A.N. Guys iko construct ko to so kung babasahin niyo ito ngayon, pwedeng hwag muna or kung gusto niyo naman balikan niyo nalang ulit :)
Stanly's POV
We've finally arrived to Bukidnon, now I'm excited to see my dad's resthouse. I thought I'll never see it again since we sold our properties in this country. But Andrew gave it back to us, thanks to him. Kung hindi ako nagkakamali 4th year college ako ng huli ko 'tong mabisita. Akala ko sira na pero mahusay ang caretaker ng bahay na 'to at naalagaan niya ng mabuti.
"Sir Stanly!" pambungad ni Mang Jano.
Tuwang-tuwa siya na makita ako. Mas naging matipuno daw ako ngayon at mas gumwapo haha ako yata ang paborito nito, ako kasi ang madalas makakwentuhan neto dati eh... pero tingin ko hindi na ngayon. Baka maboring na to sakin kung ikukuwento ko ang negosyo.
"Sir Stanly, ibang-iba ka na talaga ah."
"Naku di naman po mang Jano."
"Akala ko di na kayo babalik dito eh, nabalitaan ko noon iba na daw ang nagmamay-ari ng lupaing ito."
"Opo, pero naibalik na po sa amin ang properties."
"Naku, mabuti naman po kung ganoon."
And finally they're arrived. Di ko talaga alam kung saan to nanggaling sina Slate at Angelie... bigla nalang nawala sa airport. When I called them sabi nila susunod nalang daw sila.
"Sir Slater!! Kamusta po hahaha long time no see." naku si Manong talaga haha.
"Manong!! wohoow ayos naman po kayo po kamusta na?"
"Maayos po ang kalagayan ko. Teka sino po ba yang kasama mong binibini? Kay gandang dilag haha asawa mo ba siya?"
Naku biglang ito nanaman... sumikip na naman dibdib ko sa narinig ko crap.
"Hindi po, kayo po talaga katrabaho po namin."
"Secretary po ako ni sir Stanly."
"Ahh ganoon ba? Naku pagpasensyahan ninyo ako."
"Wala po yun." sagot ni Angelie.
"Hala kayo'y tumuloy na at dalhin ang inyong mga gamit sa inyong silid." tagalog na tagalog si manong Jano nakaka nosebleed.
Pumunta nako sa kwarto ko, ganun din si Slate pero si Angelie hinatid ni manong sa kwarto ni Tanya. Di pa rin nagbabago ang lugar na to ang simple at ang ganda parin. Ang gaan ng buhay walang masyadong problema. Di lang si Mang Jano ang nakatira dito, kasama niya si Manang Ligaya yung asawa niya grabe mga bata palang kami magkasama na sila hanggang ngayon... iba talaga ang tunay na pag-ibig hehe pati tuloy ako napapatagalog na haha. Ngayon lang sila nagkaanak, nabiyayaan din hehe ngayon ata nasa highschool na daw. Teka bakit ba sila ang iniisip ko ngayon? Oh I just can't stop admiring them both for taking care of this house for years. Nakahiga ako sa kama ko nang may kumatok sa kwarto ko. "Who's there?"
"Ah sir kakain na daw po tayo." anak pala nila.
"Sige susunod na 'ko."
"Opo."
Magbibihis muna ako masyadong pormal tong suot ko ngayon. Paglabas ko ng kwarto ko rinig na rinig ang ingay nila. Nag eenjoy na siguro 'tong mga 'to... Lumapit na ako sa kanila pero parang na glue na ata ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ang sarap nila pagmasdan na masayang-masaya. Sa tagal rin ata ng panahon ngayon lang ulit ako nakakita ng mga ganitong kasayang mga mukha. Simula kasi ng mamatay si Dad naging busy na 'ko masyado at puro mga seryosong tao nalang ang palagi kong nakakasalamuha.
BINABASA MO ANG
Mysterious Soulmate
RomanceA story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry.