08-05-15
Hoy ikaw!!! Oo ikaw.
Di ko alam kung pano sisimulan to, pero, go lang.
Una sa lahat, matalino ka. Sobra to be honest.
Lahat ng nakakakilala sa'yo , for sure pag narinig ang pangalan mo, "matalino" ang unang characteristic na maaaala nila.
Sobrang talino mo, di ko na alam kung pano ka ia-approach. Masaya man ako sa harap mo, pero deep inside, naguguluhan ako. Di ko alam gagawin ko.
Sobrang talino mo, di ko na alam kung ano ako. Feeling ko basura ako pag tumatabi ako sa'yo.
Pero tama na yan. Sobra nang papuri ang natanggap ng brain cells mo.
Oo, nagbago ako.
Bakit?Naalala ko kasi yung sinabi mo dati.
".... Wala, tanggap kita. Ganyan ka eh."
Ang sakit din pala minsan nung salitang acceptance.
Pakiramdam ko nung araw na yun, basura ang tingin mo sakin.
Ang sakit kasi parang sinabi mo na rin wala na akong chance magbago.
Parang sinabihan mo ko na "There's no more room for improvement." Pero in a negative way.Nung araw na yun, sinabi ko sa sarili ko, hihigitan kita. Not in the near future, but Someday.
Actually, kaya ko binago yung sarili ko kasi may gusto akong patunayan.
Pero mali pala. Sa maling tao ako nag-aksaya ng oras.
Fast forward.
Eto ako ngayo. Nganga. Langya, pinagsisihan ko lahat ng pinag-gagagawa ko para SAYO.
Oo, walang nagsabi sakin na gawin ko to.
Pero ginawa ko.
Bakit?
Para magpa-impress.
Gusto ko kasi mapalapit sayo.Hindi man "best friends" o "bros" level, kahit "close" lang.
Para sakin may difference yun.
I started to let you in. Introduced you to the real me. Welcomed you into my "dark side".
I must admit, napaka stupid ng choices ko.
Langya, kung ano-ano pinag-gagagawa ko.
Kailangan ko lang pala kabisaduhin yung periodic table para mapalapit sayo.
ARRRGGHHH!!! I FEEL SO STUPID!!!
These past few days, lumalayo ka. Bakit?
Love life ba? As if. Bato ka kaya
Ahh alam ko na.
Lumalayo ka kasi sagabal ako? Pabigat?Bakit? Kasi bobo ako?
Sige na..
Given na siguro yun.
Naalala ko yung isang saying. It goes like this, " Let go of the things that slows you down."
Do you live by that saying na ba?
Well then.
"Forget what hurt you but never forget what it thought you."
Yan na motto ko ngayon.
Hahahaha
I guess this is good bye.
Till next time
:)P.S.
Someday, I'll be bigger than you :)08-06-15
Nagse-selos ako. Di ko alam kung bakit.
Hahahaha baliw na yata ako.
P.S. Just wait. Someday I'll be bigger than you :)