CHAPTER TWELVE

9.5K 255 6
                                    

"S-saan?" ang tanong ko.

"Ethan, bakit hindi muna kayo magbreakfast?" ang singit ni Mrs. Miranda.

"Nag-fafast food na lang kami" ang tugon ni Ethan. "Let's go stupid"

Hinatak niya ako papatayo at kinalakadkad papalayo.

"Visit us again, PeeJay" ang huling bilin ni Mrs. Miranda.

"Enjoy!" naman ang sinabibni Ate Natalie. I just waved my hand to gesture goodbye. Dumaan kami sa living room sa dining area hanggang sa kusina. We used the back door. Nauntog ako sa batok niya nang bigla siyang huminto.

"Ethan, sa susunod naman magsabi ka!" ang pagmamaktol ko habang minamasahe ang nasaktan kong noo. I eas dumbstruck when I saw a lane of cars. Pamilyar ako sa iba; mostly modern cars, may ilang luxury cars at vintage cars. "Wow, it's like a car show at the back of your garage"

Natawa naman si Ethan sa sinabi ko. "Msgpabgalan ka ng tatlo and I'll give you a nice prize."

"Really?" ang tanong ko.

"Yuhps"

"Walang kapawis-pawis ko namang pinangalanan ang lahat ng kotse doon. Napatitig siya sa akin. I watched him blinked for a few times.

"Paano mo-"

"Car shows" ang kaagad kong tugon. "Prize ko?"

"Mamaya na lang" si Ethan. Pinasakay niya ako sa isa sa mga kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" ang kaagad kong tugon sa kanya. "Ano ba talagang nangyayari rito, Ethan?"

"Magdadate tayo. May angal?" ang maangas niyang tugon. "Nagsabwatan kami ji Emily para mapapunta ka rito."

"Bakit mo ba ginagawa sa akin to, Ethan?" ang naguguluhan ko pa ring tanong.

"Gosh! Hinatid na nga kita, nakipaghalikan ka na nga sa akin and you're still asking that? Are you really that stupid?" ang naiirita niyang komento at muling pang-iinsulto sa akin."Hindi pa ba rumerehistro dyan sa makitid mong utak na gusto kita!"

Nang-init na rin ang ulo ko.

"Alam mo, I'm so tired and sick of you calling me stupid, you crazy douche bag! Drug addict ka ba? Newsflash: magkagalit tayong dalawa! Palagi mo akong linoloko at bwini-bwisit sa araw-araw na nasa Saint Anthony ako. OO! Gusto mo ako. Gustong-gustong sinisira ang araw ko!"

"I'll admit it. Nung una, naiinis ako sa'yo kaya kita pinagtritripan pero dahil sa pang-iinis ko sa'yo; unti-unti na akong nagkagusto sa'yo. And then, ginagawa ko na lang yun para magpapansin sa'yo."

"Wow! Tapos ano? Wala ka na sa mood mang-inis? Ganun ba, Ethan?"

"Dahil dun sa Bryan na yun!" ang bulyaw niya. Natigilan ako sa sinabi niya; lalo na ang pagsambit niya sa pangalan ni Bryan.

"Ano bang alam mo, Ethan?" ang retorikal kong tanong sa kanya.

"Wala. Wala akong alam pero naiintindihan ko na malakas ang karibal ko sa'yo. Tulad ko, gagawin niya ang lahat just to take you back. Alam kong nabibigla ka sa lahat but just trust me PeeJay"

Hindi na ako umimik pa. He started the engine and off we go. Tahimik lang kaming dalawa; nasa daan ang atensyon niya. I just listened to my MP3 player. Suddenly, Ethan took off my headphones. Binalik ko naman ulit sa ulo ko. Tinanggal niya ulit.

"Ano bang problema mo, unggoy ka?" ang naiirita kong tanong.

"Hindi ba tayo mag-uusap?" ang pabalik niyang tanong.

"Wala ako sa mood" ang masungit kong tugon sabay suot muli ng headphones na siyang muling tinanggal ni Ethan. He's really getting into my nerves.

"Isa pa! Hahalikan kita kapag binalik mo ulit yang lecheng headphones na yan!" ang pagbabanta ni Ethan. Hindi ko pinansin ang banta niya at muling ibinalik ang headphones sa ulo ko. He pulled the car off. Napatingin ako sa kanya. He caught my head and kissed me. Kaagad ko naman siyang itinulak papalayo.

"Gago ka talaga!" ang sigaw ko.

"Seryoso ako" ang tugon niya. "Gusto mo lang talaga akong halikan, no?"

"Jerk!"

"So, ano? Are we gonna talk or mag hahalikan na lang tayo rito?" ang mahangin niyang tanong. "But I know you're already enjoying my luscious lips"

"Back off, you perve!" ang utos ko. He just looked at me and them laughed. He started the car again. Tulad ng mga ulap sa kalangitan ay lumutang din ang pag-iisip ko; sa unang araw ng pagiging third year student ko sa Saint Anthony University. Naalala ko yung nakabanggaan ko si Ethan sa pasilyo. Galit na galit siya sa akin nang aksidente ko siyang mahawakan at mas mahalikan. It ws the most horrible, embarassing, and awkward moment of my SDU life. Ngayon hindi aksidente ang mga nangyayari, kusa niya itong ginagawa. I don't know. Ano ba dapat ang kailangan kong maramdaman tungkol dito? It's all bizzare and confusing. At tsaka, ano bang kinalaman ni Bryan dito?

"Anong iniisip mo?" ang out of the blue na tanong ni Ethan.

"Wala" ang tugon ko. "Ethan, anong alam mo kay Bryan?"

"Wala. Hindi ko siya kilala. Naka-usap ko lang siya saglit and learned a few things."

"Anong pinag-usapan niyo?" ang sunod kong tanong.

"Ikaw, siya at kung sino at ano siya sa buhay mo. Yun lang... So, ano bang kwento niyong dalawa?"

Three to four years ago.... I lived my life like a Prince. I get all the things I want so easy. Montecillo Academy: ang aking kaharian. Maraming tao ang nakapaligid sa akin ngunit dalawang tao lang ang lubos kong pinagkakatiwalaan; si Derek at si Bryan. Sila ang kasama ko sa halos lahat ng oras; sa school projects, extra-curricular activities at sa mga party. Si Derek yung tipong laid-back: walang pakialam sa tao at sa mga nangyayari sa paligid niya. Samantalang si Bryan naman ay competetive; always aiming for the number one spot. Sa dalawa, mas katulad ko si Bryan. Palagi kaming nagnabanggaan sa ilang subject and activity. Paborto naming battlefield ang piano class. Dahil na rin sa over competetive ko, may extra two hours piano class pa ako after every class at half-day every weekends. Yung tipong pinag-aaralan ng klase ang isang madaling piece samantalang Mozart o Beethoven na ang pinagturuunan namin ng atensyon ni Bryan.

ONE LOOK: SECOND GENERATION (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon