27th Stop

221 4 0
                                    

-Twenty-Seventh Stop-

Maaga akong gumising para makakain at makapag-ready for school. Ayokong magpakita kay Panda...kase naman!! Argh!

"Paalis ka na?"

0_0!

Diba tulog pa dapat tong lalaking to? Bakit ang aga niya gumising?!

"Ah oo, may gagawin pa kasi ako."

"Let's eat first."

"Hindi na, nakakain na ko. Sige bye."

Walang lingon-likod, dire-diretso akong lumabas ng bahay ng hindi ko siya tinitingnan. Naiilang nga kasi ako, wala akong mukhang ihaharap sa kanya!

"Abby ang aga mo ata ngayon?"

"May gagawin pa kasi ako sa school Juna. See you later."

Sigi lang Abby, ituloy-tuloy mo yang pagsisinungaling mo. Naku! Pagdating ko sa school, dahil wala naman akong gagawin tumambay na lang muna ako sa may gym.

"Hi Abby" ~Icy

"Hello Icy"

"What did you just call me?" ~Icy

"Icy, you're Icy then your friends - Darsy and Stormy."

Naka-smirk ako habang sinasabi ko yun, hindi ko na sila tinatawag sa pangalan nila, mas bagay kasi yung name ng tatlong witch na yun sa kanilang tatlo.

"You bitch!" ~Stormy

"You witch!"

"Nakakainis ka ng babae ka! Ituturo na talaga kita sa daddy mo!" ~Icy

"You know what Icy, sa ginagawa mong yan nagmumukha ka lalong desperado sa pera ng dad ko."

"Argh! Nakakainis ka na talaga! May araw ka din sakin." ~Icy

Ayun nagwalk out na silang tatlo. Tsk!! Ang aarte, mga warfreak. Kunwari lang naman akong matapang sa harapan nilang tatlo but the truth is, natakot ako nung sinabi niyang sasabihin niya kay dad kung nasan ako.

"San ka galing? Nauna ka pang umalis sakin kanina tapos late ka namang pumasok."

Sabi ko nga iiwasan ko siya pero heto, kalapit ko pa sa bangko sa room. Kapag minamalas nga naman talaga.

"May iba pa kasi akong pinuntahan."

Nilagay ko na yung gamit ko sa upuan at umupo na din. Hindi ako tumitingin sa kanya, kumuha ko ng libro and pretended that I am busy reading. But the truth is, wala akong naiintindihan sa binabasa ko. Kasi naman, kung makatitig tong si Panda parang wala ng bukas.

"Iniiwasan mo ba ko Tarsier?"

"H-ha? Hindi, madami lang talaga kong ginagawa."

Nakakunot pa din yung noo niya while looking at me, juskooo maniwala ka naman sa lame excuse ko Panda.

"K."

Woooh!

'Hoy Abby, problema mo?' ~Juna

Dadagdag pa tong isang to.

'Nothing. I'm just busy.'

"Hmp sungit!"

Tingnan mo yun, sinagot na nga yung tanong niya nasabihan pa ng masungit. Tsk!

I have only one class this afternoon kaya after agad nun, I go home para magpalit ng damit at dumeretso sa restau nina ate Cris. Dapat sabay kami ni Panda but since iniiwasan ko nga siya, umuna na talaga ko.

Romantic FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon