Chapter 2

99 4 6
                                    

*Cocka-cockalaok* (a/n: pak! tunog ng manok yan tuwing umaga! Haha.)

*knockknockknock*

WAAAAH. Ano ba yun! Ang aga aga pa. Saturday naman eh! Nilagay ko yung pillow ko sa ulo ko.

*KNOCKKNOCK*

"Oo na, oo na!" Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumulaga ang mukha ng mommy ko na umiiyak. 

"A-anak." Sabi ni mommy na parang kinakabahan. Bakit ganun? Parang ako den. 

"Ma. Bakit ka po naiyak? Ano pong nangyare?" Pinapasok ko si mommy sa kwarto. 

"Nak, s-si M-mark. N-nasa osp-pital." 

"Po?! Saan pong ospital!!! Ma! Anong nangyare!?" 

"Nak, naaksidente si M-mark. Nasa St. Vincent Hospital sya." 

"Po? B-bakit po dun? Malala na po ba?" 

"Ewan ko nak." At umiyak nanaman sya. 

"Ma. Pupuntahan ko lang po sya." 

"Oo nak. Kailangan ka nya."

Bakit sa St. Vincent? Kasi dun dinadala ang pasyente kapag malala na. Wag naman si Mark, please. Bakit ngayon? Bakit ngayon pa? Bakit ayaw tumulo ng luha ko?!

~~~~~~~ ♚ ~~~~~~~~

"Room 143 po, ma'am." 

"Sige, salamat."

Tumakbo ako papuntang room ni Mark. Mark, I'm coming.

*knock knock knock*

"Pasok." Boses ni Mark yun ah? 

"Ma-mark?" 

"Babe." 

"Mark!!!" At niyakap ko sya. Tiningnan ko sya, napaka pale nya na, nakataas yung isang paa nya, yung left arm nya may cast at yung ulo nya may bandage, yung mukha nya bugbog na bugbog.

*knockknock*

Pumasok ang family doctor nila Mark. Lumapit ako sakanya.

"Tito, ano po bang nangyare?" 

"Iha, Mark is in a critical state right now and I think he can't survive this." 

"Tito, ha? Bakit po ganun? Agad agad? Ano pong gamot? Ano pong pwedeng gawin? Please, gawin nyo po lahat. Dugo po ba? Ako po, magbibigay!? Please, tito. Wag nyo pong hayaang mawala sya sakin." Kahit i-break ko na ang promise ko. Wag lang syang mawala. 

"Marcy iha, si Mark lang ang makakasagot sa mga tanong mo at desisyon mo lang ang makakapag ligtas sakanya... sige maiwan ko muna kayo." At bigla na lang tumulo luha ko. 

Lumabas na si Tito, lumapit ako kay Mark. 

"Babe, Marcy. Labas tayo. Sa Central Park." 

"Kaya mo bang tumayo?" 

"Oo naman!" 

Binigyan sya nung nurse nung tungkod, naka hospital gown sya na hanggang paa at long sleeves. Naglakad kami ni Mark papuntang Central Park.

Malaki kasi tong St. Vincent Hospital, pinaka maganda dito ang Central Park kasi mga malala na ang sakit ang mga pasyente dito kaya syempre para maaliw sila. Pinakamagandang park nga to kesa sa mga park sa labas, kumbaga eto ang pinakamayamang hospital kasi dito dinadala ang mga may malalang sakit na. Kaya nga sobrang nagulat ako nung nandito si Mark.

Biglang tumigil si Mark sa harap ng pinto papuntang central park.

"Marcy..." May butterflies pa din kapag sinasabi nya pangalan ko. Tumulo na naman si luha. 

"Be, wag kang umiyak. Mas nasasaktan ako." Hinawakan ni Mark ang mukha ko at ginamit ang thumb nya sa pagpunas ng tumutulong luha ko. Pero tuloy tuloy pa din ang daloy nito. 

"Pa-ano? Eh, ma-" 

"Shhhh. Halika na. Labas na tayo."

~~~~~~~ ♚ ~~~~~~~~

Paglabas namin, bumungad ang mga mukhang kilalang kilala ko na sa tanang buhay ko. Andito sa harap ko ngayon na naka semi circle lahat ng pamilya ko, side ko at side ni Mark, pati si Tito Doctor andito din. Lahat sila nakangiti. Eto na ba? Magpapaalam na ba talaga si Mark saaming lahat? Paano na yung promise ko? Hindi nya pa nahahanap ang dimple ko, aalis na sya agad?

Tumigil kami sa gitna nilang lahat. Iniharap ako ni Mark sakanya at hinawakan pareho ang kamay ko.

"Marcy babes, narinig ko at nakita ko kung paano ka nagmakaawa kay tito na pagalingin ako. At dun ko nakita na mahal mo nga talaga ako." 

"Ha-" Tinakpan nya ang mga labi ko gamit ang hintuturo nya. 

"Marcy, wag ka munang iimik hangga't hindi ko sinasabi. Okay?" Tumango nalang ako. 

"Tinanong mo kanina kung anong magpapagaling saakin. Sa totoo lang ang magpapagaling lang saakin ay kung papayagan mo akong makapiling ka habang buhay." Ha-aaa?

Inalis nya ang bandage sa ulo nya at ang cast sa mga paa't kamay nya. Hinubad nya ang hospital gown nya at napaltan ito ng black tux tapos pinunasan nya ang mukha nya at napaltan ito ng pinaka malinis at pinaka gwapong mukha sa mundo. To-too ba to?

Lumuhod sya at naglabas ng maliit na pulang box. Tumulo ulit ang luha ko. Ngayon, hindi na dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa.

"I, Mark Louie Baren Dixon, is asking Marceline Lopez Santos if she would agree to be my medicine for eternity. In short... Will you marry me?" Sinabi ni Mark habang binubuksan ang box na naglalaman ng singsing. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinaltan ito ng malaking ngiti. 

"Pwe-pwede na ba akong magsalita?" At lahat ng taong nandun ay tumawa. Tumango saakin si Mark ng nakangiti pero kinakabahan. 

"THEN...

Ngayon, I'm sure. Na ibrebreak ko na ang promise ko. Siguro sa times na magkakasama kami bilang husband and wife nya mahanap. Di ba?

...YES!!!" Kinuha ni Mark ang singsing at inilagay sa kanang daliri ko sa ringfinger.

"WHOOOOOOOOOOO!!! AHHHH! YEAAAAH!" Nagcheer ang lahat ng tao na nasa Central Park.

Niyakap ko si Mark ng mahigpit at hinalikan ko sya sa labi nang punong puno ng pagmamahal at ganon din naman sya.

God, I love this guy.

Dimple (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon