Switzy POV
"Ano bang gusto mo ha? bakit ba ang pait pait mo!" -ako
[ako pa talaga? ikaw nga diyan ang bitter e]
"psh! mamy and Alex, agang aga nag-aaway na naman kayo, parang wala kayong pinagsamahan ah." -James
[WALA TALAGA!] sabay naming sabi ni Alex.
Wow naman, akala ko pa naman ise-save ako nitong si Dady James yun pala sesermunan na naman ako.
Ay, oo nga pala, ako si Switzy Lopez, ang ikli ng pangalan ko noh? ewan ko ba sa mga parents ko, tinamad ata mag-isip noong sinilang ako -.-.
Yung lalaking kausap ko kanina, sya lang naman ang ex kong si Alex, wala pa kaming 1month noong naghiwalay kami, ulol kase ee SOBRANG BITTER. Di ko nga alam kung bakit ko yan sinagot. Ginayuma ata ako ee. nebeyen >_<
"Dady, di kita savior sinesermunan mo ako. Bahala ka dyan." sabay labas ko sa classroom namin.
kainis, kainis talaga.. agang aga ee. Andito na pala ako sa favorite tambayan ko, ang tinatawag kong PISHY PLACE dito sa Unknown school namin.
(PISHY kase, PEACE ang mararamdaman mo dito at may FISH POND dito. Peace+Fish=PISHY :D.. at UNKNOWN School kase, wala lang talagang maisip si Author na name ng isang school :'>). Pag-aari daw namin ito ni Dady, kasi kami lang daw ang natambay dito. haha Baliw talaga yun..
Speaking of Dady James, sya yung bestfriend ko simula 1st year highschool hanggang ngayon na 3rd year na kami. Nagtataka ba kayo kung bakit Mamy/Dady tawagan namin, bakit hindi bhest o bespren kase... hmm?? bakit nga ba??.. ahh. naalala ko na,
*FLASHBACK*
"Switzy, anong ginagawa mo dito?" nandito nga pala ako sa bahay nina James.
[Ah kasee James, Tita texted me na may sakit ka. Oh ano, kamusta kana? Nahihilo ka ba? o nilalagnat? Ayos ka lang ba?] sunod sunod kong tanong kay James.
"Hey, ano ba. ang dami mong tanong ah. Isa-isa lang pwede?, mahina ang kalaban. haha" tawa pa ang luko, may sakit na nga. "Daig mo pa si mom, kung mag-alala. *bright idea* From now on, tatawagin na kitang Mamy, kasi para ka ng si mom kung mag-alala saken." dere-deretso nyang sabe.
"a-ah o-okay. Da-dady." Hanubayan! nauutal ako. awkward kase, pero okay na ito. masasanay din ako. Daddy James ^____^
*END OF FLASHBACK*
"Nasaan kaya si Daddy?" bulong ko sa sarili ko..
James POV
"James!" tawag saken ni Alex. Ex ng Mamy ko.
[Problema mo?] naiinis kong sabi. Inaway kasi ang Mamy ko.
"Di mo ba sya susundan?"
[huh?] di ko sya magets.
"Si Switzy. Nagwalkout kaya. 20mins. nalang time na. baka malate yun sa first period naten."
[Ah oo nga pala si Switzy.. IKAW NAMIN KASI, SOBRA MO SYANG ASARIN, PALIBHASA EX KA NYA. WALA KA NG KARAPATAN NA ASARIN SYA, DI NA AKO PAPAYAG NA MAKUHA MO ULIT ANG LOOB NYA. ] sabay alis ko sa classroom namin.
Well, siguro ngayon nakabawi na ako sa ginawa nya kay Switzy kasi naman bago ako tuluyang lumabas nilingon ko muna sya at eto ang reaksyon nya. -----> O_O. Sobra na kasi yan eh, ginamit lang nya ang Mamy ko para gawing panakip butas. eeeehhhhhh.. tama na nga yan, hahanapin ko pa ang mamy ko. asan na ba yun?. ah.. alam ko na kung nasan sya.
*takbo takbo takbo* and Im here na sa Pishy Place namin :)....
"Nasan kaya si Dady?" wow naman. hinahanap ako ng mamy ko. Magulat nga. :D
lapit..
lapit..
lapit..
and..
[Boo!!. Mamy ^__^]
"ay bakla"
[Mamy di ako bakla. Gwapo kaya ako. :)]
"Gwapo mo mukha mo. di mo ko pinagtanggol kanina. Bad dady ka."
[sorry na mamy. alam......]
*kring*
"Dady, wait lang hah. tumatawag si Sean."
..Shemay si Sean na naman >_<
Switzy POV
*kring*
Sean Calling....
OhMyG.. my lovidabie is calling. :">
"Dady, wait lang hah. tumatawag si Sean." sabay talikod sakanya.
*conversation*
Hello ^__^
[goodmorning Prinsesa ko.] >//////<
Goodmorning din po
[Ingat ka dyan ha. Bawal makipagdate.]
Sean naman, date agad?
[seloso nga kasi ako. Ay Switz ibababa ko na ito. Time na namin e, ILoveYou. sunduin kita mamaya. Bye]
*Call ended.*
waaaaaaa kilig much. tumawag lang para sabihing wag makipagdate kasi seloso sya? KamustaNamanYun. :D
Nagtataka siguro kayo kung bakit si Sean ang lovidabie ko ngayon! Malandi ba? More than a year na since nagka last boyfriend ako. Noong 2nd year ko pa naging boyfriend si Alex noh. 1year na din akong nililigawan ni Sean.
Tanda ko pa yung sinasabe nya saken noon.
*FLASHBACK*
August 5 ngayon at ito ang date kung saan nalaman ko ang lahat lahat. manloloko ka Alex. iyak lang ako ng iyak dito sa park.
"Switzy?"
[S-sino ka?. Bakit mo *sniff* ako kilala?]
"Ako si Sean, taga *toot* school ako. Dati pa kita sinusubaybayan. Stalker ba ang dating? well Stalker mo nga ako, lahat ng tungkol sayo alam ko. Sikat ka kaya :)"
[Wala akong pakialam. Umalis kana. di ka nakakatulong. tsupe.]
"Switzy, alam ko broken hearted ka. kay Alex. tama ba?" nagtataka pa ba ako kung bakit nalaman nia. eh Stalker ko DAW kase sya.
"Handa akong maging panakip butas, gusto lang kitang mapasaya, gusto ko ako naman ang magiging dahilan ng bawat ngiti mo. Di ko man mapapangako na di kita sasaktan, pero sigurado akong mamahalin, minamahal at mahal kita, kahit na ngayon mo lang ako nakilala. Bigyan mo lang ako ng chance para patunayan sayo lahat." dere-deretso nyang sabe.
*END OF FLASHBACK*
Noon di ako naniwala, pero di parin nia ako sinukuan kahit na tinataboy ko na sya. Kaya nga sinagot ko na sya last week ee. Tama na yung 1year na panliligaw nya. :)
"Hoy kung makangiti wagas." oo nga pala, kasama ko si dady ngayon. Nakita na naman nya kung paano ako kiligin.
[agaw eksena ka naman e. Halika na. time na oh. Malelate pa tayo.] hinigit ko na sya, bago pa tadtadin ako ng marami nyang tanong. Tsismoso kasi.
--
Well, that is the first chapter. Hope you like it.. kahit baguhan si Author :">
-------> Switzy and James at the right side :)
BINABASA MO ANG
Boyfriend vs. Bestfriend (on-going)
Fiksi RemajaSino ang mas mahalaga at pipiliin mo ang taong nagpapasaya sayo o ang taong minamahal mo? (pabasa nalang po, kung di mo po mamasamain :'>)