PaperHeart3

6 2 0
                                    

Napag pasyahan namin ni mommy na mag ho-home school nalang muna si Hadriel. Matagal na yang sina-suggest ni mommy para narin sa kalagayan ni Hadriel. Pero di ako pumayag, kase ayaw kong ipagkait sa kanya ang kalayaan. Gusto kong makaranas siya ng normal na buhay ng isang bata. But now, i think  I have no choice but to follow mom.

Every friday nga pala ang appointment ni Hadriel kay Dr. DeRamma. The day after tomorrow ay pupunta na naman kami sa hospital.

Pangalawang beses na namin this week sa weekly check up niya.  honestly hindi ko talaga alam kung bakit every week yung check up e dati kay Dr. Sy every once in a month lang.

But i dont mind. Cause i think para naman ito sa kabutihan ng anak ko.

Balik opisina na naman ako. Napaisip ako na masyado nang nakakapagod ang buhay ko. Parang kelangan kong magbakasyon. Kaya pag mag kaka free time ako magpapabook ako ng ticket para sa aming dalawa ni Hadriel. I think we both need a break.

*knock2x*

"come in"
Sabi ko.

" Maam, may nagpahatid na naman po"
Suminghap ako at tumango na hindi tumitingin sa kanya. Narinig ko nalang na sumira na yung pintuan.

Napatingan ako sa watch ko at ngayon ko lang na pansin na lunch na pala.

Kinuha ko yung packed lunch and as usual may note na naman na nakalagay.
Binasa ko ito at nagulat ako sa nakasulat.

You make me happy, without you noticing. And i think im falling in love with you  (:

Up until now, i still dont know who the heck  this person is. He keeps on sending me this packed lunch. After the first time he gave me lunch ay nagsunod sunod na iyon at everyday na talaga siyang nagbibigay. And ngayon lang ito na ganito ang nakasulat sa note niya. Kadalasan kase. Enjoy your meal (:, Eat well (: at Hope you like it (: ang nakasulat at may inverted smiley talaga palagi.

Na cu-curious na talaga ako lalo na't halos lahat na pinapadala niya ay mga favorite food ko. Im really dying because of this curiousity of mine. Cant he just write his name also? And he loves me? I dont even know him.

Kinain ko nalang yung pagkain. And as usual, napakasarap talaga nito. Oo iba ibang pagkain ang binibigay niya pero may something sa mga pagkain na ito na masasabi mong may pagkakatulad ang mga ito. I really admire the food. Its so delicious.

Pagkatapos kong kumain balik trabaho na naman ako. Napapagod na ako sa pag a-acting CEO dito. Ang tagal pa naman ng balik nina mommy.  Next month pa at hindi na talaga ako makakapaghintay na dumating ang araw nayon. Kung i kokompara ko ang pagiging CEO at architect ay mas magaan talaga ang trabaho ng architect at maraming free time lalo na't anak ako ng may ari. Syempre may exception talaga yan.

Strict. Yan ang paningin ng mga tao sa akin dito kaya walang ni isa sa kanila na may lakas na kausapin ako o utusan ako. Oo may mas malaki pang position dito kesa sa akin. Archi lng naman ako dito. Pero ni isa sa mga nakakataas sa akin ay walang guts na utusan ako. Kung meron man, lagot sila sakin.

"Mommy!" lumiwanag agad ang mukha niya nang nakita niya akong pumasok sa condo.

"baby!"  at yinakap niya ako. Ang sweet talaga ni Hadriel tulad ng daddy niya.

Wait

Ano ba tong pinagsasabi ko. Masamang magsalita ng mga bad words Zarina. Dont mention his father again.

"tapos ka na bang kumain Haddy?"

Tumango naman siya at bumitaw sa yakapan namin. Agad naman siyang tumakbo papunta sa salas kung saan nagkalat ang mga laruan niya habang naka on naman ang tv.

Paper Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن