29th Stop (Part 2)

202 3 0
                                    

-Twenty-Ninth Stop- (Part 2)

"Possessive wife" *smirk*

Pigilan niyo ko, mapapatay ko tong Panda na to.

"Possessive wife" *smirk*

ARGH! Kanina pa yan, walang tigil ng kasasabi ng word na yon at kanina pa din ako naiinis sa kanya.

"Possessive wife" *smirk*

Timpi pa Abby, timpi lang talaga. Magpaka-busy na lang sa ginagawa ko dito. Dahil sabado, naglilinis ako ng bahay. At yong bwisit na Panda? Ayun sitting pretty while watching his favorite show, 'Shaun the Sheep' ...parang siya lang yun, Panda the Shit! Hahaha!

"Possessive wife" *smirk*

*BULLSEYE

Anong ginawa ko? Binato ko sa kanya yung basahang hawak ko. Tamang-tama sa mukha ng loko. Hahaha! Ayun nakatunganga, hindi pa ata nagpa-process sa utak niya na binato ko siya ng basahan sa mukha.

"TARISER!!!"

"Problem?" with matching beautiful eyes and innocent smile pa yan. Hahaha

Nakakatawa yung itsura niya, lalong dumidilim yung mata niya. Wooh! Nakakatakot! Nyehehehe!

"Wala naman. Possessive wife" *smirk*

Argh! Akala ko asar na siya, tapos pag nainis siya sakin titigil na siya sa pang-aasar. Bwisit! I really hate this guy.

"GOOD MORNING GABBY!!"

Ang aga-aga parang araneta tong apartment dahil sa mga panggulo. Kilala niyo ba kung sino? Malamang sa malamang, ang The Boys full pack pa kasama si Nara, Brazil, Selene, Juna at Rein. Anong meron?

At ano daw? Gabby? Wala naman nakatirang Gabby dito. Mga baliw!

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Tsk! Agang-aga nakasimangot ka diyan Abby. Gayahin mo si Gab, ngiting-ngiti kahit parang tanga. Hahaha" ~Hope

"G*go!" ~Panda

Parang tanga nga naman tong si Panda, sisimangot tapos ngingiti bigla. BALIW!

"Nangyari? Bakit ngiting-ngiti to?" tanong ni Raymond tapos tinuro pa yung busy pa ring nanunuod ng Shaun the Sheep na si Panda.

Nagkibit-balikat lang ako, kahit alam ko kung bakit ganyan ang itsura niyang Panda na yan.

"Possessive wife" *smirk*

"Ano daw mga tol?" ~Philip

"Aba malay ko diyan. Tayo'y kumain na lang, baka gutom lang yang si Gab." ~Raymond

"Bakit may dala ba kayong pagkain?"

"Oorder pa lang. He-he" ~Alex

"Hoy Prince, ikaw umorder." ~Hope

"Bakit ako?" ~Prince

Oo nga pala, nandito nga pala si Prince. Ngayon ko lang ulit nakita yang kyot na lalaking yan. Hahaha! Ang kyot niya diba? Hugis puso yung labi niya pag nangiti :)

"Aba dapat lang, nandiyan si Selene. Dagdag pogi points din yon." ~Philip

"Anong dagdag pogi points kung kayo ang makikinabang?" ~Prince

"Ang damot mo tol, nagka-love life ka lang." ~Raymond

"Bakit kayo? Wala? Anong tawag niyo diyan sa kasama niyo?" ~Prince

Tinuro pa niya sina Brazil. Talaga naman, ayaw magpatalo.

"Hindi lovelife ang tawag diyan." ~Ice

"GANOON? HINDI PALA LOVELIFE HA?" ~Brazil

"Hindi pa ko tapos Apoy wag kang magulo diyan." ~Ice

"SIGURADUHIN MONG MAGANDA YANG SASABIHIN MO!" ~Brazil

"Hmm...Prince, I don't consider Fire as my lovelife because she's my life." ~Ice

"Ayun naman pala. Hahaha!" ~Hope

"BOOM PANES!" ~Rein

Hahaha! Kinikilig naman si Brazil don sa sinabi ni Ice. Naku naman, mga lalaking to talaga...makabanat lang. Pero nakakakilig talaga yun. Anla! Naiinggit ako don.

"Wag kang mainggit sa kanila, wife." ~Panda

"May dumadamoves din dito mga tol. Hahaha!" ~Philip

-_-!

Ganyan ang mukha namin parehas ni Panda. Isisigaw pa kasi! BWISIT!

"Tigil na mga tol, may na-oop!" ~Raymond

"Sino?" ~Ice

"Yung dalawa." ~Philip

Nginuso niya yung dalawang tahimik sa isang sulok. Si Hope at Alex, tahimik nga lang yung dalawa habang nakikinig sa asaran ng mga to.

Dahil nga nandito silang lahat tapos dumating na yung inorder ni Prince, Ice, Raymond at Philip na mga pagkain, nag-movie marathon na lang kami.

(author: anong inorder ni Gab?)

Siyempre wala, yung lugar naman daw ang pledge niya. Di ba? Sobrang kuripot. Tsk!

Wag ng pansinin yung epal na author, yon nga nanood lang kami. Siyempre kaming mga babae ang pumili, wala naman silang angal. Meron pala, si Hope ..siya lang ang umangal kanina. May ipinaglalaban ang loko. Hahaha!

Nasa sofa kami ni Panda, kalapit namin si Rein tapos si Juna at Raymond. Bale lima kami sa sofa at nasa gitna namin si Rein. Nasa sahig na yung iba, si Selene at Prince ayun tahimik na nanonood, minsan nagbubulungan sila tapos ngingiti na lang bigla. EMEGERD! PBB teens itu! Nakaakbay naman si Philip kay Nara tapos nakahilig si Nara sa balikat ni Philip, aww sweet ^_^

"BAKIT MO INUBOS?" ~Brazil

"Ako nagbayad nito, what's wrong with that?" ~Ice

"HINDI MO MAN LANG AKO TINIRHAN." ~Brazil

"May natira pa sa lips ko, kunin mo na." ~Ice

0///////0 - mukha yan ni Brazil. Kasi naman tong si Ice, pasimpleng manyak din.

"Ang ingay niyo, nanonood kami." ~Alex

Silang dalawa ni Hope ang magkalapit at naglalabing-labing. Hahahaha!

Si Panda? Ayun busy sa paglalaro sa kamay ko, kanina pa yan ganyan. Hindi siya nanonood, nakahilig lang yung ulo niya sa balikat ko at pinagdidiskitahan ang kamay ko. Hindi ko na lang siya pinapansin, ang ganda kaya nung movie.

'Upside Down' yan yung pinapanood namin. Ang galing talaga ng pagkakagawa, sana totoo na lang yan. Hahaha!

------------------------

A/N: eto muna for now. Si Papa Prince sa side...next time ko na pakikita ang pics ng mga poging The Boys :)

ENjoy. Let's vote for Jessica and Krystal, and EXO on Mnet 2014 Onstyle :)

Romantic FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon