James Oineza
Nakapag decide na ako na umakyat ng ligaw kay joey. . .alam ko na kakakilala pa lang namin na medyo mabilis kong manliligaw agad ako sa kanya. . .ngunit may kasabihan nga sa tagalog daig ng taong maagap ang taong masipag. . .alam ko na medyo mabilis nga ang dating ko kung liligawan ko siya pero pagdating naman sa Love walang pinipiling panahon o tao pag oras na maramdaman mo sa isang tao na ang tinatawag na tibok ng puso ke matagal na kayong magkakilala o kakakilala pa lang it doesn't matter. . .as long as totoo ang nararamdaman mo sa kanya go lang ng go parang globe hehehehe. . .
mamaya pagkagaling sa school dadaanan ko si joey sa school nila ihahatid ko siya at pagdating sa bahay nila magsasabi ako sa parents niya na kung pwede ba akong umakyat ng ligaw sa anak nila?o kaya naman mamayang gabi yayain ko mga barkada ko sa bahay nila joey para mangharana. . .isasama ko sina fourth and fifth pati na rin siguro si manolo at kuya ranty. . .
sana sa gagawin ko wag naman sanang magalit at lumayo sa akin si joey. . .hindi ko lang kasi talaga mapigilan eh tinmaan na talaga ako sa kanya. . .dati ko pa naman talaga siya gusto hindi lang ako makalapit sa kanya. . .ngeon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makalapit sa kanya. . .sana naman wag niyang isipin na sinasamantala ko ang pagkakataon talaga lang hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya. . .alam ko madaming nagkakagusto sa kanya at marami ring manliligaw. . .balita ko nanliligaw daw sa kanya yung mga taga lasalle yung varsity players na sina axel at jeron. . .pati rin daw sina diego,kristopher at yung si kit. . .at balak din daw manligaw nuong nakalaban namin sa basketball yung si jerome. . .ang ganda ganda kasi naman ng prinsesa ko eh kaya tuloy ang daming nagkakagusto at isa na ako duon. . .dami ko tuloy karibal seloso pa naman ako hehehe. . .alam ko naman ang dami kong karibal pero syempre papatalo ba naman si oineza sa kanila. . .na balang araw magiging ELIZABETH JOEY GARCIA OINEZA na ang mahal ko hehehe. . .pero syempre matagal pa naman yun bata pa kami magaaral at magtatapos pa muna kami at magtrabho nang mabuti para sa future namin ni babe hehehe. . .
At nagbihis na si james para pumasok sa kanyang pinapasukang unibersidad. . .