Prologue"Waaaaah, mamamatay na ata ako" sigaw ni Yvonne habang nasa bangkang sinasakyan. Patuloy ang pag ugoy ng mga alon dito na tila ba nag uunahan sa pag bagsak.
Isang batang lalake ang nakahawak sa manibela ng bangka habang umiiling iling na naka ngiti.
"Shit ! Pinagtatawanan mo ba ako ? Holy Shit ! Mamamatay na tayo tapos heto at para kang demonyong nakangisi dyan ?" galit na sigaw niya sa batang lalake. Ngunit kahit anong sabihin niya ay wala man lang siyang makuhang sagot mula rito. Gusto niya ng sampalin ang kasama ngunit hindi siya makaalis sa kinauupuan niya dahil sa takot na baka mahulog siya.
Mga labing apat na taong gulang ang lalake at siya ay labing dalawang taon.
May katangkaran ang lalake at sa murang edad ay makikita mo sa katawan niyang banat ang mga buto sa pagta trabaho. Kayumanggi ang balat , may pagkakulot ang maitim nitong buhok na parating nakahawi sa gawing kanan . Ang matangos na ilong ay bumagay sa kanyang malungkot na mata. Sa bawat pagngiti ay makikita mo ang nag iisang dimple sa kanang bahagi ng pisngi. Hindi maipagkakaila ang kanyang kagwapuhan.
"Oh my God ! Hindi ko alam kung nasaang bahagi na ako ng mundo, hindi ko alam kung mamatay na ba ako." umiiyak na siya sa halo halong emosyon na nararamdaman. Una takot na baka huling araw niya na to, Pangalawa galit sa kanyang mga magulang.
Marami pa siyang mga masasamang salitang binitawan. Ngunit balewala ito sa lalake at ni hindi man lang siya pinapansin nito.
Gusto niya ng maka-alis sa kinalalagyan niyang lugar pero wala siyang magawa. Kung may kapangyarihan lang sana siya gaya ng mga super heroes na iniidolo niya kanina pa siya nakaalis dito. Ngunit wala kaya ayun at ibinuhos niya na lang ang takot at sama ng loob sa kakasigaw.
Maya maya pa ay narating na nila ang parte ng dagat kung saan kabaliktaran ng dagat na tinahak nila kanina. Napakalinaw ng tubig, at makikita mo ang ibat ibang klase ng isdang lumalangoy dito. May pink, may blue with green, may yellow etc.
"This is amazing. WOW ! " dali dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinuhaan ng litrato ang mga nakikita niyang lamang dagat. May star fish, may sea urchin, corals at mga isda.
Napansin niyang tinititigan pa rin siya ng lalake habang nakangiti.
"Hey ! You, bitch ! This place is amazing. Isn't it ?" Sigaw niya para marinig siya ng kasama.
"I have a name, you can't call me bitch. And yea this place is amazing." sagot niya kay Yvonne.
"Finally, sumagot ka rin. Akala ko wala kang dila o bingi ka.So what's your name?" habang tinititigan niya ang lalake.
"Braydean" habang nakatitig din siya sa babae.
May pagka blonde ng konti ang buhok ni Yvonne, natural yun makinis ang balat at maputi . Sa unang tingin mo pa lang ay mapapansin mong nagmula siya sa mayamang pamilya. Matangos ang ilong at mga nasa 5'3" ang tangkad.Brown short ang suot niya, hindi naman ganun ka iksi at naka crop top siya with floral prints . Hindi maipagkakaila ang kasexyhan ng kanyang katawan.
"We're here" sigaw ni bray.
Nakita ni Yvonne ang napakagandang tanawin. Mala boracay na buhangin at sariwang hangin ang kanyang nalanghap. Sa maliit na kubo ay nakita niya ang kanyang Mom and Dad na nakangiti at si Dennise na nakababatang kapatid niya habang kumakaway.
Nilingon niya si Braydean, "Bray, thank you for the roller coaster ride" Nginitian niya ito at bumalik ang tingin niya sa kanyang pamilya habang kumakaway. Nilingon niya ulit ang lalake "And by the way, Sorry sa kung ano man ang masasamang nasabi ko kanina."
(Please Follow me for the new update)
.
BINABASA MO ANG
Crazy Girl with a Thalassophobia
Teen FictionTakot ako sa dagat, Takot ako sa mga alon at nagagalit ako sa lalakeng minahal ko dahil pinaramdam niya sakin na mahal niya ako. Pero nuong huli naintindihan ko na ang lahat . balewala lang pala ako sa kanya. At kung ano man ang nangyare sa buhay ko...