Dear Sandra,Babe, mahal na mahal kita. Alam ko sa sarili ko na baka ito na ang huling araw na maalala kita. Oo, hindi lingid sa kaalaman ko na may sakit ako. Na may alzheimers disease ako. At sinabi ng mommy ko na malala na ang sakit ko. Tandaan mo na mahal na mahal kita. Mapatawad mo sana ako kapag dumating yung araw na hindi na kita maaalala at makikilala. Mag-iingat ka palagi, kumain ka sa tamang oras ha? Yung palagi kong sinasabi sayo na tumingin ka lang sa langit kapag namimiss moko, kasi ganon din ang ginagawa ko kapag namimiss kita. Salamat babe dahil naging parte ka ng masayang buhay ko. Mahal na mahal kita..
From: Drick
BINABASA MO ANG
Maalala Pa Kaya?
Short Story"Maalala pa niya kaya ako kahit na imposible na yong mangyari?"