Chapter 5 - So Careless

8 0 0
                                    

Chapter 5 - So Careless


Erin's POV:


Owrayt. Saturday na! Wohooo!

Padating ngayon sina Mom and Dad galing sa isang business chuchu na out of the country kaya naman talagang excited na akoooo. ^^v Tagal ko din silang hindi nakita.
Saka isa pang good news!

Dandadadan!!!

Walang gig ngayon so sa makatuwid wala akong makikita na magugulo at masungit ngayong araw. Hahahaha

No Caiden and all today. So much happiness!!!

At dahil nga padating ang parents ko. Maaga kaming umalis ni nanay Fe ng condo para umuwi muna sa bahay namin para asikasuhin yung bahay kasi medyo hindi nagamit this month dahil walang tao.

Kaya eto kami ngayon ni nanay Fe naglilinis. Well, hindi naman siya sobrang dumi kasi may caretaker naman kami dito na nagpupunta para maglinis every week. Kaya hindi na hassle.

"Nak, maiwan na muna kita dito ah. Magluluto na muna ako ng tanghalian para pagdating narin nila ay may makakain na."

"Sige lang po manang. :) Tawagin niyo lang po ako pag kailangan niyo ng tulong."

At nag diretso na nga si manang sa kusina.

11:30 palang ng tingnan ko ang wall clock namin kaya naman nagpatuloy na lang ulit ako sa paglilinis.

Ilang sandali lang nakarinig ako ng nagdoorbell kaya naman nagtungo ako sa gate para pagbuksan ito.

"Hey! Kamusta? Andyan na ba sina tita?"
Sabay yakap niya sakin. Kaya naman ginantihan ko siya ng yakap.

"Ate Jamie!! Kamusta ka dyan parang di tayo magkasama kahapon ah! Hahahaha Wala pa sila. Tara pasok ka sa loob!"

Si ate Jamie aka Manager J. Yes po. Siya po ang manager ng BJ (Black Jack)

"Maupo ka muna jan ate. Kukuha lang ako ng meryenda." At nagtungo na nga ako sa kusina, saglit lang at bumalik na din ako.

"Nako ate, for sure matutuwa sina mommy na andito ka. Sayang kasi hindi nakasama si kuya sa kanila."
Sabi ko sa kanya ng ngiting ngiti pa. Medyo kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Ha!? Hindi ba nila sinabi sayo na --"


Hindi na natuloy ni ate Jamie ang sasabihin niya dahil sa biglang pagbukas ng pinto.
At niluwa naman nito ang kanina pa naming inaantay.
Dali dali naman akong tumakbo sa may pinto at niyakap sila ng mahigpit.

"Mom Dad! Super namiss ko po kayo talaga."

"Ako ba hindi mo manlang namiss!?"

Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod nila mom and dad. Nang mag-sink in na sakin na nandito talaga siya. Dimambahan ko naman agad siya ng yakap.

"Surprise. ^_^v" - kuya Eric.

"Kuyaaaaa! Waaaaah! Andito ka. Andito ka talaga?! Nayayakap kita. Waaaaaah! Namiss kita! T_T"

"Grabe Erin. Hindi halata na namiss mo ko! -_-"

"Rin tama na yan. Baka mamatay na kuya mo. Hindi na ata makahinga." Sita ni Mom sakin kaya naman binitawan ko na siya.

"Hello po, tita, tito." Si ate Jamie pala nakalapit na rin samin. Sabay nagbeso na din ito kay mom.

"Oemgee! Jamie lalo kang gumaganda ah."

The Mysterious Band's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon