Chapert 4 - Ano daw?!
Erin's POV:
Nang makarating kami sa room ni Yumi wala kaming naabutan na tao. Ang weird kasi malapit na kaya mag-time.
"Asan sila?!" Tanong ko kay Yumi. Sinamaan naman niya ako ng tingin na parang sinasabi na "You're seriously asking me that?"
"Naman Erin pano ko malalaman, mag-kasabay kaya tayong nagpunta dito!" Sabay batok na naman niya sakin.
"Tss. Nag-tatanong lang e." Nagulat naman kami ni Yumi ng maramdaman namin na parang may gumagalaw dun sa may loob/ilalim ng teacher's table. Mas nagulat kami ng may iniluwa itong isang napaka-gwapong nilalang na may hawak na libro. Charot!!
"Pano niya napag-kasya sarili niya doon?" Tanong ko na naman kay Yumi. At ang mukha niya parang na-weirduhan siya sa tanong ko. "What?"
"Yaan talaga yung pinansin mo? Ang dapat na tanong bakit siya nandoon sa ilalim. Tssk!" Talaga?!
"Oy Gray asan yung iba?!" Maangas na tanong ni Yumi. Ang barako talaga nito. Yung lalaki pala si Gray, siya yung kabanda ko na GC Gray din talaga nickname niya.
"Umalis na. Wala daw prof." Poker face lang na sabi nito.
"Oh?! Talaga?? Tara na Yumi." Yaya ko sa kanya kasi free cut na pala kami. Hinigit ko na siya pero ayaw niyang mag-patinag.
"E bat nandito ka pa?!" Tanong ni Yumi sakanya.
"Nagbabasa." Tipid na sagot lang nito.
Palabas na kami ng room ng magdatingan yung mga classmate namin. Teka akala ko ba free cut na?!
"San kayo pupunta? Akala ko ba wala si Ma'am?" Tanong ko sa isa naming kaklase.
"Huh?! Sinasabi mo? Maupo ka na padating na si Ma'am." Kainis joketime tong si Gray!! Tiningnan ko siya ng masama. Kasi naman ang lakas ng trip niya, kung nagkataon absent pa kami ni Yumi.
"Joke! -_-v" Sabi niya pero yung mukha niya hindi naman mukhang nag-jojoke kasi poker face padin siya tas nag-peace sign pa. Loko talaga. Humanda siya sakin mamaya.
"Asar!" Nangngingitngit na sabi ni Yumi.
Ilang sandali lang at dumating na nga yung prof namin. And to my surprise nagbigay sya ng surprise quiz. Malamang masurprise talaga ako niyan. Saya! Buti na lang nakinig ako sa kanya last time. Huhuhu sana napasa ko yung quiz. T_T
Mabilis naman na natapos ang araw. si Yumi umuwi na kasabay yung boyfie niya na si Niko. Ako may tatapusin pa kong basahin kaya naman papunta akong library ngayon. Naglalakad na ako sa may hallway kaya lang ang daming estudyante kasi katatapos lang din ng klase nila, kaya medyo bumagal ako ng konti. Nakita ko naman si Caiden na makakasalubong ko. Nung nasa malapit na siya sakin may sinabi siya.
"Same. 6! Rehea......" ANO DAW?! Di ko na narinig yung kasunod kasi ang ingay nung mga estudyante na kalalabas lang. Akala mo naman isang taon silang hindi naka-pagsalita.
Hinayaan ko na lang baka hindi naman ako yung kausap niya. Hindi din naman siya naka-tingin sakin e. Ipinagpawalang bahala ko na lang at nag-diretso na sa library. Ilang chapters na lang matatapos na ko sa pagbabasa sa story na binabasa ko ng maisip kong tingnan muna kung anong oras na. Nagulat ako kasi nakatanggap ako ng 37 missed calls galing sa iba't-ibang tao. Shete! Bat di ko naramdaman 'to nakavibrate naman 'tong phone ko e.
Nag-callback nalang ako sa unang taong nasa list. At nagsisi ako na tumawag pa ko. T_T
"WHAT THE HECK! BAT NGAYON KA LANG SUMAGOT HA?! ALAM MO BANG ANG DAMI NG ORAS ANG NASAYANG? NASAAN KA BA? SINABIHAN NA KITA DIBA?!" Bat ba galit na galit tong Caiden na 'to.
"Wait! Di ko magets!!! Ang dami mong tanong di ko maintindihan. Saka inaantay saan?"
"WHAT THE~! Ooooops tama na." Narinig kong may nasabi sa kabilang linya.
"Erin, punta ka na sa same place 7 na oh. May rehearsal kasi tayo, dapat kanina pa 'tong 6. Sige na bilisan mo ah. Ingat ka." Si Gray na yung nag salita.
"Sige. Sorry talaga. Di ko naman talaga alam e." taos puso kong paghingi ng tawad sa kanya. Bago ko ibaba may narinig pa kong sumigaw. "BILISAN MO!!!" Halimaw talaga!!
Mga 15 minutes din ang inabot ko bago makapunta sa meeting place. Ilang tao na nga nabunggo ko sa pagmamadali ko. Huhuhu Haggard na haggard ako pagdating ko.
"Erin, sa wakas." Sabi ni Manager J at tatawa tawa pa. Di ko alam kung dahil ba sa hitsura ko ngayon o dahil sa mga nagyaring MU. (Misunderstanding)
"Sorry Sorry Soorrrry!! Di ko po talaga alam." Nagbow pa ko.
"Tss. Hindi alam? Edi useless pala yung pagsabi ko sayo kanina." Napaisip naman ako kung nakausap ko ba siya. At Dinggg~ lightbulb effect.
"Aaaaah! Yung sa may hallway ba? Yung 'Same. 6:00. Rehea....' Ang tamad mo naman kasing magsalita. Para yun lang di mo pa nasabi ng maayos."
"Ang sabihin mo stupid ka lang talaga. Slowpoke!" Aba't nag-iinit na talaga ang ulo ko. Kaya naman napatayo na ko sa upuan ko.
"HOOOY! Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ako ng stu-----" At napatigil ako ng biglang takpan ni Gray ang bibig ko mula sa likod. Nagulat kasi ako tapos ang lapit pa niya. Ang bango niya din. Kahit gabi na ang fresh niya tig--- ay Erin STOP !!!
"Shhhhh! Stop this na. Hahaba pa ang usapan e. Let's start na malapit na magstart ang Gig mamaya." Pinakalma ko ang sarili ko at nag-start na kami sa rehearsals. Syete kapagaod kahit kumanta lang naman ako ngayon. HAHAHAHAHAHA
After ng rehearsal nagbihis na kami at nag-ayos ng dapat gawin bago kami sumabak sa show. Siyempre hindi dapat makalimutan ang mask. Nagsuot lang ako ng dress at pinartneran ito ng boots. The usual look lang.
"We'll start in 10 Minutes." Sabi nung manager ng Bistro.
Nag-simula na nga ang gig. Well, madaming tao as usual. Karamihan mga babae, madami kasi talagang fans ang mga lalaking 'to.
Ako muna ang unang kumanta, like the usual. At sa panapos na performance si Caiden na yun. Yes po, save the best for last lang po ang peg.
"I'm gonna pick up the pieces and build a Lego house
If things go wrong we can knock it down
My three words have two meanings but there's one thing on my mind
It's all for you"
Simula pa lang ng kanta ang suave na agad ng dating. Sobrang gwapo ng boses niya. Sana nga boses na lang siya, ang sama kaya ng ugali niya. Hahaha Pero seryoso crush ko talaga yung boses niya. Luh? Pede ba yun? Pero kasi yung boses niya parang nakakapag-pagaan ng pakiramdam parang nakaka-inlove. Weeeeeh? Ako ba 'to?? Antok na siguro ako.
"I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done I think I love you better now
I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I will love you better now"
Ewan ko kung nag-hahallucinate lang ba ako o sobrang inaantok na talaga ko. Pero si Caiden, para kasing tumingin siya sakin nung kinanta niya yung huling lyrics ng song. Saglit lang 'yon pero pakiramdam ko nag-tama yung mga mata namin e. Parang nag-slow motion lang.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, na parang hinahabol ako. Ang ironic lang kasi parang bumagal yung pag-ikot ng mundo pero ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
Parang umiikot yung tyan ko. Bagong pakiramdam 'to. Ewan ko pero, ang weird ko na yata masyado.
--
Huhuhu. Sabaw na sabaw ako. Sarry! Anyways, sorry sa typos and wrong grammar. :)
-- elliepotsxx
BINABASA MO ANG
The Mysterious Band's Secret
Tiểu Thuyết ChungMay mga bagay na mahirap itago, pero mahirap din namang aminin. Kaya pano kung may sikreto ka? Pipiliin mo bang aminin na lang sa kanila o pipilitin mo pa ring itago kahit na ang kapalit nito ay ang sobrang mahirapan ka? ~ Ang kwentong ito ay puno n...