Nakita ko siya. Isang anghel.
Marahil.
Sa mukhang iyon, marahil ay isa nga siyang anghel. That kind of beauty was just too inhuman, too unearthly.
"Tol...tol...okay ka lang?! Ano pakiramdam mo?"
Kahit ang kanyang boses ay makalangit. Pero...Tagalog din ba ang lengwahe ng mga anghel? Tol din ba ang tawag nila sa mga taong sinusundo nila? Ang weird naman. Which brings me...
"Buhay pa ako?" Tanong ko, habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang mukha. My senses snapped back, at saka ko ginalaw ang aking ulo upang pagmasdan ang paligid. Nasa Pilipinas pa rin ako. At ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang tanging taga-langit.
"Itatanong ko rin sana. Well, seems like you still are." Ang sabi niya and then he gave out a relieved smile. I swear, I melted like a sweet cheese sa ngiting iyon. Pantay ang kanyang mga mapuputing mga ngipin, at bagay na bagay ang kanyang mga ngiti sa kanyang mukha. His eyes were dark - coal dark, and the way it was arched was perfectly manly. Idagdag pa rito ang tamang-tama na rami ng kilay. Para siyang isang model sa isang elite magazine na titig pa lang, maiihi na ang mga babae. His nose, too, were perfectly straight and angular. Everything in his face seems perfect, every small detail is highly defined, at kung hindi lang sana ako si Cody - na walang masyadong pakealam sa mga artista at model - I could have gotten myself a paper and a pen para magpa-autograph. Teka, baka nga artista ito! Hindi kasi ako mahilig manood ng TV kaya marahil hindi ko kilala, pero siguradong model ito o artista. Pero maari rin namang hindi dahil baka nagkagulo na ang ospital kung ganoon. Dinadaan daanan lang kasi kami ng mga nurse, though siyempre, napapalingon ang mga ito sakanya at halatang tulad ko, ay naee-ngkanto rin sa kagwapuhan ng lalaking ito. Pero marahil ngayon lang din nila ito nakita. Ibinaba ko ang tingin and studied his outfit, at halos malaglag ang aking panga sa nakita. Naka black tuxedo siya, yung suot ng mga lalaki sa Men in Black 3, na bagay na bagay talaga sakanya. Hindi rin nakalagpas saaking paningin ang kanyang biceps na parang puputok at halatang nahihigpitan sa kanyang suot. Mapapansin mo rin ang kanyang well-defined chest, walang katataba-tabang beywang, at flat stomach, kung saan maaring nagtatago ang isang set ng complete, six-pack abs. Teka...Ate, ate!!! Pa-picture naman kami oh!
"A-ano pong nangyari?" Tanong ko at saka sinubukang umupo sa pagkakahiga. Nasa isang ospital kami, ngunit alam kong hindi naman malala ang aking sitwasyon dahil wala namang mga IV o mga bandage na nakakabit saakin. Naroon lang ako nakahiga sa sa isang stretcher. Mabilis naman siyang kumilos at inalalayan ako sa pag-upo.
"May kausap kasi ako sa phone habang nagda-drive, and then you made a turn, tapos hindi kita nakita. Mabuti na lang ay nakatalon ka bago pa kita tuluyang mabangga. And I'm really, really sorry about your bike. Though its a relief na yung bike mo lang ang napuru----"
"YUNG BIKE KO?!" I exclaimed, as if mas mabuti pang ako na lang ang nagkadurog-durog kaysa sa bakal na iyon.
My poor bike. Mahal na mahal ko pa naman ang bike na iyon. Napakalaking tulong ang naibibigay nito saakin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive this past year kung hindi ko ito kasa-kasama sa school, sa trabaho, at sa kung saan saan pang importanteng pupuntahan. Napagtatawanan man ako ng mga estudyanteng may magagarang kotse sa UST, hindi ako kailanman nagsisisi o nahihiya na bisikleta lang ang gamit ko. While others take it as a laughing stock, it have been my one of my modes for survival. Bigay iyon saakin ng isang mayamang matanda na hinahatidan ko ng diaryo araw-araw. Matagal na itong hindi nagagamit at sira na rin daw, pero pag pinaayos ko at naayos naman, saakin na. Labis ang saya ko nang maayos pa iyon, at nang dalhin ko pa sa bahay ay nagustuhan pa ni Allen at sinabi kay mama na gusto niya ito. Pero talagang pinaglaban ko na saakin iyon, at nanakit na ang panga ko sa mga sampal na natamo ko, pero pinanindigan ko na saakin iyon. Isa lang kasi iyon sa iilang bagay na talagang akin. At iilan rin sa mga pag-aari ko na hindi ko hinayaang makuha ng iba, namely, Allen at Melissa.
BINABASA MO ANG
Mirror Fragments
General FictionUnder a good-luck moon, Cody Cleton starts to unravel the mystery behind his origin and true identity. What awaits him stirs his life upside down. To the good. Another story of 'from Rags to Riches...'