Sean POV
Ayan, umalis na ang Switzy ko. Tinalikuran nya na ako, at kasama pa nya si James. Kakapangselos lang,..
“Babawe ako. Pangako.” Bulong ko sa sarili ko, habang tinitingnan ko sya palayo sa kinatatayun ko.
[Ako ang kasama mo ngayon. Kaya pwede ba saken muna focus mo.] Anlakas naman ng loob na babaeng ito para sabihin na sakanya muna dapat focus ko. >_<
“Kasalanan mo kung bakit kami di magkasama ng girlfriend ko.” Putek. Kasalanan naman talaga nya kung bakit di kami magkasama ni Switzy ee. Kung di lang ito babae, naupakan ko na siguro ‘to.
[Okay. Okay kasalanan ko na. ako nalang bahala mag-explain sakanya. Sa ngayon pwede bang tulungan mo ko. ]
“Tulungan saan?”
[Mamaya ko na sasabihin, kumain muna tayo. Nagugutom na ko kanina pa. Tara siomai tayo. Dali!!] wow siomai. Favourite ko yan.
Ano ba yan, kung makahigit naman ang babaeng ito para sa siomai wagas. Kala mo mauubusan. Tss. -_-
“Manong, dalawa nga pong twenty ^__^” aba kung makaorder naman ito parang pumayag na kong kumain ah. Pero sige lang, peborit ko din naman eh. Ice lang yan :’> Kinuha ko na ang inorder nito at umupo sa bench ng park.
Tahimik lang kami habang kumakain. Di sya maingay ah. Mayroon pa pala noon sa mga babae haha. Kasalukuyan pa kaming kumakain nitong si….. sino nga ba sya?.
[amp. Miss. Kasi, kanina pa tayong magkasama. Di pa tayo magkakilala. Ano nga name mo?] tinanong ko na habang di pa sya umiimik. Lilingon ko na sana pero nakatayo na pala sya. Hindi ko napansin kasi busy ako sa paglapang ng siomai na ito. ^__^ sarap eh.
“ah.. ganun ba… sige… opo… sige, bye po.” Yun lang narinig ko sakanya habang may kausap sya sa phone. Kaya pala tumayo kasi may katawagan.
“Hmm. Uuwe na pala ako, may bisita kasi sa bahay eh. Maiiwan na kita dito. Sorry hah. Sige next time nalang ha. Btw. Princess here ^__^ Bye Sean ” Aii ganun nalang? Iiwan nalang ako mag-isa dito. Pero sige okay na ito ng mapuntahan ko si Switzy at makapag-explain sakanya.
Pero, kilala nya ako.? San naman kaya nya yun nalaman ang pangalan ko? Sino nga ba sya, hmmp? Perla, Pearl, Paula.. Anla nakalimutan ko na. pabayaan ko na nga yun. Hahanapin ko nalang si Switzy. Miss ko na eh.
Tatakbo na sana ako ng may mahagilapan ang mga mata ko. S-si James yun ah.. at k-kasama nya si Switzy, oo si Switzy yun di ako nagkakamali kahit nakatalikod sya kilala ko parin sya, mahal ko eh. Pero n-nag kiss sila??
“SWITZY!!!!!” sigaw ko sa kanila.
Switzy POV
Nandito kami ngayon ni James sa park. Dito nya ako dinala after nya ako icomfort.
“SWITZY!!!” Switzy?.. teka parang alam ko kung kaninung boses yun ah. Lilingon na sana ako para hanapin kung saan nanggaling yung boses nay un. Pero parang may mabilis na hangin na dumaplis saken.
[James !!] Sumigaw ako. Kasi, sinuntok ni Sean si James.
“Wala kang karapatang gawin yun, mag best friend lang kayo hindi mag boyfriend. Switzy tara na. iuuwe na kita.”
“mag best friend lang kayo. Hindi mag boyfriend.” Ano daw? Ano ba sinasabi ng lalaking ito.
[Hoy, Sean. Pagkatapos mo kong ipagpalit sa babaeng yun, babalik ka para suntukin ang Dady ko. WALA KANG KARAPATANG GAWEN YUN.] Sinigawan ko na sya. Ang sakit kasi ng hawak nya saken habang kinakaladkad nya ako palayo kay James.
“Dady dady mong nalalaman!. SINONG BOYFRIEND ANG HINDI MANUNUNTOK KUNG NAKITA NYA ANG GIRLFRIEND NYA NA MAY KAHALIKANG IBA.” O_O. hindi sa sigaw nya ako nagulat. Kahalikan?. Hah?
*FLASHBACK*
“Ahhh. Ahhh. Aray. Ang sakit” sa tingin ko maluluha ako nito.
[Mamy, bakit ka lumuluha. Ano masakit sayo? Puso na naman? ]
‘Sira. Anong puso. Sino kaya ang di luluha kung mapuwing ka. Ang sakit kaya.’ Oo napuwing ako kaya napapaluha ako. Nagulat naman ako sa ginawa ni Dady. Bigla nyang nilapit ang muka nya sa muka ko. Yung parang hahalikan pero,….
[hooooo… Yan Mamy, okay na siguro yan.] Ah, hinipan nya lang pala. Akala ko kung ano.
“SWITZY!!” pangalan ko yun ah.
*END OF FLASHBACK*
“Oh ano. Tutulala kalang ba dyan. Di ka makaimik kasi totoo.” -Sean
[Hindi k aba marunong magtanong?]
“Hah?” di pa ako magets. Slow.
[Kung magkasama tayo, tas naluluha ako dahil napuwing ako, di mo ba hihipan ang mata ko?] deretso kong tanong sakanya.
“H-hah?” di paren magets. Okay confirmed. Slow talaga. --.
[Yung nakita mo kanina, hindi kiss yun. Napuwing ako at hinipan lang yun ni James. Nakatalikod lang ako kaya napag-akala mo na hinalikan nya ako.] sana naman gets mo na.
“A-ah/ he-he.”
[At ngayon, tatawa tawa ka dyan. Magsorry ka ngayon kay Dady. Magtanong kasi muna.]
“Sorry po”
[At ikaw dyan ang may atraso saken. Yung babaeng kasama mo. Mag-explain ka saken mamaya, kasi ngayon, puntahan muna natin si Dady sa park, baka andun pa yun para makahinge ka ng sorry.]
“Si-sige po.”
Naglalakad kami ni Sean ngayon. Tahimik lang, nakakaingay na katahimikan ang pumapagitna samin. Siguro dahil na rin sa mga nangyare samin ngayong hapon na ito.
“Switz. Wala na sya.” Andito na pala kami ni Sean. Hindi ko namalayan kasi naman iniisip ko parin yung kanina.
[Ah ganun ba. Sige bukas nalang. Uwe na tayo.]
“No. wag muna. Mage-explain pa ako di ba?” sabay pigil nya saken at hinila para makaupo kami.
Wala tahimik lang ako habang nage-explain sya. Nakikinig lang ako. Nabunggo pala nya yung babae at humingi ng favor sakanya. Psh. Ano ba naman yun ?. Pero okay na rin yun para hindi na humaba ang awayan na ito.
Nagkwentuhan lang kami at maya maya nagkayayaan ng umuwe. Sumakay na kami ng tricycle total malapit lang din ito. Pareho lang kaming tahimik. Kakapagod na rin naman kasi e.
Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Magpapaalam na sana ako sakanya pero bigla nya akong niyakap at may binulong..
“Switz, salamat po sa pag-unawa mo saken.Mahal na mahal kita. Wag ka pong mawawala ha. Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko, ang papasayahin ko at ang paglalaanan ko ng oras ko simula ngayon. Iloveyou.” >//////< eh?. Kakagulat naman yun.
“Sige po pasok ka na. Masyado ng malalim ang gabi. Pahinga ka na po. Alis na ko bye.” Ay di man lang ako pinaimik?. Ice din ang lalaking yun ah. pero ferness, kilig naman ako sa mga sinabe nya.
Papasok n asana ako ng bahay ng tumunog ang cp ko.
2mssgs. Received .. wow sabay.
1.DadyKo JAMES..
2.SeanKo <3
Una kong inopen ang kay Sean.
SeanKo <3
Kakain ka po ng dinner ha. Wag mo pong kakalimutan ang mga sinabe ko sayo kanina, habang magkayakap tayo. Lalo na ang pangako ko. Babye na. magpahinga ka na din. Iloveyou. :*
Grabe naman. Kakaalis lang ni Sean, tas may pahabol pa sya. Hehe. Kay Dady naman.
Dadyko JAMES
.Mamy, don’t forget to eat your dinner. Kalimutan mo na po yung mga sinabi ko kanina habang magkayakap tayo, lalo na yung pangako ko. ayoko pong mailang ka saken. Sige na pahinga kana. Bye :.>
h-ha? Eh? Parang baliktad lang sa text ni Sean saken. Di naman ako naniwala dun sa sinabi ni Dady e, pero nakakabigla lang talaga. Makapasok na nga lang ng bahay para makapag pahinga na din ako.
BINABASA MO ANG
Boyfriend vs. Bestfriend (on-going)
Teen FictionSino ang mas mahalaga at pipiliin mo ang taong nagpapasaya sayo o ang taong minamahal mo? (pabasa nalang po, kung di mo po mamasamain :'>)