Chapter 8: Section Intro: Chest

8 0 0
                                    

*After 3 Months*

>>>>>>>>>>>>ROCHE<<<<<<<<<<<<<

Andito ako ngayon sa loob ng klasrum. Mag-isa ko lang busy kasi sila sa paghahanda nung stage play na ipapalabas mamaya.

          Naaalala niyo pa ba yung naging alitan namin noon ni Chest, dahil kay Ash? Tumagal kaya yun ng isang buwan, si Chest di naman yan mahilig makipag away eh, ewan ko ba, napagtripan lang siguro ako. Haha. Pero sa loob ng isang buwan na yun, mas nakilala ko si Keir, mas naging close kami, kasi naman siya na lang lagi kong kasama. Buti nga hindi ako iniwan ni Keir eh, siya kaya ang aking naging Knight in Shining Armor sa mga oras na yun. Grabe, kaw ba naman kasi kumalaban sa leader ng section naming kung di ka kawawa. Well di naman sila inuutusan ni Chest na awayin ako, o kausapin sila na wag akong pansinin, para bang mahal na mahal ng mga tao si Chest, ewan ko ba kung anong pinapakain nun. Matanong nga sa kanya minsan, malay niyo tumalab, di ba?

          Oo nga pala, kung di pa nasasabi ni Chest sa inyo, ang section lang naman naming ang pinakasikat at halos kilala lahat sa buong campos ng Avalon High ang mga kasama sa section na ito. Andyan ang “Crusade” members ba kamo?

Alexzues Eros Nevalga – Lead Vocalist

          Erroil Paul Martin – Pianist

Fin Xavier Tan – Drummer

Zion Creed – Base Guitarist

At syempre ang aking Knight si:

          Keir John Mendoza – Lead Guitarist

At marami pang iba. Mapa anumang bagay kaming section palagi ang nangunguna, di naman sa pagmamayabang noh. ^_^

Mapakalokohan, contest at kung ano pa kayang kaya namin yan SOLID kasi kami dito.

          WALANG LAGLAGAN, SUPORTAHAN LANG.

Dahil na din siguro yan sa magandang pamumuno sa amin ni Chest kaya matatag ang section na to.  Si Chest lang naman kasi ang aming CLASSROOM PRESIDENT a.k.a. “Ms. President”  yan ang tawag sa kanya ng ibang klasmeyts naming or “Campus Queen” naman ang tawag ng mga ibang di namin ka klase.

Kilala din pala siya bilang CASSANOVA QUEEN. Isa sa pinakama impluwensiyang studyante ng Avalon High.

Oo, second year pa lang kami, pero marami na ang tumitingala sa kanya, IDOL ba kumbaga.

Pati nga mga siga na higher years namin nun pag sinubukan siya, di niya uurungan.

Yan si Chest, kumbaga maging kaibigan mo lang siya, kahit seatmate nga lang eh, madami ng magkakandarapang maki pag close sayo, on top of that pati suitors mo dadagsa, sigurado ka na rin sa safety mo if ever.

Ah oo nga pala, thank you din sa kanya, dahil sa naging alitan naming noon napalapit sa akin si Keir, dahil sa kanya nalaman ko ang tunay na kahulugan ng kaibigan.

“IT DOESN’T MATTER HOW MANY ARE YOUR FRIENDS, WHAT MATTERS IS HOW MANY WILL STAY, WHEN YOUR AT YOUR DARKNESS HOUR.”

Can't be Tamed: Tulungan ang BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon