Changes~

3 0 0
                                    

Hanggang sa dumating ang pinaka kinatatakutan ko.. lumipat ulit kami ng bahay, bumalik kami ng manila. Natakot ako at nalungkot.. nalungkot para sa mga kaibigan kong maiiwan ko.. at natakot na baka hindi ko na sya makita ulit.

Pero kahit ganun ang nangyari di ko inakalang magpapatuloy parin kami ni poy.

sa manila ako nag 4rth year bilang isang high school. masaya katulad ng dati naging bago nanaman sakin ang lahat. Pero madali din naman akong nakapag adjust.

Namimiss ko sya.. wala akog magawa , kaya kinausap ko sya.. sa tuwing ma mimiss ko sya palagi ko lang syang kinakausap.. kinukwento ko ang mga nagyayari sakin.. kahit minsan nahihiya na ko dahil sa sobrang daldal ko.. pero sya andyan padin palaging nakikinig.

Nakilala na din ng mga bago kong kaibigan si poy..pati sila nagwapuhan sakanya.

kelan ko ba daw sya ipapakilala? .. medyo nag alangan ako.

Kelan nga ba? Kelan ko nga ba sya mapakikilala? .. darating pa ba yung araw na yun?

kelan? .. saan? .. sa panong paraan ? ... sana nga. Sana nga.

Lumipas ang maraming buwan.. ganun parin ang lagay namin. marami na ding nagbago sakanya.. mas nag matured sya kumpara sa dati. mas naging maporma. mas gumwapo.. madami na rin silang dance contest na nasalihan.. ibat ibang tv shows ang binabackupan nila. gumaganda na ang career ni poy :).

Pero may isang bagay na dumating. isang pangyayaring di ko inasahan.. at hindi ko agad natanggap.

May girlfriend na si poy.

Maganda... sobrang ganda.. higit sa kung anong kaya kong ipakita.. higit sa kung anong kaya kong ibigay... lahat ng pinangarap ko para saming dalawa. Nabura. pakiramdam ko sobrang kulang ko nung mga panahong yun. Feeling napaka kulang ko.

Talunan. yan ang pakiramdam ko sa sarili ko.. pakiramdam ko napaka laki kong loser.

yung taong minahal ko sa loob ng 4 na taon may mahal nang iba. kung alam lang nya.. kung alam lang nya kung gano kasakit, unang beses kong maranasang mag mahal ng ganun.

binago nya ang pagkatao ko... halos kinalimutan ko na ang totoong ako.. nabuhay ako sa mundo kung saan kaming dalawa lang ang ang eexist.

Nakuntento ko sa kung anong pwede kong makuha.. tinanggap ko ang consequences dahil sa pagmamahal ko sakanya.. tinalikuran ko ang dapat at tama. hanggang dumating ako sa puntong hindi na ako ang dating ako.

Sa tuwing makikita ko syang masaya kasama ang babaeng mahal nya.. namamatay ako.

pero hinid ko magawang hindi sya kamustahin o bisitahin.

Masaya sya ... masayang masaya.. nakita ko ang kakuntentuhan nya sa babaeng pinili nyang makasama.. Gusto kong umiyak ng malakas. tapos matatawa ako pag inisip ko ang katotohanan. pero masakit parin ... sobrang sakit parin.

Sakit na halos hindi ka makahinga.. pinipilit mong humigop ng hangin para kumalma pero nalulunod kana ng sarili mong luha.. sakit na mapapkapit ka na lang sa dibdib mo dahil gusto mo nang hugutin palabas ang puso mo. gusto mong mamanhin ang katawan mo. gusto mong matulog ng matagal... ng sobrang tagal . gusto mong ipahinga ang isip mo dahil alam mong konti na lang ma babaliw ka na.

6 na taon akong umasa.. naghintay.

Nagkaroon na sya ng pamilya. ng sarili nyang pamilya.. sa parehong babae. Sa babaeng nagpangiti sakanya ng sobra, sa babaeng nagbigay buhay sakanya.. sa babaeng nagturo sa kanya maging isang responsableng tao.. sa babaeng pumuno sa kakulangan nya.. sa babaeng hindi ako.. at hindi kailan man magiging ako.

Sa tuwing nakikita ko sya naaalala ko lahat..ng buo, ng kumpleto.. wala akong magawa.. buhay nya yun at gusto nya. hindi ko sya pwedeng pakialaman sa mga magiging desisyon nya. hindi pwede akong mangialam.. dahil WALA AKONG KARAPATAN.

Oo. tama . wala akong karapatan sakanya. Wala kahit kelan.

hindi ako nag karoon ng karapatan sakanya kahit na minsan.. dahil wala ako sakanya.

dahil hindi naman talaga nya ko kilala.

End of Changes~

Summer of 2009Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon