Kriiiiing. . . Kriiiiiiiiiiiiiing . . . . . Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing tumunog na ang alarm clock. ... umaga na pala, kelangan na namang gumising para maghanapbuhay. Haaaaay ! napakahirap ng buhay, mula ng iwan kami ng mom and dad ko ako na ang tumayong nanay at tatay sa kapatid kong si Dennise.
Tuwing summer vacation ganito ang buhay ko, papasok sa trabaho, uuwing pagod, matutulog at gigising na naman para pumasok. labing dalawang taong gulang ako nung mamatay ang aking mga magulang . Naaalala ko pang napakasaya ng aming bakasyon ng biglang napalitan yun ng kalungkutan. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad ay mauulila na kami ng kapatid ko.
Labing dalawang taong gulang ako nung nakitira kami sa tiyahin ko dito sa Maynila (kapatid ng mama ko). Hindi ganun kalaki ang bahay niya, merong dalawang kwarto na sakto lang naman sa kanilang pamilya. Kaya kami ni Dennise ay sa sala na lang natutulog .
Ang laki ng bahay namin nuon .kabaliktaran sa bahay na tinitirhan namin ngayon, tag isa kami ng kwarto ni Dennise. Sa loob ng kwarto ay may sariling CR, may sarili rin kaming study table, naaalala ko pa ngang pinalagyan pa yun ni mama ng wallpaper, puros mga Hello Kitty dahil paborito kong cartoon character yun . Si daddy naman, everytime na umuuwi siya galing business meeting from different countries,meron siyang pasalubong na hello kitty din. It's either stuff toy or gamit. Lahat ng gusto namin nabibili namin, lahat ng luho namin nasusunod. Hindi ko inakala na mangyayare ang mga ganitong bagay. Na mawala sila, mabubuhay kaming nakikitira at ulila.
7:30 AM na pala, kelangan ko ng magmadali at malelate ako. Naka-ugalian ko na talagang gawin ang ganito, yung tipong parang may kausap ako pero wala naman . Yung sarili ko lang ang kinakausap ko .
Dali dali kong inasikaso ang gamit ko, hanggang sa may napansin ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit namin ng kapatid ko. Nahulog ito mula sa bulsa ng short ko . Tinitigan ko kung ito nga yun . Ang tagal kong hinanap ang kwentas na to. Andito ka lang pala. Naibulong ko na naman sa sarili na para bang may kausap ako. Bumalik sakin ang lahat ng mga ala-ala ko sa Probinsya.
**/*////
"Yvonne, I think i'm inlove with you. I'm not sure if this is love or maybe this is an infatuation." may kinuha siya sa bulsa . Box yun na kulay pula and when he opened it I was amazed and shocked. "I'm giving this to you coz you're my friend and your special." dugtong pa niya.
"But Bray this is too much. Sinabi sakin ng mama mo na nakipag bead siya makuha lang ito. And she told me its a million dollar."
"At importante ka na rin naman sakin Yvonne. " Hinawi niya ang mahaba kong buhok at pilit niya talagang inilagay sa leeg ko ang kwentas.
"Baka magalit sakin ang Mommy mo Bray" umupo ako sa may bench na gawa sa kawayan. Ayokong isuot niya sakin ang kwentas, kaya lang nagpumilit siya kaya wala na rin akong nagawa.
"Halika" hinihila niya ako ng hinihila kaya sumunod na lang ako.
Nung nasa garden na kami nila narinig kong sinabi kay bray ni Tita Marga "Owh, I thought si Ruby". At sumagot naman ng "No Mom" si Bray. "Owh. She's lucky" dugtong pa ni Tita Marga.
Habang tinitingnan ko ang mga roses na nakatanim sa kanilang harden biglang sumulpot si Tita na may dalang meryenda. Pineapple Juice yun at Pancakes with Honey syrup and banana as a topping. "You know what ija, I like you" sabi niya sakin . "Gusto kitang maging girlfriend ng anak ko" Namula agad ang pisngi ko at napangiti ako kay tita.
"Thanks tita" matipid kong sagot sa kanya. "Gusto ko naman po si Bray tita, kaya lang po wala pa po kami sa tamang edad." dugtong ko pa.
Tumawa siya kaya tumingin ako sa kanya. "Ija, i know wala pa kayo sa tamang edad. Pero sana pag dumating ang araw na yun piliin mo si Bray" hinawakan niya ako sa likod . "Alam kong napapangiti mo siya at nakikita ko rin dyan sa mga mata mo ang kislap pag magkasama kayo ng anak ko."
"Yes tita, time will come" yun na lang ang nasabi ko dahil biglang dumating si Bray na may dalang cookies.
"Mommy, naunahan mo na pala ako. Pero ito idagdag niyo dyan ang ginawa kong cookies" inilapag niya yun sa mesa at pinagsalu saluhan naming tatlo.
Marami kaming napag kwentuhan nila tita, nagtatawanan kami kaya hindi namin namalayan na hapon na pala. Nagpaalam na ako sa kanila at inihatid ako ni Bray pauwi dun sa rest house namin.
*/*/*/*/*/*end of flashback*/*/*/*/*
"Ate anong oras na andito ka pa rin pala ?" Sumigaw si Dennise.Naalala ko may pasok pa nga pala ako.
"Dennise isuot mo nga to sakin" iniabot ko sa kanya ang kwentas na galing sa pamilyang Del Gal.
"Wow ! Napakaganda naman nito ate at mukhang mamahalin."
"Isuot mo na lang Dennise" sabi ko sa kanya. Hindi niya na maalala kung kanino galing ang kwentas na to dahil limang taong gulang lang siya nung nag bakasyon kami sa Masbate.
"Yvonne, andito ka pa rin anak. Diba may pasok ka ?" Si tita Flor kapatid ni mama.
"Yes mama, Nakita ko po kasi itong kwentas kanina. Hindi ko namalayan yung oras kakatitig dito." Mama ang tawag ko sa kanya dahil yun ang gusto niya .
Alam kong mahal na mahal kami ni tita, ayaw nga niyang nagtatrabaho ako kaya lang nahihiya naman ako sa asawa niya dahil yun lang ang naghahanap buhay.
17 na ako ngayon. At malapit ko ng makuha ang kompanyang pinaghirapan ng mga magulang ko. Kahit may pera ako sa bangko hindi ko ginagastos ng ginagastos yun dahil baka isang araw kailanganin namin ang pera. Gaya nuon, nagkasakit ang kapatid ko. Halos mabaliw na kami ni tita Flor kung saan kami kukuha ng pera pang dagdag sa gastusin . Buti na lang sinabi ng abogado namin na pwede kong galawin ang kita ng kompanya.
"Anak, yung baon mo nasa Mesa. Maligo ka na at baka ma late ka pa." Tumalikod na si mama pero bigla siyang bumalik . "Anak napakaganda mo diyan sa kwentas mo na yan."
Nginitian ko siya at tinungo ko na ang CR para maligo .
Pagkatapos kong maligo, Kinuha ko na ang baon na nakabalot sa paper bag at umalis na ako .
![](https://img.wattpad.com/cover/46660665-288-k594252.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Girl with a Thalassophobia
Teen FictionTakot ako sa dagat, Takot ako sa mga alon at nagagalit ako sa lalakeng minahal ko dahil pinaramdam niya sakin na mahal niya ako. Pero nuong huli naintindihan ko na ang lahat . balewala lang pala ako sa kanya. At kung ano man ang nangyare sa buhay ko...