" Summer of 2009 "

6 0 0
                                    

It was the perfect summer for everyone ..and for me.

13 years old lang ako nun, I was in the middle of enjoying those little things na meron ako.. I was in the first year of being a high school student. andun pa ko sa moment kung saan fresh sakin ang lahat.. New desk, school bags, uniforms, pens na ibat-ibang kulay, new shoes , notebooks etc.

Sobrang normal lang, Actually lagi naman ganun ang senario every first day of school.. ang pinagkaiba nga lang feeling mo mas matured ka na ng konti sa mga elementary students, pero mas nene sa mga nasa senior high. Pero bakit ko nasulat to?

its because nagsimula ang totoong buhay ko nung 2009 ng SUMMER.

Normally pag summer kasama mo lang ang mga kabarkada mo.. mga ka patotot mo. "BONDING". walang katapusang bonding. pero dito sa cavite , SWIMMING! walang katapusang swimming.. wala kang pake kahit halos kaamoy mo na ang danggit at dinaing sa sobrang alat ng amoy dahil sa tubig dagat. Lulusong kayo ng alas-6 ng umaga aahon kayo ng alas-dose at babalik ulit kayo pagkatapos ng pananghalian, hanggang sa magtuloy tuloy na... ganun lang palagi. Same routine lang araw-araw.. Pero magtataka ka kasi kahit paulit-ulit. HINDI PA RIN NAKAKASAWA.

"Ang love parang pagligo sa dagat.. minsan mainit, maya maya biglang lalamig.. minsan kalmado , kadalasan mabato.. kahit paulit ulit mo nang nasubukan.. kapag alam mong gusto mo talaga hindi ka parin magsasawang balik-balikan."

Kwento ko sa inyo kung ano ba talaga ko nung 13 ako.. maganda? "hmmm.. HINDI!" , ok sige average? "HINDI rin!" , may itsura? "teka nga! lagi na lang ganyan ang description!.. eh halos lahat naman ng bagay may itsura! ano ba?!" , So panget? "medyo masakit pero... Ganun na yun."

Yup! panget. pwede ba guys! lets face the reality na lang noh? dito sa mundo 4 lang talaga ang Criteria natin pag dating sa pag jujudge ng itsura. wag na natin daanin pa sa GMRC (Good moral & right conduct) ang pag jujudge ng appearance. pag PHYSICAL APPEARANCE ang pinag uusapan pang physical appearance lang din dapat ang sagot. tigilan na natin ang mga sarcastic na sagot. ( wala kong kaaway sorry. xD)

But totoo naman diba ? pag sinabing MAGANDA. automatically pwede yan "pangrampa, pang dagdag points at pang kama". pag AVERAGE. yan yung hindi ka mapapa second look pero pagtinitigan mo may anggulo syang maganda, yan din yung mga babaeng "Girl with Angles". pangatlo pag sinabing PWEDE NA yan yung mga hipon daw! minsan "pwede na!" kadalasan " Pwe! di na!".

At yung last yun yung mga Feeling hopeless case.. yun yung kahit saang anggulo mo tignan di mo makita yung ganda kasi kalimitan ayaw din nilang ipakita. pwede ding mga "late bloomer". kaya lang may mga late bloomer din kasing hindi na nagagawang mag bloom kasi ayaw din nila.. yan yung mga klase ng taong hindi sanay maging CENTER OF ATTRACTION kaya mas ok na sila na ganun na lang.

Well, Back to REALITY! ... sa apat na yun andun ako sa FEELING HOPELESS CASE. pakiramdam ko talaga ako yung tipo na pag sinali sa beauty pagent consolation prize agad (kunwari humble ako). hahahaha! pero seriously ganun po talaga ko. kung gusto nyo ng evidence kalkalin nyo mga pictures ko tapos gawan nyo ng memes.

"Sa buhay may 4 na klase ng babae, may MAGANDA, AVERAGE, may Feeling Hopeless Case at may PWEDE NA. minsan Pwede na! kadalasan "Pwe! di na!".

Jersey shorts, at small size ng t-shirts (yung size ng Blue corner ah), at pony tail. yan! yan lang ang naging ayos ko sa loob ng 3 taon. "Boyish" daw ang term para dun. pero hindi ako tibo. malandi din ako nuh! nag ka boyfriend din ako ng 6. sila "joshua, Christian, marvin, Wilfred, Cholo at richard" (oha! exposure din yan! hahaha).

yung dalawa jan seryoso naman .. pero gaya nga ng mga problema ng mga teens sa pakikipag relasyon lahat sila immaturity ang dahilan kung bakit kami naghihiwalay.

Summer of 2009Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon