"It's bloody Sleeping Beauty" ang muli kong pagprotesta. Alam kong ramdam na ng mga blockmate ko ang nararamdaman ko tungkol sa kailangan kong magampanan.
"So?" ang tanong ni Emily.
"Emily, just to remind you..." ang tugon ko. Huminga muna ako ng malalim para mabawasan ang nararamdaman kong inis. "The fell asleep. Paano siya nagising? The Prince kissed her. Ayaw kong mahalikan sa harap ng maraming tao at ayokong mahalikan ni Ethan, for heaven's sake!"
"Okay lang sa akin" ang singit ni Ethan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Isang ngiti naman ang kanyang iginanti.
"Peejay, ano ka ba?" si Emily. "Halos lahat naman ng fairytale, ganun ang storyline. "Si Snow White, nalason. Gumaling nang halikan ni Prince Charming. Si Beast naman naging tao ulit nang mahalikan ni Belle. Naging prinsipe yung palaka dahil hinalikan ng prinsesa. Hindi ko sure kung ganun rin ang storyline ng "The Little Mermaid" pero sure naman ako na ayaw mong magbihis sirena and go on singing "Part of that World."
"Fine" ang pagsuko ko. I got her point.
"And gagawan namin ng paraan yung kissing part" ang habol ni Emily. Napatango na lang ako. Buong magdamag na lang akong umupo at hindi na nakialam sa kanilang pagplaplano.
"Of all people, bakit ikaw pa?" ang bitter na tanong ni Clarissa. Hindi ko na siya pinansin dahil wala ako sa mood at wala akong pakialam sa pagpapaka-ampalaya ngayon ni Clarissa at Aryan.
"I'll be giving the scripts tomorrow" ang huling anunsyo ni Emily bago kami nagsilabasan mula sa lecture room.
"Peejay" ang pagtawag sa akin ni Clarissa. Napahinto ako at kaagad napalingon. Wala pa rin talaga ako sa mood.
"Clarissa, if this is all about that stupid Princess role, just save it. I don't have time for your bitterness" ang masungit kong tugon. Napataas ng kilay si Clarissa. Napahagikgik naman si Aldren at Blaze.
"Peejay, yayayain ka lang namin. Papunta kami sa cafeteria" ang pagpapaliwanag ni Clarissa. Napabuntong-hininga ako. Seriously, I badly need to loosen up.
"Sorry, I just need to be alone" ang paghingi ko ng paumanhin bago tuluyang umalis para makauwi na ako. Lutang ang pag-iisip ko habang naglalakad sa business district na malapit lang sa university belt. Sari-saring establishments, sari-saring tao. Sa mga ganitong oras, mga papauwi at papagimik na mga estudyante ang makikita mo. Napahinto ako nang matapat sa isang familiar na food establishment. Memories filled me. All the happy and painful moments hit me.
"Look who's here" ang sabi ng isang tinig. I turned around at isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. "Prince Jasper"
"Derek?" ang patanong kong sambit sa kanyang pangalan. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang itsura kahit na tatlong taon na ang lumipas. Nakakasilaw pa rin ang ngiti nitong si Derek na minsan kong naging matalik na kaibigan. Dumagdag pa sa kanyang kagandahang lalake ang suot niyang uniform.
"You crazy idiot!" ang sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Kaagad siyang lumapit sa akin at bigla niya akong binatukan.
"Ano ba?" ang naguguluhan at naiinis kong tanong kong tanong. Hindi siya sumagot, bagkus ay yinakap niya ako ng mahigpit.
"I missed you so bad, Peejay" ang sunod niyang sinabi with his matching British accent. Napangiti ako. Alam kong napagtitinginan na kaming dalawa sa aming madramang pagkikita.
"I missed you too,bro" ang tugon ko. "Tama na nga, baka mauwi pa tayo sa iyakan"
Kaagad naman siyang humiwalay sa akin. Hinila niya ako paloob ng café.
"Derek, anong ginagawa mo?" ang tanong ko.
"Ngayon na nga lang tayo magkikita. It's been like three years you know. I need to know what happened to you" ang tugon niya. "What do you want to eat or drink?"
"Ikaw na ang bahala" ang tugon ko. We just spent some time there. Nakikipagkwentuhan tungkol sa tatlong taong hindi kami nagkasama.
"I heard what happened. I'm very sorry. I swear gusto kitang puntahan pero alam mo naman na nasa UK ako."
"Okay lang, thanks anyway"
"After graduation, I never heard anything about youy and Bryan" ang pagpapatuloy niya. Bigla akong natigilan nang marinig ang pangalang yun. "Speaking of Bryan, how is he?"
"He's gone" ang tugon ko.
"What do you mean?" ang gulat niyang tanong; halatang iba ang naging kahulugan sa kanya ng sinabi ko.
"Wala na akong balita sa kanya. After graduation, magkasama pa kami nun. Pero bigla na lang siyang nawala a couple of days after Dad died.
"Bu-but that's impossible" si Derek. Bakas sa kanyang mukha ang gulat. "Hinding-hindi niya gagaein sa'yo yun. That's not like Bryan. Maybe, it's all a big misunderstanding"
"Tama. Misunderstanding nga. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan at mahanapan ng rason kung bakit umalis siya ng walang paalam."
"Hindi niya magagawa yun"
"He already did, Derek"
"He loves you"
Napailing na lang ako at tumahimik. "I don't. Not anymore. Tatlong taon siyang hindi nagparamdam. No text, no e-mail, no phone call. I don't even know his FaceBook account."
"We're friends" ang singit ni Derek. "He added me three years ago."
Aminado akong nasaktan ako sa aking nalaman. "Good for you. Wala na akong pakialam. Kailangan ko nang umalis."
"Sige, sasabay na ako sa'yo" ang tugon niya bago ipakuha ang bill. Lumapit ang isang pamilyar na mukha.
"Hi, Sir!" ang bati niya. Isa na pala siyang Café manager.
"Hello!" Ang bati ko pabalik. "Wow, ang tagal mo na rito! "
"Oo nga po eh, ang tagal niyo na pong hindi nagawi rito."
"Medyo busy kasi"
"Ganun po ba? Tsaka nga po pala. Kapupunta po rito nung kasa-kasama niyo noon" ang sunod niyang sinabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig yun.
"Kelan?" Ang tanong ko.
"Kahapon po" ang tugon ng manager. Napailing na lang ako. hindi ako makapaniwala sa aking narinig. tinitigan ako ni Derek, naghihintay ng paliwanag.
"Bryan is back" ang sabi ko.
"Anong balak mo" ang tanong ni Derek.
"Wala" ang mabilis kong tugon. "Matagal ko na siyang kinalimutan at sigurado naman ako na hindi
niya na ako babalikan"
Sa puntobg yun ay tumahimik na siya. "Wait, here's my contact details."
Kumuha siya ng card mula sa kajyang wallet at binigay sa akin. humiwalay na kami sa isa't-isa. Lumutang ang pag-iisip ko. Wala na siya. Pinilit kong kalimutan siya. Pinilit kong magpakatatag sa parte ng aking buhay kung kelan ko siya lalong kailangan. Alam niyangbsiya lang ang aking masasandalan ngunit nawala siya. He's here. Ano ngayon? I'm over him.