Enough

313 8 5
                                    

July 30, 2014

"Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be."

"Oh? Nasaan na naman ang boyfriend mo?" napatingin ako sa nagslaita at napangiti. 

"Hello din best." nakita kong sumama na naman ang timpla ng mukha niya pero hindi na siya sumagot. Narinig kong nagaya na ang birthday celebrant para kumain kaya isa-isa ng tumayo ang mga bisita pero ako nanatiling nakaupo sa sofa at tumingin sa phone ko. Nawala narin ang ngiti ko sa aking labi.

Kanina ko pa siya tinetext kung nasaan na siya at kung ayos lang ba siya pero hindi man lang siya nagre-reply. Pinaloadan ko narin siya dahil baka wala siyang load pero no response parin. Minessage ko narin siya ng ilang beses sa fb pero still wala parin. Hahaha! Na-seenzoned nga ako ng mismo kong boyfriend eh.

"Tara na kumain ka na. Mamaya na 'yan." nakita ko ang best friend ko na nakatayo sa harapan ko at may hawak na dalawang plato. Hindi siya nakangiti at ganoon din ako.

"Nakakapagod." sabi ko sabay tingin ulit sa cellphone ko. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Paano ka hindi mapapagod? Eh ikaw lang naman mag-isa ang tumatakbo." hindi ko parin siya tingnan pero tumingala ako para mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. 

"Bry! 'Yung girlfriend mo nasa labas!" narinig kong sigaw nung isang kakalse niya mula sa loob ng classroom nila kaya naman inayos ko na ang uniform ko saka ngumiti. Pero nangangawit na ako sa kakangiti ng hindi parin siya lumalabas. Kakatok na sana akong muli ng buksan niya ang pinto.

"Oh. Nasaan na?" nagulat ako sa tanong niya. Wala man lang goodmorning o hello?

"Ah. E-eto na. Sigurado akong mataas ang makukuha mo diyang grade k-kasi pinagpuyatan k-" 

"Sige. Salamat. Bye!" saka siya ulit pumasok sa loob ng classroom nila. Hindi man lang siya ngumiti habang kinakausap ako. Hindi man lang niya ako kinamusta. Eto na ba ang uso ngayon pag kayo? Bakit parang ang sakit naman ata. 

Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa amta ko saka ngumiti.

"Siguro nga ito ang uso ngayon. Nakakaumay naman kasi pag masyadong matamis." nakangiting kumbinsi ko sa sarili ko pero nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod ko.

"Kahit kailan hindi naging nakakaumay ang pagpapakita ng pagmamahal mo sa isang tao. Mas nakakaumay ang ginagawa sa'yo ng BOYFRIEND MO." hinarap ko siya. Hindi siya nakangiti at napakaseryoso ng mukha niya.

"Wala kang alam." kahit na best friend ko siya masakit parin 'yung sinabi niya. 'Diba kung kaibigan mo ang isang tao dapat i-comfort mo siya pero baligtad naman ang ginagawa niya eh!

"Bukod sa pagiging tanga mo, paghihintay ko, pananakit niya sa'yo ano pa ang hindi ko maintindihan?" hindi na ako nagslaita dahil alam kong oras na magslaita ako lalabas na ang luha mula sa mga mata ko. Yumuko na lang ako dahil nahihiya ako sakanya.

"Wa-wala kang pakialam." mahina kong sabi. Dapat talaga hindi na ako nagsalita kasi nagsimula ng tumulo ang luha ko.

"Sa tingin mo ba kung wala akong pakialam tatayo ako rito sa harapan mo ngayon para lang ipalamon sa'yo ang katotohanan? Hindi pa ba sapat sa'yo ang pagiging tanga sa loob ng 4 na buwan? Ano? Gusto mong bigyan ka pa muna ng award bago ka tumigil?" naiinis na hinarap ko siya. Nakita kong nagulat siya ng makita niyang umiiyak na pala ako.

"Ikaw ang tumigil! Hindi mo naman buhay 'to kayo tumigil ka na!" 

"Oo. Hindi ko nga buhay 'yan pero tngina! Buhay 'yan ng taong mahal ko!"  napatigil ako sa sinabi niya at napaatras sa gulat pero agad akong bumangga sa taong nasa likuran ko.

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon