Prologue

531 20 20
                                    

Mag-isa ako'ng nakatayo sa isang madilim na lugar. Nilibot ko ang aking paningin at siguro ay nasa gitna ako ng isang gubat, pero hindi ko masabi.

Sobrang lakas ng tambol ng dibdib ko na para bang ilang sandali mula ngayon ay sasabog na ito sa sobrang lakas.

Napalingon ako ng may narinig ako'ng kaluskos sa kung saan. Naiiyak na ako pero mas pinili ko ang tumako ng mabilis para isalba ang sarili ko lalo na't palakas ng palakas ang ingay sa di mawaring direksyon.
Tumakbo ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Tumatakbo parin ako hanggang sa mapatigil ako dahil sa aking nakita... ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay may isang napakalaking puno.
Napakaganda nito dahil ito ay napapalibutan ng napakaraming alitaptap na siyang nagbibigay ng sobrang liwanag sa gitna ng napakadilim na gubat.

"It looks so magical. So enchanting"  wala sa sariling nasabi ko.

May maliit na boses sa isip ko ang nagsasabing kailangan ko ng umalis doon pero may mas malakas na pwersa ang nag-uudyok sa akin para maglakad palapit sa kakaibang puno.

Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko.
At habang palapit ng palapit ay mas lalo'ng lumakas ang hindi makitang pwersang tumutulak sakin patungo sa puno.

Ilang hakbang nalang sana at makakarating na ako sa mismong kinatatayuan ng puno ng mayroon ako'ng mapansing kakaiba.
Nanlaki ang aking mga mata at biglaang tumalikod para makatakbo pero bigla nang bumukas ang gintong pintuan na siyang nakita ko kanina.

"Tuloooooong."

Napasigaw ako ng malakas at humingi ng saklolo kahit alam ko'ng walang silbi iyon. Hinihigop na ako ng malakas na hangin para makapasok ako sa lagusan. Kahit nahihirapan ay pinilit ko paring nilabanan ang malakas na pwersa. Nabuwal ako at natumba sa lupa pero laking pasasalamat ko ng mayakap ko ang isa sa mga malalaking ugat ng puno.

Pero laking takot ko ng maging ang mga ugat ay gumalaw at mistulang naging mga kamay at ang ugat na yakap-yakap ko mismo ang siyang gumapos sakin at nagpasok sakin sa gintong pintuan.

"Tulooooooong!!! Tulongan ninyo ako!" huling sigaw ko hanggang sa naramdaman ko na ang sariling nahuhulog sa kawalan.

Sana pala di na ako nagpadala sa ganda ng punong ito. Sana pala ay hindi na ako huminto sa pagtakbo.

Ayokong mamatay.
Hindi pa ako handang mamatay.

"Tulooooooong!"

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon