CHAPTER 24

8.2K 213 5
                                    

"Perfect" ang tugon ko. "In fact, we kissed again yesterday"

"Aaah!" si Aryan na parang bata. "Nakaainggit ka talaga"

"Anyways, try-outs for Saints Cheerleading Squad today" si Blaze; obvious na ayaw pag-usapan ang halikan namin ni Ethan.

"Magtra-try out ako" si Aryan. "Pumunta naman kayo for moral support"

"Sige" si Aldren. "Si Clarissa ba pupunta?"

"Ewan" ang tugon ni Aryan. "Hope so"

Sumapit ang hapon at dumerecho kami sa gymnasium para sa try-outs ng Saints. I wondet kung saan ang rehearsals ng Souls Dance Troupe ngayon. Present ang mga miyembro nito and the team captain is looking very hot and gorgeous in her uniform. Nahinto ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Nagkatitigan kami and then, I smiled at him. He smiled back. Dalawang parte ang try-outs, dance and stunts. Bumilib kami kay Aryan. May tinatago naman pala siyajg talent kahit paano at kung makaproject, wagas! I can personally say she's in.

"Next" ang sigaw ni Team Captain. Seryosonh pumasok si Bryan sa gymnasium.

"Bryan Bermudez. College of Hospitality." ang sabi ni Bryan. Tumugtog ang radyo. Bryan started to dancr. He did an amazing job with all those flips and jumps. Pagkatapos ng try-outs; lumapit sa akin si Bryan.

"Hey" ang bati ko.

"Hi. Can we talk?" ang tanong niya.

"Just like the old times" ang suhestyon ko. His face brightened and then gave me a smile. "I'll call Derek"

"Good idea" ang tugon ko. Nagsimula kaming maglakad patungo sa kotse niya. Nakakailang ang muli naming pagsasama. Parang three years ago lang; wala nga lang driver dahil siya na mismo ang nagdridrive.

"Bakit ka napunta sa Saint Anthony?" ang tanong ko.

"I want a new environment to study. Somewhere I'm pushed to become serious"

ang paliwanag niya.

"I see" ang tugon ko.

"PeeJay, I'm sorry" si Bryan. "For everything. God knows hindi ko ginusto na iwan ka nang walang paalam."

"Hindi ko naman kailangang magpaalam kung tutuusin. I'm just a friend pero ang sakit eh. Hindi ka nagparamdam kahit minsan for three years" ang paglabas ko ng sama ng loob.

"PeeJay, kumalat ang video mo. Pati si Mommy at Daddy; napanood yun. Galit na galit sila sa akin nung malaman yung pagkatao ko. Kaagad nila akong inilayo rito; sayo. Kaya hindi ako nakapapaalam and I don't know how to reach you. Pinuntan kita sa dati niyong bahay pero wala ka na doon, even sa Montecillo. I'm very sorry. Hindi ko ginusto ang lahat"

"I forgive you" ang tugon ko. Ngayon ko lubos nauunawaan ang lahat; na naipit din siya sa isang sitwasyon. Kung tutuusin, kasalanan ko naman talaga ang lahat. Mas naging magaan ang pakiramdam ko ngayong naka-usap ko siya. Nginitian ko siya. Hhe smiled back. "I missed you, Bry"

"I miss you too, PeeJay" ang tugon niya. "Susuyuin sana ulit kita pero mukhang mapapaikli ang buhay ko kapag ginawa ko. Mukhang mamamatay-tao yung karibal ko.

"Sino?" ang curious kong ganong.

"Uhm, Ethan Miranda" ang tugon niya. Natawa naman ako.

"Si Ethan? He's just one crazy person"

"Yes" ang pagsang-ayon niya. "Crazy in love with you"

Napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa kanya.

"Give him a chance, Buddy"

"Eventually, I will" ang tugon ko. "I'm starting to fall for him"

"But you're afraid"

"Fear is not in my vocabulary" ang sabi ko.

"Perhaps. But it's in your eyes"

"I just want to make sure with my feelings and if he really loves me" ang paliwanag ko.

"But how would you know if you won't give your heart a chance?"

"Bahala na" I finally said.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa datj namjng tambayan. Nauna na palang nakarating si Derek. We started to catch up with each other. Napuno ng tawanan, harutan at iiilang seryosong usapan ang table namin. We're in the middle of our bonding time when I received a text message from Ethan. Nakikipagkita siya ngayon; hindi ko naman yun pinansin at pinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan kay Bryan at Derek. After fifteen minutes, Ethan sent another message; maghihintay pa rin daw siya.

After an hour, kasama ko pa rin sila Derek at Bryan. Napatingin ako sa phone ko.

"I'm still here" ang huling text message niya sa akin. Napatingin ako sa labas. It's raining cats and dogs. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Seryoso kayo tong Ethan na to? Ano naman ang nakain niya at gusto niyang makipagkita ngayon?

"PeeJay, may problema ba?" ang tanong ni Derek nang mapansin na hindi ako mapakali.

"Sorry, guys. I have to go. I'll see you soon" ang paalam ko bago mabilis na lumabas ng café. Kaagad naman akong pumara't sumakay ng taxi at pinuntahan si Ethan sa ibinigay niyang lugar. Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang bench; nagpapaulan. Lumapit ako sa kanya at isinukob siya sa payong ko napatingin siya sa akin.

"Sorry, PeeJay." si Ethan. "I just need you now"

"Ethan, anong problema?" ang nag-aalala kong tanong sa kanya. Umiking lang siya at napakagat-labi. Katahimikan...Tumayo siya at bigla akong yinakap.

"I saw you with Bryan" ang sabi niya.

"Yeah, okay na kami" ang pagkumpirma ko.

"Kayo na ba ulit? May pag-asa pa ba ako sa'yo? Mahal na mahal kita. I don't wanna loose you" ang sunod niyang mga sinabi and he started crying on my shoulder. Nanlambot ang mga tuhod ko. I hugged him tight. Napaangiti na lang ako. "PeeJay"

"Sira-ulo ka talaga" ang komento ko. "Nakipagbati lang ako. We're friends again"

"Really?" ang parang bata niyang tanong.

"Oo" ang tugon ko. Now, stop crying. Unti-unti na lang , bibigay na ako. "Don't give up on me, huh? I'm getting there"

"I promise" ang pangako niya sabay punas sa mga luhang hindi naman makita dahil sa basa niyang mukha.

"Sa bahay ka na magdinner" ang suhestyon ko. He smiled and nodded. "Kung gusto mo, matulog ka na rin din. Tabi tayo"

"Hindi ako tatanggi" ang tugon niya. Dumeretso kami sa bahay... Napahinto ako nang makita ang dalawang maleta sa sala. Nakaupo si Mom at Kuya JayPee sa sofa.

"PeeJay, we need to talk si Mom.

"About what?" ang tanong ko.

"Lil Bro, halika muna sa kuwarto. You're soking wet" ang singit ni Kuya. Sumunod naman si Ethan sa kanya. "Let's dry you up"

"Sit here" Mom motioned.

ONE LOOK: SECOND GENERATION (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon