Chapter 29

718 10 1
                                        

Aiandra's POV

After ng napag-usapan namin ni Luther noong nasa hospital palang ako ay halos hindi na kami magka intindihan na dalawa.. Ayaw niyang pag-usapan ang bagay tungkol sa kontrata ng pagpapanggap namin at pagpapakasal sa loob ng limang taon. Dagdag pa ang inamin ni Hailey sa amin. Luther and Hailey already resolved it privately. Pero umalis na rin si Hailey sa bahay, Nagpaalam ito sa akin dahil siya na raw ang tutulong kay Javier sa kanyang therapy sa isang pribadong isla na pag aari ng ina ni Hailey. I tried to stop her, mahirap ang gagawin niya lalo na at kinamumuhian siya ni Javier, pero ipinagpilitan niya sa akin na siya rin naman ang puno at dulo ng pagkasira ng buhay ni Javier kaya para naring kabayaran na rin ang gagawin niya. Pagbabayaran niya ang kasalanan niya na mag-isa at nagdadalang tao ng anak nila ni Javier.

Sinipat ko ang oras, 7 am palang pala! tinignan ko ang notification ng cellphone ko umaasa na baka may text o chat si Luther, Simula ng naka balik na ako sa bahay ay parang magkalayo na kami, tumitira nga kami sa iisang bahay pero hindi na kami nagkikita. Aalis siya na tulog pa ako at uuwi rin siya na tulog na rin ako. Hindi na kami nag uusap at nag o-overthink na ako. Maluha luha akong  ngumuya ng pagkain ng mapadaan si ate Lynne sa harap ko. "Bakit ka umiiyak buntis? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Tanong nito at umiling lamang ako at patuloy ang pagtulo ng akin luha "Bakit ka umiiyak? Masama kay baby na malungkot ka.. Okay lang naman kung di mo gusto ang pagkain buntis, di mo kailangan pilitin ang sarili mo na kainin yan" Anito at marahang hinagod ang balikat ko. 

Tiningala ko si ate Lynne at saka mahinang nag tanong "Ate Lynne pangit na ba ako?" Deretsahang tanong ko sa kanya "Kailan ka ba pumangit buntis? Mas glowing ka nga ngayong buntis ka eh!" Sagot ni ate Lynne at nagsi tulo na naman ang luha ko "Bakit nanlalamig na si Luther sa akin? umaalis siya sa akin na tulog ako at dadating rin siya na tulog na rin ako! akala ba niya hindi ko mahahalata?!" Puno ng sakit kong saad at si ate Lynne ay tahimik lamang na nakikinig sa akin. "Baka naman may inaasikaso lang" Anas ni ate Lynne. "Namamakla naman siguro yun. Kung ayaw niya sa akin pwede naman siya magsabi eh." Saad ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko "Baka kase nananatili lang siya sa akin dahil sa baka inaakala niya na baby trap ko siya.. Magsabi lang siya at aalis ako kung di niya kaya magpaka tatay! kaya ko naman buhayin ng mag-isa yung anak ko eh" Puno ng inis kong saad ngunit marahan lang akong hinagod ni ate Lynne sa aking likuran "Mapalamig ka muna buntis, You need blow off steams, Alam mo naman na ang buntis ay bawal ma stress, at pag usapan niyo yan mag-asawa ng mahinahon at maayos." Anito at pinahid ko ang likod ng mga palad ko sa basa kong pisngi.

"Di nga kami nag-uusap mula bumalik ako dito eh" Anas ko at tumayo na, nagpaalam ako kay ate Lynne ne lalagi lang ako sa garden upang magpa lamig at para makakuha na rin ng vitamin D mula sa sikat ng araw.  Nagmuni muni pa ko sa may garden hanggang sa medyo masakit ang sikat ng araw at pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at dumeretso na loob ng kwarto namin ni Luther para maligo.. Pagkatapos kong maligo ay nagulat ako ng madatnan ko si Luther na nasa loob ng kwarto namin na nakaupo sa dulo ng kama. Matiim ko siyang tinignan at nilampasan ko lamang na parang di ko naramdaman ang presensiya niya.

Tahimik akong nag bihis habang nakatingin sa akin si Luther, Hindi ko siya pinansin o nilingon, Inis na inis ako sa kanya! Kung ayaw niya sa akin ay sana nagtapat siya hindi yung ipag ooverthink niya ako. Patapos na ako magbihis ng marinig ko ang mabibigat na yapak na papunta sa kinaroroonan ko at di naglaon ay naramdam ko ang minit niyang hininga sa leeg ko, at pagdampi ng malambot niyang labi sa aking leeg. "I'm sorry bruhilta , Nabusy lang kase ako" He explained at siniko ko lamang siya "Nabusy sa saan? Sa kabet mo nakakainis ka wag mo akong kausapin susuntukin talaga kita" Pagbabanta ko sa akin and he just chuckle. "May nakakatawa ba? May joke ba sa sinasabi ko?"Mataray na saad ko but he just pulled me closer to him and he smile widely "No bruhilta, you look very cute na magalit, I can't wait to see you being real mad while having a big baby bump" Anas nito kaya kinurot ko siya at mabuti nalang mabilis rin siya nakailag sa kurot ko. "Hindi ka nakakatawa Luther!" Sigaw ko at binato sa kanya ang unang bagay na hawakan ko sa direksyon niya

"F*ck!" Napamura ito ng malakas at tinignan ang bagay na binato ko sa kanya, Umalingasaw ang perfume nito na gustong gusto kong ginagamit niya. Bumaling siya ng tingin sa akin at nang akmang papalapit na ako sa kanya ay hinarangan niya ako "Wag ka munang lalapit, basag ang bote ng perfume baka maapakan mo ang mga bubog, Wait there linisin ko muna to" Anito at napaupo naman ako sa kama ng makita ko ang naihagis ko sa direksyon niya, Jean Paul Gaultier Le Mer Le Parfum. Tahimik niyang niligpit ang nabasag na bote ng perfume at nang masigurado na malinis at wala nang bubog ng nabasag na bote ang sahig ay tinabihan naman niya ako sa kama at hinalikan. "What happend Aiandra? Galit ka ba sa akin?" Malambing na tanong ni Luther at umiling naman ako at tumulo na naman ang luha ko sa inis ko sa sirili ko. "Care to tell please? I know there is a huge adjustment sa ating dalawa dahil buntis ka at hormones statrs to act up, but please let me know hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pag a-adjust" Mahinahon ngunit malambing nitong sabi habang alo ako.

"Luther pangit ba ako?" I ask at napakunot naman ang kanyang noo "You are beautiful bruhilta, Sa mata ko,  nangungusap ang mata mo at ang iyong labi ay nag aakit, at higit sa lahat ang hugis ng iyong katawan mo ay nakakatulala" Anito and he trace my skin using his fingers. Napailing ako as a set of tears burst in my eyes "Hindi ko alam" Saad ko at humarap sa kanya na anunubig ang aking mata " Bakit ako umiiyak? Hindi ko alam" Pahayag ko "Di ko talaga alam Luthy. Di ko na naiintindihan ang sarili ko! Di naman ako ganito dati. Naiinis ako sa sarili kase napaka sensitive ko na at mabilis na rin ako magalit sa napaka simpleng bagay" I cried. Luther tuck the hair behind my ear at pinusan ang mga luhang bumabasa sa mga pisnge ko "Wag kang mag alala iintidihin kita, Tutulungan kita sa pinagdadaanan mo, I'm really to put you in this hard situation, Makakaraos rin tayo" Anito at inilapit niya ang mukha niya sa noo ko at marahan akong hinalikan sa noo

"You know what? Let's go to Shangri-La Boracay, Lets unwind"

The Gay Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon