Epilogue

96 5 5
                                    

"Anak. Bagay na bagay sayo. Nako, magugulat si Mark sa itsura mo."

"Okay na po ba talaga? Bagay po? Mommy, gusto ko lang naman maging perfect tong wedding."

"Nako anak. Perfect na ang lahat."

"Mommy, hindi nya pa din po nahahanap." :(

"Anak, papakawalan mo nalang ba sya ng dahil dun?"

"Pero... hindi. Eh kasi. Promise yun eh. Promise."

~~~~~~~ ♚ ~~~~~~~~

*Wedding song plays*

I am now walking on the aisle, walking to my future. Papalapit na ako sa pagsira ng promise ko. Siguro nga hindi talaga ginawa ni God na mahanap ni Mark ang dimple ko kasi siguro gusto nyang tanggapin ko kung sino sya kahit na hindi nya nahanap.

Siguro nga minsan sa buhay kailangan kang mag let go nang isa para makuha ang isa. Eto ang sitwasyon ko ngayon. Ang matagal ko ng pinanghawakang promise ay itatapon ko na. Sa mga engagement na ni-reject ko ng dahil sa promise na yun. Ngayon, willing an akong pakawalan yun para kay Mark dahil, he's the one. Nararamdaman ko yun at hindi ko na pakakawalan pa.

Oo, ikakasal na ako. Yung sinabi nilang "aksidente" ni Mark ay acting lamang para mabigyan ako ng isang unique at memorable na proposal. Pero ng dahil dun sa acting na yun, na realize ko na wala ng kwenta ang promise ko kung hindi ko din makakasama si Mark habang buhay.

Naglalakad ako ng may ngiti sa mukha, mas malaking ngiti kesa sa mga nakangiti saakin ngayon.

"Mark, pinauubaya ko na ang kaisa isang anak ko sayo. Wag na wag mo syang sasaktan. Kundi itutuloy ko na ang pagputok ng baril ko." Napatawa ako ng unti.

"Promise ko po yan, tito."

"Call me dad." At nagkamay na silang dalawa.

Kinuha na ni Mark ang mga kamay ko at sabay kaming tumungtong sa harap ng altar, pari at Diyos.

Bago magsimula ang lahat, bumulong saakin si Mark at iyon ang pinakamasayang moment at yun na din ang nag patulo ng luha ko.

"Ang cute talaga ng dimple mo."

Dimple (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon