Chapter 1 [Part 2]: Kilig Overload

1.3K 16 9
                                    

Note: Salamuch sa mga nagbasa ng story na to! ;') Comments chenes? Please? Haha! Thank you.

CHAPTER 1 [Part 2]: Kilig Overload

"Sulat mo sa papel yung tanong" Nag-nod nalang siya sa akin at dali daling sinulat yung tanong. Putek! Di na gumagalaw yung panga ko. Naistak na sa ngiti, pero sino nga bang hindi mapapangiti pag katabi mo yung crush mo? Pag nilalandi ka ni crush diba? Beh kahit yata katabi ko araw araw tong si Takko, hindi yata sasakit ng bonggang bongga yung panga ko kakatawa. After niyang kopyahin yung tanong na nakasulat sa board ay binigay na niya sa akin yung papel at tinuruan ko na siya.

"Ano? Gets mo na?" Napakamot siya sa ulo niya. Ay shemay! Alam na! Hindi parin niya nagegets. Haha! "Saggleeeet! Hinde eh!" Tae talaga to! Nakailang ulet na akong turo at pagexplain sa kanya eh! Sarap pektukan nito eh! Nakakainis naaa! Tagal ba naman magets! Pero kelangan kong magtiyaga! Si crushiiee to eh! Hahaha!  "Mag concentrate ka kasee!" Sabi ko habang tinutusok tusok ko yung ballpen sa braso niya. "Eh sino bang makakapagconcentrate! Eh lagi kong nakikita yang ngiti mo!" Nanlake yung mata ko. "Ewan nga!" Tumawa lang siya. Pati ako natawa sa tawa niya. Ankyoot eh! Hahaha!

Pero actually hindi rin ako makapag concentrate habang tinuturuan siya eh! Medyo nauutal ako sa pagsasalita. Anlapit lapit kase ng mukha niya sa mukha ko! Naamoy na niya yata hininga ko eh! Kaya todo talikod din ako dito eh para maamoy ko lang yung hininga ko. Tapos bigla bigla nalang siya tititig ng wagas! Para bang nananadya siya! Kakaines eh! Nauudlot tuloy yung pagexexplain ko! 

"Sagutan mo nalang muna to!" Sinulat ko yung tanong sabay abot sa kanya ng papel. Konting konti nalang eh magdidikit na ng todo yung mga kamay namin eh! Anliit ba naman ng binigay na papel! Pero mas okay na yon! Chansing din yon noh! Haha! "Eeehh! Hindi ko parin to geets eehh!" Parang bata! Haha! Kinakamot kamot lang niya yung ulo niya. Pasalamat talaga to eh! Pasalamat talaga na crush ko siya! Kung hindi lang talaga nakooo! Baka na chain saw ko na tong lalakeng to! Tagal maka gets! Di mo malaman kung gets na ba talaga niya o pinapatagal lang para magkausap kame? Wahah! Okay, assuming nanaman ako. Ambato!

"Huyyy! Di ko nga kase gets toooh!" Abot niya saken ng papel. Nilakihan ko lamang siya ng mata. Tinatamad ako iexplain yun eh! Haha! Biglang nanlumo yung pagiitchura niya at inayos yung pagkakaupo niya. "Eeeettoo na nga eh! Sasagutan na!" Napatawa ulet ako. Inayos ko na din yung pagkakaupo ko at sinagutan na yung mga tanong. Naubos yung oras ko eh kakaexplain ng ganyan ganon kay Takko eh! Poge poge, shenge shenge naman! Wahah! De jok lang. 

"Eto na oh!" Padabog niyang bigay saken nung papel sabay ngumuso. Munewan talaga to! Pababy! Haha! Pero bagay naman sa kanya! Mas lalong nakakakyoot! Sarap niyang ikiss! Yung mapupula niyang labi! Ay shemay! Kinuha ko na yung papel niya at chineck yung mga sagot niya. "Yes! Tama ako!" Eh? Napatingin ako sa kanya, grabee! Ansaya niya! Hanggang sa napansin ko nalang na nasa kanya yung notebook ko. "Hoy! Pano napunta sayo yan?!" 

"Akoo pa!" Sabay poge sign. Shet! Nakakainlove! Amputs! Kinilig ako! Shemay! "Oo na! Poge ka na!" Sabay tirik ng mata ko. "Oh ayan na! Alam mo nanaman pala eh" Nilapag ko sa notebook niya yung papel. "Syempree! Ikaw ba naman nagtuturoo!" Sabi niya sabay kindat. Kinurot ko yung tyan niya. Napa-aray siya at eto nanaman ako, si tawa nalang. Parang lahat ng kilos niya, lahat ng salita nakakapagpangiti saken. May kakaiba charot. Inayos ko ulet yung pagkakaupo ko at pinagpatuloy yung pagsasagot ko. Napansin kong nilapit niya saken yung upuan niya, hindi ko nalang pinansin yon kase medyo nahihirapan nadin ako sa sinasagutan ko.

Mind of a Gay NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon