A.N. Ito na po agad :D sorry po ahh baka medyo mabitin kayo sa chapter na to kasi maigsi lang po ata... but I hope youll like it. :))
A.N. Guys iko construct ko to so kung babasahin niyo ito ngayon, pwedeng hwag muna or kung gusto niyo naman balikan niyo nalang ulit :)
Angelie's POV
Almost 1 week na rin pala ang nakalipas mula noong gabing sinagot ni Lou si Stanly.. hay move on na nga wala na rin naman akong magagawa ehh mabait naman talaga si Lourene at isa pa mas maganda pa sakin. Kalimutan ko na lang rin yung nangyari last night di na dapat bini big deal ang mga ganong bagay, alam ko namang natambakan siya ng trabaho eh. Grabe 1 week na rin talagang bugbog ang katawan ko sa trabaho di lang ata 1 week yun ahh... puyat na rin talaga ako to the max, ang sakit talaga ng buong katawan ko... para akong nagbuhat ng mga yelo sa palengke haha hayy sadyang ganun Angelie... walang katulad ang boss mo eh, kung hindi trabahao... si Lou niya ang inaatupag. Pag uumpugin ko na talaga kayo haha tsk tsk hayy sakit ng puson ko baka bukas makalawa may bumisita na sa'kin ahh grabe naman, hayy makaligo na nga ng makapasok na.
Lumabas na ko sa apartment ko at pumunta sa sakayan. Hala walang dumadaang taxi mukhang uulan pa...
Yeah right umulan na nga -_- nakalimutan ko mag dala ng payong ano ba naman waaaaah summer tapos umuulan? Argg acid rain to for sure.
Ayan nakarating din sa wakas. Kagigil si manong driver naningil ng mas malaki... umuulan daw kasi hayyy ewan. Basta ang dapat kong gawin ngayon is patakbuhin ng normal ang system ko, simula ng maging alipin ako ng isang frog prince na to na sira na ang buhay ko eh haha. Basta Angelie think possitive lang lagi deadma sa mga problema. Naku na ulanan ako... malaki nanaman ang posibilidad na lagnatin ako.
Pag-akyat ko..
"Good morning po sir."
"You're late!"
"Sorry po ang hirap kasi maghanap ng taxi eh."
"It doesn't matter, sige gawin mo na ang trabaho mo. Marami tayong gagawin ngayon."
"O sige po."
Parang wala lang siyang kasalanan sakin ahh.. hayy di talaga siya naiirita na ganunan na talaga ang usapan' namin ahh. Grabe parang hindi kami friends dati.. di bale na. Medyo nagtaka lang akong konti sa pasa malapit sa labi niya... ano kayang nangyari? Di naman ako pwedeng magtanong dahil isa yun sa ipinag bawal niya sa rules niya. Hmmm mister masunget ka talaga, balang araw tutubuan ka ng mga ketong tandaan mo yan haha kabayaran yan sa pang aalipusta saming mga babae. Kabanas to si Lourene ahh ang aga-aga nasa office.. Official na ba siyang yaya ni Stanly?? at sadyang maya't maya ay inaasikaso siya? Hayy naku ka Stanly di ka talaga nababadtrip ahh. Hmmm gawin ko na nga lang ang utos ni kamahalan.
Finally at umuwi na rin ang bruha. Pina uwi na nainis na ata si Boss halatang hindi maka pag focus sa trabaho eh hehe.
Hayy nag start akong mag trabaho 8 am, 3 na di parin ako natatapos dito grabe nagugutom na ko di pa ako nag la-lunch. Si Slate naman di pumasok kaya walang nagdadala sakin ng relief goods. Bakit kaya siya di pumasok? Hmmm, ewan.
"Ayusin mo ulit ang mga schedule ko. Tawagan mo lahat ng may mga appointments sakin bigay mo sa kanila kung ano ang mga araw na libre ang schedule ko. Balik trabaho nako."
"O sige po sir. Teka po.. hindi po ba kayo....... ay nevermind."
"Sige ano yun?"
"ahhh sir pwede po bang mag lunch muna ako?"
"Listen, bumabagal ang sales natin ngayon kailangan kumayod pwede namang mamaya ka na kumain di ba?"
"Opo... opo sir sige po." hayyy di bale na nga lang kaya ko pa naman eh.
BINABASA MO ANG
Mysterious Soulmate
RomanceA story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry.