* You have a text message *
Napabalikwas ako nung narinig kong tumunog yung cellphone ko. Aba! Hinihintay ko talaga yung tawag ni Dj. Eh kasi naman miss ko na sya. Kahit kakakita palang namin.
Fr: Myloves <3
Hello Bebe Kath. Sorry kung mgayon lang ako nakapagtext. Hehehe, kita naman tayo sa park oh. Please *_* Ilysm po. :*
Agad naman akong nagreply. Mahal na mahal nya talaga ako, and mahal na mahal ko din sya.
To: Myloves <3
Sge Myloves ko. Ilysm din po :* Papunta na ako.
Agad akong nagbihis. Date na naman ba 'to? Hahaha, pero okay lang. Exited akong naglalakad papunta sa madalas naming pinupuntahang park. Nakita ko agad sya sa favorite spot namin. Naka-upo at hinihintay ako.
Dahan-dahan akong naglalakad, patip-toe ika nga. At agad tinakpan ang mga mata nya. Alam kong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi nya.
"Amoy mo palang, alam ko na." binitawan ko na ang pagkakatakip ko sa mga mata nya. Umupo ako sa tabi nya at agad ko syang niyakap.
"Namiss kita myloves." Sabi ko at paulit-ulit syang hinalikan sa pisngi.
"Namiss din kita Bebe Kath ko" sabi nya at inakbayan ako.
"Myloves ko, bili tayo ice-cream" sabi ko sakanya. Tinignan nya naman ako ng matagal. Parang may gusto syang sabihin.
Tinitigan nya pa ako "Huy. Tara na?" Sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya at bigla akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit.
"May problema ka ba?" tanong ko dahil naramdaman kong may pasan pasan sya. Ramdam kong parang pasan nya ang buong daigdig. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.
"Mahal kita Bebe Kath. Mahal na mahal" sabi nya "Alam ko naman yon e. Wag ka nga! Mahal din kita. Nubayan? May problema ka ba?" Tanong ko. Di parin sya bumibitaw sa yakap.
"Mahal kita. Mahal kita" paulit ulit nyang binubulong yan.
"Mahal din kita" sabi ko naman. Bumitaw na sya sa yakap. Nakita kong naiiyak sya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Kung may problema ka, nandito lang ako. Di kita iiwan. Wag mo din akong iiwan a." Tumulo ang luha nya.
"Mahal kita Bebe Kath" sabi nya "May sasabihin ako sayo. Mahalagang mahalaga" sabi nya. Napakunot-noon naman ako.
"Ano yun?" tanong ko " Wag muna tayong mag-usap ng isang araw. Sasanayin lang kita, kung kaya mo nga. Kung m-mahal m-mo nga a-ako" nauutal nyang sabi. "Ha? Bat naman? Mahal kita, uy! Di na kailangan yon. Di ko kaya yon no. Kahit na isang oras lang, 'di ko kaya"sabi ko sakanya. Naiiyak na naman sya sa sinabi ko
"Basta. Kayanin mo! Sge na? Oh! Please bebe ko. Please. Isang araw lang kung mahal mo talaga ako. Tapos non, pag tapos ng isang-araw... T-tayo na u-ulit"nauutal nyang sabi. Di ko na sya kinulit pa
Madami kaming ginawa. Kumain, naghabulan. Basta madami! Napagpasyahan na naming umuwi.
At dahil hiniling nyang wag muna ako makipag kita sakanya ng isang araw. Tinupad ko. Kahit na miss na miss ko na sya. Kinaya ko! Ayaw ko syang biguin.
*** After 1 day ***
Maaga akong gumising para puntahan si Dj. Miss na miss ko na sya e. Babalitaan ko syang nakaya ko.
Malapit na ako sa bahay nila ay nakaramdam ako ng kaba. Di ko alam kung bakit. Nung malapit na talaga ako, madaming tao. Ng nasa tapat na ako ng gate nila. Kusang pumatak ang luha ko.
Nakita kong may tarpaulin ng punzalan sa gate nila. At don nakalagay ang pangalan at picture ni Dj. Nakaburol sya, kaya madaming tao. Lahat ng tao nakatingin sakin.
Halatang naaawa. Wala akong paki sa tingin nila saken ngayon! Iyak ako ng iyak sa pwesto ko. Di ako makagalaw. Nanghihina ako. So all this time alam nyang may taning na ang buhay nya. Lahat sila, alam nila.
Lumapit sakin si Tita Carla. Agad nya akong niyakap. Iyak ako ng iyak. May inabot syang sulat sakin.
To: Bebe Kath <3
Fr: Your Myloves <3Dear Bebe Kath,
Hello Bebe. Alam kong pag nakita mo 'tong sulat na 'to ay wala na ako. Congrats nga pala sayo ah. Nakayanan mo yung 1 day. Hahahaha. Masaya ako at nakayanan mo yon. At sana makayanan mo yun sa araw-araw na wala ako. Sana makayanan mo na wala na ako. Sinanay lang kita. Sanayin mo yung sarili mong wala na ako. Kayanin mo ah. Mahal kita Bebe Kath ko. Mahal na mahal. Wag mo akong kalimutan ah.Ps: Ily to infinity and beyond
Ily to the moon and backDaniel
Truly Yours,-----------------------------------------------------------------------