Facing the Reality~

3 0 0
                                    

Siguro nga magulo ang pag kakaintindi nyo sa kwento ko.. pero i-eexplain ko ang lahat. Ng buo at totoo.

Gaya nga sinabi ko nagsimula lahat nung summer ng 2009.

nagbakasyon ang mga pinsan ko samin, at narinig ko sakanila ang tungkol kay poy. nakilala nila si poy nung sumali sya isang tv show bilang isang contestant. bata pa nun si poy siguro matanda lang sya sakin ng 2 o 3 taon.

"Finally!! nakilala ko na sya.

sya ba si poy? seryoso?!! .. talaga?.. totoo ba?! sya talaga?!!...

WOW! as in super wow!!!"

Sobrang nagulat talaga ko nung ipinakilala sakin ng mga pinsan ko si poy. nakita ko sya sa friendster. Oo friendster pa noon ang gamit. kahit na sa litrato ko lang sya nakita iba agad ang naramdaman ko.. OA na siguro kung OA pero .. hindi ko malilimutan ang pakiramdam na yun.

Ako yung taong naging parte ng buhay nya"

Simula ng makilala ko si poy madaming nagbago , sa kilos , pananamit, sa pananalita.. kalahati ng pagiging babae ko nagawa kong baguhin dahil sakanya... nag ayos, nagbihis ng maganda, binago ko kung ano ang nakasanayan na.

Oo totoo. naging parte ako ng buhay nya... ng hindi nya alam. nagbago ako dahil sakanya dahil inisip ko kung gusto kong maging karapat dapat sakanya dapat mag muka akong maayos , maganda at matalino.

Nung mga oras na yun pakiramdam ko kasi hindi kahit kelan pwedeng magkagusto ang tulad nya sa katulad ko.. may pera sya, payak lang ang buhay namin. gwapo sya, at ako halos wala ngang pumapansin sakin eh. Lagi syang sentro ng atensyon, habang ako. ako yung babaeng hindi pang rampa, walang pwedeng ipagmalaki lalo na sa itsura.

"walang araw na hindi ko sya pinupuntahan .. walang araw na hindi ko sya nakita.. at

walang gabing hindi ko sya kinausap. Sa madaling salita umikot ang mundo ko sakanya.

Hanggang dumating sa point na minahal ko sya. ng sobra. ng sobra sobra."

oo. walang araw na hindi ako pumunta ng computer shop para tignan ang account nya. Stalker? siguro nga yun na rin ang dapat itawag sakin .. dahil araw araw kong inaalam kung anonng nangyayari sa buhay nya. Gusto kong malaman kung kamusta sya.. kung ok ba sya? kung naong bago sakanya. O kung may nagugustuhan na ba syang iba?.

Sa tuwing makikita ko na may kasama syang babae sa picture naiinis ako. nung panahong yun inisip ko kung normal pa ba yung nararamdaman ko? , O kung normal bang magmahal ng taong hindi mo naman nakilala. O may ganun ba talaga? pakiramdam ko ako lang yung nasa ganung sitwasyon nung mga oras na yun.

Feeling ko ako lang ang nakakaramdam ng ganun sa mundo. dahil pakiramdam ko napaka imposible. napaka imposibleng mahalin ang isang taong hindi mo pa nakita o nakilala, ni hindi mo nakausap .. at bigla kang mahuhulog sakanya. at mapupunta sa sitwasyong hindi mo inakalang pagdadaanan mo.

"palagi ko syang ikinukwento sa mga kaibigan ko.. laging may bagong kwento ko about sakanya.. at nakikita kong masaya ang kaibigan ko para sakin.

Sa loob ng 3 taon yun ang naging routine ko. ang kausapin sya.. kamustahin, tanungin kung ok lang ba sya.. mga pangkaraniwang bagay na tinatanong sa taong mahal mo. at kahit hindi nya sabihin alam ko masaya sya. nakikita ko yun, nakikita ko yun."

Palagi ko talaga syang ikinukwento sa mga kaibigan ko... pero hindi kasing totoo ng iniisip nyo. pinakilala ko si poy bilang boyfriend ko at pinakita ko ang picture nya sa mga kaibigan ko.

Oo nagpretend ako. nag panggap akong kami. ginamit ko ang existence nya para paniwalain ang tao sa paligid ko na totoong kami. na merong ako at sya. na masaya kaming dalawa. na mahal namin ang isat-isa. na hindi ako nangangarap lang.

Tinakasan ko ang katotohanan, ang realidad ng buhay.. nalungkot at natakot akong harapin ang totoo. nahirapan akong tanggapin kung ano talaga ang para sakin. napagod na kong maging wala lang. ayokong balewalain ako ng mga taong pinahahalagahan ko ng husto.

Ayokong maalala nila ko dahil lang sa kailangan nila ko. ayokong punahin na lang nila palagi kung ano ang mali sakin ... kaya nabuhay ako bilang ibang tao. nabuhay ako sa pag papanggap ko na anjan si poy, ang boyfriend ko na minahal at tinanggap ang katangian ko.

Gumawa ako ng bagong karakter sa katauhan ni poy. pinakilala ko sya bilang mapagmahal na anak , kapatid, kaibigan at boyfriend. ikinuwento ko kung gano sya ka-sweet at romatic pag dating sakin.. kung gano sya ka-loyal sakin. at kung gano nya ko nirerespeto. Lahat ng katangian na pinangarap ko sa isang lalaki ay binuhay ko sa katauhan nya.. pero mali. Maling mali. maling gamitin ko ang pagkatao nya, maling mag panggap na kilala ko sya . maling paniwalain ko sila sa bagay na hindi naman kahit kelan naging totoo. At maling lokohin ko ang mga taong naging totoo sakin.

6 na taon.

6 na taon akong nabuhay sa kasinungalingan..

6 na taon akong nag panggap.

6 na taon akong nanloko.

Hanggang sa maisip kong hindi ako to, na HINDI NA AKO TO.

hindi ko na halos kilala ang sarili ko..

So i decided to end this fucking non sense story na nag pa-ikot, nag pa-gulo, at nagpa-kumplikado sa simpleng buhay ko noon.

Masaya na si poy. ayoko na syang guluhin .. maski ang pangarapin.. tinanggap ko na ang katotohanang hindi lahat ng gugustuhin mo ay mapapasayo.

Nagawa kong humingi ng sorry sa mga kaibigan ko.. nagsimula ulit ako sa umpisa.. pinilit kong kunin ulit ang tiwala nila...hanggang sa mapag tagumpayan ko.

Binitawan ko kung ano man ang mga bagay na pinanghawakan ko noon para sakanya.

Hindi nangako sakin si poy.. wala syang kasalanan... wala syang ipinangako sakin.. ako ang nag expect .. ako ang umasa... ako ang nag hangad ... walang may kasalanan dito. kundi ako. Ginusto ko tong gawin .. ni wala nga syang ideya tungkol sa ginawa kong to. kaya hanggat maaga aayusin ko na.

Uulit uli ako sa umpisa.. kung kailangan bumalik sa dati hanggat kaya gagawin ko.

ibabalik ko ang dating "Shaina" . ang shaina na walang pakialam sa sasabihin ng iba.. ang shaina na hindi big deal sakanya kung maganda ba sya sa mata ng iba. Yung shaina na kaya nang tumawa ng buo.

After 6 years ng pangangarap sa isang katulad ni poy.. masaya na ko. wala akong pinag sisisihan sa kung ano mang naranasan ko .. malaki ang natutunan ko. hindi ko na maibabalik ang nangyari. ang kaya ko na lag gawin ay ang itama.

Sa mga nangyari sa buhay ko masaya ko dahil may pamilya at mga kaibigan parin akong handang dumamay sakin... hindi man ako pinalad mapalibutan ng mga taong bilib sakin, napalibutan namn ako ng mga taong totoong naniniwala sa kakayahan ko.

Salamat. salamat sa paniniwal at sa pag paparamdam saakin na sapat na ang isang "Shaina" sa buhay nyo.. hanggat kaya ko patuloy ko kayong pasasayahin, ako naman ang tatayong sandalan nyo. ( wag yung literal ah! ) .. thank you guys for accepting my flaws, thanks for the motivation at sana nanjan parin kayo kapag nakamit ko na ang mga goals ko sa buhay.

Thank you sa mga naka appreciate ng short story ko sa mga hindi nagustuhan ok lang yan kanya kanya naman tayo ng taste pag dating sa mga binabasa at babasahin natin.

actually im preparnyoing for my new stories in wattpad pero as much as possible same type lang din ng pag kukuwento ko sa story ko ang gagawin ko. hindi din kasi ako ganun ka matyaga para magsulat ng mahahabang stories.

So! thats all for today .. have a good day everyone ! :)

Summer of 2009Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon