45th Stop

122 2 0
                                    

-Fourty-Fifth Stop-

"Panda, parang mali na umalis agad tayo don. What if may sasabihin pa ang daddy mo?"

"What if he's against us Tarsier? Gusto mo pang mag-stay doon?"

It left me in silence. Nandito kami ngayon sa sasakyan ni Panda after niya kong hilahin paalis kanina. Alam kong nabalita na ang pag-alis ni Panda ngayon kasama ang isang babae. At alam ko ring nakita yun ni Mandarin.

*flashback*

"Gab, what's the meaning of this?"

"Dad?"

"Mr. Villegas?"

"Dad, Tarsier, you know each other?"

"She's supposed to be you future wife kung dumating ka non sa dinner at kung hindi lumayas sa kanila si Ms. Monteza."

"Then, ibalik natin ang original plan. Kami na lang ulit ni Tarsier ang I-fixed marriage niyo instead kay Mandarin."

"At sa tingin mo ganoon kadali yun Gabriel?"

"Ganoong kadali ring naurong ang engagement namin ni Tarsier noon, so if we chose to run away together, mauurong din ang samin ni Mandarin."

Hinila lang niya ko paalis at iniwan ang daddy niya don. The last thing I heard is that he's calling Panda.

*end of flashback*

"What are we going to do? Where are we going?"

"Sa bahay natin."

"Ha?"

Kailan pa kami nagkaroon ng bahay?

*****

"Diba tinigil mo na ang pagbabayad dito? Tapos sinira mo pa yung mga gamit non?"

"I'm a total wreck at that time Tarsier, just forget it. Hinuhulugan ko ulit tong bahay na to at bumili ulit ako ng mga gamit when you start the chase."

Namula ako doon ...namula sa hiya! Kailangan ba niyang ipaalala na hinahabol ko talaga siya. -3-

Ngayon ko lang nari-realize na sobrang nakakahiya yung mga ginawa ko noon. That time kasi, hindi ko naman inisip na mukha akong tanga. I'm really desperate to win him back. And so I did! Wahahahaha!

"Wala akong damit Panda."

"Pinadadala ko na kay Alex."

"Okay." ^____^

Madali naman akong kausap, ano kayang nangyari sa party? Baka nagwawala na si Mandy don o kaya naman nagbigti kasi hindi matanggap na iniwan siya ni Panda. HALAAAAA!

'kasalanan mo, inagaw mo si Panda sa kanya'

Hindi ko siya inagaw kay Mandy, binabawi ko lang kung sino talaga ang sakin. Panda is mine and we'll always be.

"Tarsier, what are you thinking?"

"Kung ano nang nangyari sa party."

"Tsk!" Hinigit niya lang ako palapit sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo and place his hands around me, tightly. "Stop thinking things, ang dami mong iniisip nag-aalala ka pa tuloy. Ako na lang isipin mo, sasaya ka pa."

"Mayabang ka talaga."

"Mahal mo naman."

"Oo nga, mahal kita."

"I love you too, Tarsier and please don't leave me again. Baka hindi ko na kayanin."

"I promise."

*tok tok*

Nandiyan na siguro si Alex. Bumitaw si Panda sa yakapan moment namin, nakakainis! Panira naman si Alex eh, ngayon na nga lang kami nagkasama eh.

"SURPRISE!!!"

Mas worst pa pala ang dumating -_____-"

*****

Alex's POV

"Pwede ba Abigail, stop acting like I did something wrong with you."

"Because you really did."

"What? Ano bang pinag-aalburuto mo diyan?"

Sinamaan lang niya ko ng tingin at humarap sakin, nandito kami ngayon sa may garden habang nagkakasiyahan lahat sa loob.

"Why'd you have to come here with bunches of people?"

"So ibang tao na pala kami ngayon?"

"You know it's not what I meant Alexander,it's just that..."

Konti na lang, konti na lang talaga — hahahaha!

"Nakakainis ka eh, ngayon ko nga lang masosolo si Panda tapos darating ka kasama ang buong barkada. Aish! Pinadala lang naman sayo yung ibang gamit ko, hindi sinabing dalhin mo ang The Boys."

Nagsimula na siyang magpapadyak don, pinipigilan kong tumawa baka may biglang lumipad na vase dito. Eto ang nakakatuwa pag naiinis siya, nagpapapadyak siya diyan at kulang na lang sabunutan ang sarili niya. Hahahaha!

"Tsk! Hindi kami matutulog dito kaya mare-rape mo siya mamaya."

"Shut up Alexander Taylor!!"

Iniwan ko na siya doon habang tumatawa pa din, papalapit na kasi si Gab, baka masuntok na naman ako ng lalaking yun.

Haaaay! Enjoy for now Abigail, alam na ng daddy niya ang nangyari sa engagement ni Mandy at Gab and he didn't like it. He's really disappointed!

"Nasabi mo ba?"

"Hindi pre. I-enjoy na muna nila ang isa't-isa ngayon. Sooner or later, they'll start to face everything. Una na ko."

"Huwag kang mag-feeling may syota tol."

"Gago ka Ice."

Kakayanin naman nilang dalawa yan. Si Abigail pa? And knowing Gab, he'll do everything to fight for her. Bakit kasi ang komplikado ng buhay nilang dalawa. Pwede namang nagka-inlove-an at happily ever after na.

Tae ang daldal ko -______-"

*****

Abby's POV

"Buti naman naging okay na ulit kayo ni Keith."

"We love each other then what do you expect? Bakit ka ba kasi nandito?"

"Wala naman. Bumibisita lang, alam mo na —" Nagpatuloy lang siya katitingin dito sa kwarto ko, hinila ko kasi siya kanina dito pagkakita ko sa kanya na kasama ng barkada. "—you made the right choice this time Abigail, no — you both did. Pero once na iwan mo ulit siya, magagalit ulit ako sayo."

"Ano bang problema mo? Diba mahal mo si Panda pero nandito ka at nakiki-celebrate samin. What you're up to?"

"Wala. Oo, mahal ko si Gabriel pero ikaw ang mahal niya. Tingin mo ganun ako kadesperada tulad ni Mandarin? Of course not."

'Ang arte'

Inirapan lang niya ko at lumabas na ng kwarto ko, ang arte talaga ng babaeng yun. Ang sungit-sungit niya dati sakin pero nung sinimulan ko ng habul-habulin si Panda, tumigil siya sa pagsusungit at pag-irap na lang lagi ang ginagawa niya sakin.

****

Note: Ill be back guys, SOON :)

Romantic FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon