Chapter 1

97 3 0
                                    

Bagamat 18 na ako, naniniwala pa rin ako sa mga fairytales. Hindi naman dahil nasa akin ang isang sapatos ni Cinderella, hindi dahil sa nakatira ako sa kubo ng Seven Dwarfs, hindi rin dahil isa akong gamit sa kastilyo ni Belle, o kaya ay isa akong sirenang gustong magkaroon ng paa tulad ng the Little Mermaid.

But I still believe in the essence of these fairy tales. I believe one day i might meet my very own prince charming. Naniniwala pa rin akong darating ang aking fairy godmother na magliligtas saakin sa aking evil ''stepmother' at sa mga anak nito.

Marahil iyon ang pinaka dahilan kung bakit naniniwala pa rin ako sa mga fairy tales...dahil tulad ni Cinderella, i have my own evil mom and mean brother and sister. I was five years old when my dad, the only person in our 'family' who showed me warmth, started reading to me a collection of Disney books before i go to sleep.

Isa lamang akong ampon, si tatay Gildo ang kumuha saakin sa bahay ampunan. The moment daw na i looked at him with my deep, round eyes, alam niya nang kailangan niya akong ampunin.

When he brought me into his home, naroon na ang kanyang dalawang anak at ang nanay nito. Nanlaki ang mata ni nanay Esmeralda noong makita ako, at bago pa niya masabing anak ako sa labas ni tatay Gildo, dinala na siya nito sa kusina at doon pinaliwanag kung sino at saan ako nanggaling.

Hindi ko rin alam kung bakit ako kinuha ni tatay despite the fact na dati na siyang hirap na buhayin ang sariling pamilya. At dahil nga dati na silang naghihikahos, pabigat ang tingin saakin ng kinalala kong nanay samantalang kaagaw naman sa pansin ni tatay ang tingin saakin ng dalawa kong magiging kapatid.

My childhood was a nightmare kapag wala si papa. I was deprived of my right to play, at laging inuutusan sa mga gawaing bahay.

"Katulong ka dito, ha! Tandaan mo yan! Hindi ka namin anak, hindi ka pamilya dito, kaya magtatrabaho ka kapalit ng pinapalamon namin sayo!" Ang mga salitang tumatak sa isip ko na sinabi ng asawa ng tatay ko. Tinuruan niya ako ng mga gawain sa bahay tulad ng mag plantsa, mag-igib, magluto, maglinis, name it. At kapag nagkakamali ako, kinukurot ako na lagi nagiiwan ng marka, o kaya pipingutin ang buhok ko sa may tenga, at kapag nasusunog ang polo ni tatay, hindi ako pinapakain. Sa edad kong pito, isa na akong munting muchacha sa lugar na iyon.

The only days na nakakatakas ako sa malupit na trato ay tuwing Biyernes, na time ng pag-uwi ni papa galing sa trabaho. Alas siyete pa lang pinapatulog na ako ni nanay Esme para hindi ko na maabutan si tatay, pero minsan, lumalabas pa rin ako ng kwarto at hinahanap si papa.

Marami ding gabing pumapasok si papa sa aking kwarto at ako'y binabasahan ng mga kwento. Hanggang sa isang gabi, binasa niya saakin ang kwento ni Cinderella.

"Totoo ba si Cinderella tatay?" Tanong ko matapos siyang magbasa. Ngumiti siya saakin.

"Hindi anak eh. Tulad ng mga binabasa ko sayong kwento, kathang isip lang siya." Ang paliwanag niya.

"Ahh...sayang naman. Gusto ko sana tay totoo siya." Ang sabi ko innocently.

"Bakit naman?"

"Wala lang." Ang totoo'y nakakarelate ako dahil sa pagpapahirap saakin ng nanay ko't mga kapatid.

"Alam mo anak, hindi na mahalaga kung totoo si Cinderella o hindi. Ang mahalaga doon, matutunan mo yung esensya. Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, at darating din ang ginhawa na nakalaan para sayo."

Nang mga oras na iyon ay hindi ko pa naiintindihan ang mga sinabi niya. Ngunit sa paglaki ko, iyon na ang pinanghuhugutan ko ng lakas.

"Kung ganon tay darating din ang Prince Charming ko?" I said happily. Tumawa si tatay ng malakas.

Mirror FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon