Isang gabi, malakas ang ulan. Habang kami'y magkahawak kamay ni Ismael ay bigla siyang nagtanong sa akin.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" sambit niya.
"Sandra ang pangalan ko."
"Ayyy oo nga pala. Alam mo ba mayroon akong babae na mahal na mahal ko dati pero hindi ko na siya matandaan." sabi niya na may halong pagtataka pa sa mukha.
"Bakit hindi mo naman siya maalala?" Kunwaring tanong ko pa.
"Ewan ko nga e. Pero alam mo ba mahal na mahal ko yun." Sabi niya pa na nakangiti.
Hindi ko na napigilan pa ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi ko inalintana ang malakas na ulan dahil pakiramdam ko ay malakas ako dahil nasa tabi ko siya, ngunit hindi non maitatago ang sakit na nararamdaman ko.
"Ang swerte naman niya dahil may nagmamahal sa kanya na isang tulad mo." Sabi ko habang umiiyak.
"Oh, bakit ka umiiyak? Teka ano nga pala ulit ang pangalan mo?"
"Ako si Sandra. Hindi ako umiiyak no." Sabi ko pa na binigyan siya ng isang pekeng ngiti.
"Ay teka nandito na pala tayo sa tapat ng bahay namin, tara pasok tayo!" Sabi niya na agad na hinila ang kamay ko pero agad ko namang pinigilan iyon.
"Hindi diyan ang bahay niyo. Tara enjoyin muna natin ang ulan" sabi ko sabay hila sa kanya.
"Sige na nga hehehe." Sabi naman niya sa akin.
"Alam mo ba mayroon akong lalaki na mahal na mahal ko pero hindi kami pwede. Ang sakit pala, sobrang sakit." sabi ko.
"Sino iyang tinutukoy mo? Hay nako! Dapat hindi sinasaktan ang mga babaeng tulad mo."
Ikaw yun. Ikaw yung taong mahal na mahal ko pero hindi pwede.
Di namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay niya.
"Hay salamat! Nakauwi na rin. Mama nandito na ako!! Mama!" sigaw niya pa na parang bata. Nang biglang bumukas ang pintuan ay gulat at nagtatakang napatingin sa akin ang isang Ginang.
"Mama siya ang bago kong kaibigan. Si.. Teka ano ulit pangalan mo?""Sandra."
"Anak, pumasok kana muna sa kwarto mo at maligo ka at magpalit ka ng damit. Kakausapin ko lang ang kaibigan mo."
Agad naman siyang sumunod kaya kaming dalawa nalang ng mama niya ang naiwang magkaharap.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit kayo magkasama?! Hindi ba't sinabi ko na sayo na mas mabuting lumayo kana sa kanya dahil mas makakatulong iyon sa'yo! Bukas na ang flight namin. Please. As you see hindi kana niya maalala. Kaya mas mabuting lumayo kana sa kanya dahil ikaw lang ang mas masasaktan."
Parang binambo ang puso ko nang marinig ang mga katagang 'yon na nagmula sa kanya, dahilan para muling pumatak ang mga luha ko.
"Pasensya na ho kayo tita, mahal na mahal ko lang talaga ang anak ninyo."
Pagkasabi ko non ay agad din akong umuwi sa bahay at nagkulong sa kwarto. Nahagip na naman ng mga mata ako ang isang sulat mula sa taong pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
Maalala Pa Kaya?
Short Story"Maalala pa niya kaya ako kahit na imposible na yong mangyari?"