Chapter 3 - The Gang!

12 2 0
                                    

Chapter 3 - The Gang!


Erin's POV:


Nakita ko na palabas na ng room si Yumi kaya naman tumakbo ako palapit sa kanya. Para maka-punta na kaming cafeteria kasi gutom na talaga ako. =_=

"Yumi, bilisan mo. Gutom na gutom na ako." 

"Kasalanan ko?! Kung hindi ka sana tinanghali ng gising sana hindi ka nag-rereklamo dyan." 

"Eeeeeh! >3<" Sabi ko sabay pacute sa kanya. Kasi naman e, amazona mode na naman siya.

Pag dating namin sa cafeteria, ang daming tao. Arrrrgh! Occupied na din ang karamihan sa mga seats. Kaya naman iginala namin ang mata namin ni Yumi para makahanap ng bakanteng pwedeng maupuan.

"YUMIKO! ERIN!" Napalingon kami ni Yumi sa pamilyar na boses na tumatawag samin. 

"HERE!" sabi nito. 

YESSSS! Swerte makaka-upo na din.

"Hi Louise!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya at umusog ng konti para makaupo kami ni Yumi. 

"So si Louise lang talaga ang babatiin mo?! Napaka-unfair mo talaga Erin." Napatingin naman ako kay Jewel na naka pout pa ngayon. Natawa na lang ako sa kanya kasi para talaga siyang bata.

"Hi Jewel! Oh ayan na binati na kita. Ang dami mo talagang arte." Sabi naman ni Yumi. 

"Sige na order muna kami ni Yumi. Gutom na talaga akooooo ii." Sabi ko at hinila na patayo si Yumi. Tumango naman sila kaya naman dumeretso na kami sa mga stalls para maka-pili ng bibilhin.

Arrrrgh! I'm starving!! Srsly Erin? Naka-ilang sabi ka na niyan?! 

Nang makabili na kami ng makakain ay agad din kaming bumalik sa inuupuan nina Louise at Jewel kanina. Pero pag-balik namin, maingay na sa upuan kasi dumami na sila. I mean, nadagdagan sila. Arrrgh! Nag-kasama sama na naman.

"Hey! Hey! Hey! Andito na pala sila. Ang kupad talaga." Sabi ng bagong dating saamin.

"Shut up Klein! Sino kayang kadadating lang?!" Mataray na sabi ni Yumi. Amazona mode talaga 'to ngayon. Gutom na gutom na din siguro 'to. HAHAHAHAHA

"Woah! Babe, kalma lang. Bakit ba ang init ng ulo mo?" Sabi naman ni Calvin. Yung kambal ni Klein. 

"Don't you babe me! Umiinit ulo ko. Manahimik ka, gutom na ko!" Ang intense talaga ni Bestie ngayon.

"Pakainin niyo naman muna kami. Matatapos na ang break. Please!" At nag-puppy eyes pa 'ko sa magulong mag-kapatid na iyon. 

Thankfully tumahimik naman sila kahit papano kaya mabilis din naman kaming natapos kumain.

"Haaaaay. Busog!!!" Malakas na sabi ni Bestie.

"Badtrip no more?!" Slang na sabi ni Louise kay Yumi.

"Hoooo! Yes naman. HAHAHAHA" Tumatawa na siya ngayon. Kanina lang parang kakainin niya na sina Calvin at Klein. 

Nag-kwentuhan pa kami kasi may thirty minutes pa naman bago ang next class. Ang dami nga ding banat nung kambal. Magulo pa din sila. Hahaha

"Hooy! Kami ba napakilala mo na sa mga readers?!" Bulong ni Yumi sakin. 

Oooooh right hindi pa nga. Pero kailangan pa ba? Hahaha Sige na nga.

Yumiko Alice Eve ang tunay na pangalan ni Bestie. May lahi siyang Hapones at Ingles kaya ganan ang pangalan niya. Friends na kami since first year high school. Para talaga siyang Amazona minsan kahit hindi halata sa hitsura niya kasi parang hindi makabasag pinggan yan e kung titignan mo. Pero wag ka sadista yan. Halata naman diba? Pangalawang Chapter pa lang nitong kwentong ito nakailang batok na siya sakin. Siyempre kahit ganoon labs na labs ko pa din yan.

Adrianna Louise Flores naman ang tunay na pangalan ni Louise. Well, madaming may ayaw sa kanya sa school. Mukha kasi siyang maarte, maldita, yung pang mean girls ang dating. Pero ang totoo sobrang down to earth ng babaeng yan. May pag-kaconyo nga lang pero maaasahan. Kind of friend na hindi mo dapat pakawalan. Naging friends kami nung tinulungan niya ko minsan sa isang subject.

Jewel Keet Torres ang cutie cutie kong frienship. May pagka-isip bata minsan pero yun yung charm niya e. Yung smile niya may something na para bang ma-ggv ka kapag nakita mo yung smile niya. May pagka mood maker ang dating niya. 

Calvin Lee at Klein Lee ang pinaka magulo sa barkada. Hindi ko na matandaan kung kelan namin naging tropa 'tong dalawang 'to e. Basta nagising na lang ako na close na pala kami. Siguro kasi sila yung tipo ng tao na sobrang open sa lahat ng bagay, kaya sobrang kumportable din.

May isa pa e. Pero mamaya na lang pag dumating na siya.

"Si Jeremy bat wala?!" Sabi ko, kasi siya lang yung MIA. 

 "Wooooah! Bago 'to. Namiss mo ko no?!" And speaking of the devil.

"Yow pare! Ang tagal mo. Paalis na kami." Sabi ni Klein.

"Pare ka diyan! Ano miss mo ko no? Aminin mo na! Crush mo ko no?! Yiee!" Tumingin muna siya kay Klein tas bumaling siya sakin. Nakangiti pa siya ng nakakaloko at abot hanggang tenga.  Hinanap lang crush agad?! Baliw talaga 'to.

"LOLS! Hindi no!" Sabi ko habang may hinahanap sa bag ko.

Nawala naman ang ngiti niya at akala mo ay nanlumo. Tumayo ako at lumapit sa kanya at inabot ang bagay na kinuha ko sa bag ko kanina. Ngumiti muna ako ng malaki sa kanya at saka siya binati.

"HAPPY BIRTHDAY JEREMY!! Sorry baka hindi ako maka-punta bukas e. Kaya eto na advance na yung gift ko sayo." Nagulat naman siya at bahagyang napaawang ang mga labi niya. Siguro kasi hindi niya ineexpect. Hahaha Ang saya talaga nitong isurprise. Nakabawi din naman siya agad kaya kinuha niya na yung gift saka gumanti ng isang napaka sweet na ngiti.

"Salamat Erin." Saka yumakap sakin.

"Oyoy!! Tsansing pare ah! Foul yan." Sabay higit naman ni Calvin sakin at hinigit din ni Klein si Jeremy para mapag-hiwalay kami.

Ang kulit talaga ng kambal na 'to.

"OMG! I almost forgot na birthday mo na pala tomorrow. You didn't invite us naman kasi. So mean! Anyway, Happy Birthday na din." Sabi ni Louise at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Advance Happy Birthday bebe Jeremy!" Sabi naman ni Jewel. Crush niya si Jeremy! HAHAHAHA Shhhh lang kayo!

"Happy Birthday brad!" Tipid na sabi naman ni Yumi. Saka ito hinampas sa braso. May kasama talagang hampas?! 

"Thanks!" -- Jeremy sabay ngiti.

"O pare hindi mo manlang kami iimbitahin talaga ha?! Parang hindi naman tropa." Makulit na sabi ni Klein.

"Si Erin lang naman talaga ang kaibigan ko. Kaya wag ka ng umasa." May pagkasuplado talaga 'to. Pero awkward lang siguro siya.

"Erin oooh! Ang mean niyang kaibigan mo." Sumbong naman ni Klein sakin. Parang bata. 

Si Jeremy Kim naging classmate ko siyang nung first year hanggang second year. Samakatuwid, ngayong sem ko lang siya hindi naging classmate. Ako lang ang ka-close niya sa tropa pero feeling ko naman gusto niya din yung iba awkward lang talaga siya.

"O sige na guys una na kami ni Erin. Malapit na mag-start ang next class. See you when we see you na lang! Byeee." At nag-wave na nga rin kami ni Yumi sa kanila. At dumeretso na sa next room.

Haaay! Those wierdos! Namiss ko sila. ^_^ 

Ito ang real life ko. Sila ang real friends ko sa real life ko. HAHAHAHAHA Ano daw?!

Dalawang klase kasi ng buhay meron ako 'ito' nga na realidad ko at yung isa yung sa banda ko. Yung buhay na nag-tatago ako.

Si Yumi lang ang may alam na ako si EM ng bandang black jack. Oh well, hindi na naman siguro nila kailangan malaman. Hindi naman kasi mahalaga. :)

*************

Hoohoo! Dahil badtrip ako, nag-UD ako. Ang tagal ko na din pala nasimulan 'to. Hahaha Napansin ko lang dun sa last update date na nakalagay!

Anyway, sana naintindihan niyo 'tong sinulat ko na 'to. Hahahahaha Medyo magulo kasi akong tao.

                 -- elliepotsxx


The Mysterious Band's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon