"You're late Miss Garcia." Narinig kong sinabi ni Ms. Glad nung pagpasok ko sa opisina. Napansin niya pala ako kahit sa kabila na ako dumaan.
"Yes Ms. Glad" yun na lang ang naisagot ko habang nakayuko. Hindi ko alam kung bat natatakot ako kay Ms. Glad, when in the first place daddy at mommy ko ang may ari ng kompanyang pinapasukan ko at pinapasukan niya. It's our company. Natatakot lang siguro akong ipahiya niya na naman ako.
16 yrs old ako nung pumasok ako dito sa kompanya. I asked my attorney kung pwede akong pumasok dito, every summer lang naman. Nuong una ayaw niya pang pumayag since i was only sixteen, pero dahil nagpumilit ako pinayagan niya na rin ako.
"Yvonne, please paki pull out lahat ng nasa papers . Kanina pa kita inaantay . This is the first time na nalate ka." habang inaabot niya sakin ang napakaraming papel.
Kung alam lang ni Ms. Glad na isa akong anak ng may-ari ng kompanyang ito, ewan ko lang kung uutos utusan niya pa ako ng ganito. Yung mga mas nakakataas nga lang sa kanya ng konti kung purihin niya at halos sambahin pa ay ganun ganun na lang. Ewan ko lang kung anong gawin niya sakin pag nalaman "niyang isa ako sa anak ng mga Garcia.
Habang nagpu pull-out ako ng mga pangalan mula doon sa mga papel na ibinigay ni Ms. Glad slash Sungit naisip ko kung buhay lang sana sila daddy hindi mangyayare ang ganito samin ni Dennise. I was only twelve nung iwan nila kami. Nag-iisang tiyahin ko lang si Tita Flor kaya sa kanya kami napadpad, wala naman kaming iba pang kamag-anak. Nag iisang anak lang si Daddy ng mga Garcia at si Mommy naman ay mayroong nag iisang kapatid at siya si Tita Flor.
Mabait si Mama, kaya lang minsan may pagka strict siya. Ayaw niya ng makalat, lumaki kami ng kapatid ko with yaya and maids so natural lang samin ang walang alam . Kaya heto ako ngayon nagtatrabaho para hindi naman nakakahiya kela mama. Ayokong isipin na pasanin kami.
Minsan kasi nasigawan ni Tita ang kapatid ko, syempre bilang ate kinampihan ko ang kapatid ko. Pag nasasaktan siya nasasaktan rin naman ako. Kaya nagpupursige ako ngayon . Nagtatrabaho ako mula sa ibaba, para naman pag nakuha ko na ang kompanya ng parents ko may idea ako kung paanu ito patakbuhin ng maayos.
"Yvonne, Pinapatawag ka ni Mam Queennie" Si Ms. Glad. "Iiwan mo na yan diyan at bilisan mo. Puntahan mo siya agad." dugtong niya pa.
Kinabahan ako. duggg.... duggggg.... dugggggg...... Ano na naman kaya ang mali ko. Nagkamali na naman ba ako ng input ng mga clients number or name ng clients or address or what .... Shit ! Puro question mark ang nasa utak ko ngayon. Oh my God, Lord please bulong ko habang nilalaro ko ang mga daliri ko. Naging manirism ko na yun at ginagawa ko pag kinakabahan ako.
* tok tok tok * tatlong katok ang ginawa ko.
"Please come in" malambing niyang sigaw mula sa loob.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Suot niya pa rin ang eye glasses niya, akala ko maglalagay na lang siya ng contact lense. The last time kasi na napatawag ako ni Miss Queenie kausap niya ang boyfriend niya."Yes honey, mag co contact lense na lang ako para sayo." yan ang naaalala kong sinabi nuon ni Ms. Queen.
"Yvonne, this." Iniabot niya sa akin ang papel. Ano to ? mga pangalan ng tao, address nila at contact number.
Mag pu pull-out na naman siguro ako o mag i input sa computer.
"Is this for pull-out or for input mam ?" tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/46660665-288-k594252.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Girl with a Thalassophobia
Teen FictionTakot ako sa dagat, Takot ako sa mga alon at nagagalit ako sa lalakeng minahal ko dahil pinaramdam niya sakin na mahal niya ako. Pero nuong huli naintindihan ko na ang lahat . balewala lang pala ako sa kanya. At kung ano man ang nangyare sa buhay ko...