Si poy ay isang dancer.. as in normal na member lang ng isang dance crew .. tinitilian, hinahabol, at marming nagkakagusto.. Boyfriend material. at masasabi kong sobrang choosy ng babae kung hindi magka gusto sakanya.
maputi, talented, gwapo mga pangunahing katangian na sobrang hahangaan mo sakanya.
Ako?? ... ano nga ba ang role ko sa buhay nya?
Ako yung taong naging parte ng buhay nya.
Simula ng makilala ko si poy madaming nagbago , sa kilos , pananamit, sa pananalita.. kalahati ng pagiging babae ko nagawa kong baguhin dahil sakanya... nag ayos, nagbihis ng maganda, binago ko kung ano ang nakasanayan na.
... walang araw na hindi ko sya pinupuntahan .. walang araw na hindi ko sya nakita.. at walang gabing hindi ko sya kinausap. Sa madaling salita umikot ang mundo ko sakanya.
Hanggang dumating sa point na minahal ko sya. ng sobra. ng sobra sobra.
Sa loob halos ng 3 taon wala akong ibang ginusto kundi ang makita lang sya at palaging makasama.. masaya ko pag kasama ko sya, bagay na hindi ko pa nararamdaman pag kasama ko mga kaibigan ko.. masaya ko sa mga ginagawa nya.. kahit ang pag ngiti nya naging napaka halaga sakin.
palagi ko syang ikinukwento sa mga kaibigan ko.. laging may bagong kwento ko about sakanya.. at nakikita kong masaya ang kaibigan ko para sakin. nagpatuloy yun ng nag patuloy. naging masaya ko sakanya.. kuntento at kahit kelan hindi nya nagawang pasamain ang loob ko.
Sa loob ng 3 taon yun ang naging routine ko. ang kausapin sya.. kamustahin, tanungin kung ok lang ba sya.. mga pangkaraniwang bagay na tinatanong sa taong mahal mo. at kahit hindi nya sabihin alam ko masaya sya. nakikita ko yun, nakikita ko yun.
End of this page~
BINABASA MO ANG
Summer of 2009
Short StoryHello wattpad readers! Honestly it's my first time to wrote stories about romance , medyo hindi ako sanay thats why kung mababasa nyo yung story ko baka hindi maging ganun kaganda sainyo.. But seriously' Thanks sa mga makaka appreciate. " Summer of...