. Nabigla ako ng si Ashley pala ang nagtext at nabasa mo ang kung ano ang sinabi niya.

Hi baby, kita tayo mamaya ah? Your treat, again =*

Walang nagsasalita sa atin at tanging hikbi mo lang ang naririnig ko. Sa isip ko shit! Tangina! Napakagago ko. Napakatanga ko para lokohina ng isang tulad mo. Tangina ko talaga.

Pero nagulat ako ng yinakap mo ako habang umiiyak ka ng malakas. Ramdam na ramdam ko ang hinagpis mo sa bawat hikbi na ginagawa mo pero mas nagulat ako sa sinabi mo. Tnagina! Napakaswerte ko at ikaw ang girlfriend ko kahit na hindi kita deserve.

"Okay lang 'yun. Okay lang... okay lang talaga. Promise!"

__________________________

Hi! Long time no write. Hahaha credits to the owner of the picture at the side. Vote and comment will be highly appreciated. God bless!

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon