She's My Life

4.1K 27 5
                                    

"Daniel, 'di mo ba dadalawin si Kath ngayon?" tanong ni Mommy sakin

"Ma naman! Ako pa ba ang hindi dadalaw sakanya? Dadalawin ko po sya." At ngumiti ako kay Mommy. Isang pekeng ngiti.

"Ganun ba? Tatagan mo ang loob mo. Gagaling sya. Gigising sya. Tandaan mo yan. At kapag gumising na sya, pakasalan mo na!" Sabi ni Mommy kaya napagaan nya yung loob ko.

Nanghihina na kasi yung loob ko e. Pinanghihinaan na ako ng loob. Nawawalan na ako ng pag-asa na baka 'di na sya gumaling. Na baka iiwan nya ako sa huli. Na baka isang araw paggising ko wala na sya. Na sumuko na pala sya. Baka kasi tuluyan na syang matulog, baka iwan nya ako. Natatakot ako, ayaw kong mangyari yon. 'Di ko kaya.

Pero maraming tao ang nagpapalakas ng loob ko. Sana nga gumising ka na Kath ko...

"Opo Ma! Tatatagan ko po yung loob ko! Para sainyo po, para kay Kath." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit. Parang 'di ko na kaya. Kaya nagbreak down na ako sa balikat ni Mommy.

3 years na syang coma. Mahirap paniwalaan pero totoo. 3 years ko na syang 'di nakakausap. 3 years ko ng 'di naririnig ang maganda nyang tinig. 3 years ko ng 'di naririnig ang mga tawa niyay 3 years ko ng di nakikitang kumislap ang mga mata nya. 3 years na akong parang walang buhay. 3 years na naghihintay. 3 years...


Minsan napapaisip ako, sa dinami-dami ng tao bakit sya pa? Bakit ang mahal ko pa? Minsan napanghihinaan ako ng loob. Na baka 'di na sya gumising kaya ipatanggal na yung mga oxygen o kahit ano pang bumubuhay sakanya. Pero 'di ko ginawa yon. Maghihintay ako...

Kahit na pumuti pa yung buhok ko sa kakahintay, hihintayin ko pa rin syang gumising. Tapos papakasalin ko sya. Maghihintay ako, kase mahal na mahal ko sya.

"Kaya mo yan, anak. Gigising sya para sayo." Sabi ni Mommy. Kumalas na ako sa yakap "Una na ako Ma." Sabi ko at lumabas na ng bahay.


Naaksidente sya 3 years ago...

*** 3 years ago ***

"Dj, Dj, Dj! Kausapin mo naman ako oh! Dj naman e!" Hinahabol ako ni Kath ngayon. Nakakainis sya! Magsama sila ng Dominic nya! Hmmp!

"Dj! Huy! Hintayin mo naman ako. Dj naman! Plea---- DANIEL!!!!! AHHHHH!!!!" Nabigla ako ng natulak ako sa kabilang daan.

*screeeeeeeeeeeech!!!!*

*beeeeeeeeeeeeeeep!!!*

Napalingon ako sa babaeng mahal ko. Duguan. Agad namin non sya dinala sa Hospital. Kasalanan ko ang lahat. Niligtas nya ako, kung hindi nya ako niligtas ako dapat yung nasagasaan. Kung hindi ko pinairal yung selos ko, di sya masasagasaan.

"Asan si Kath?" natatarantang tanong ni Dominic. Wala akong lakas para pagsigawan pa sya kung bakit ba sya patuloy lumalapit sa girlfriend ko. Nanghihina ako. Umiiyak na din ang parents ni Kath. Kasalanan ko...

"Ng dahil sa selos mo nasagasaan sya!" Sigaw ni Dominic sakin at tsaka nya ako sinuntok. Napaupo ako sa sahig. Wala akong karapatan na lumaban. Dahil alam nating lahat na totoo yung sinabi nya. "Nagpatulong sya saken! Susupresahin ka nya sa birthday mo! Tapos ikaw tong nagseselos??! Ugh!!!" sigaw nya sakin.

Para namang gumuho ang mundo ko ng marinig iyon. Masakit. Masakit.

** End of Flashback **

'Di ko namalayang umiiyak na ako sa pag-aalala ng lahat-lahat. Nakaka-inis. Kung maibabalik ko lang yung araw na yon. Nabago ng araw na yon ang buhay ko, 3 years. 3years yon e!



Nang makarating na ako sa Hospital. Dumiretso ako sa Room ni Kath.

-- Room 026 --
( Kathryn Bernardo)

Pumasok ako sa Room nya. Nasilayan ko naman agad ang napaka-amo nyang mukha. Dahan dahan akong umupo sa tabi nya without touching the oxygen. Kase baka matanggal ko at baka tuluyan na syang mawala saken. Yun ang sabi ng mga doctor. Kahit na isang segundo lang na wala syang hangin, pwede syang mamatay. I can't believe na may ganon. Siguro dahil talaga mahina na si Kath. 3 years kasi e. Pero sabi ng mga doctor, lumalaban sya.




"Hello Kath ko..." Pagsisimula ko " Nandito na naman ako oh! Kath ko, gumising kana oh! Miss kana namin e. Miss kana ni Tita at ni Tito. Miss na din kita. Your smile, your laugh, youre voice. Everything! Miss na kita, sobra! 3 years ko ng namimiss lahat ng lahat sayo. Ikaw ang buhay ko Kath, kaya para akong patay sa 3years na yun. Walang buhay. 'Di ako maka-usap. Miss na kita Kath. Tama na yung 3 years na pagpapahinga. Sorry sa nagawa ko." Napatigil ako sandali dahil sa pagpatak ng luha ko.




"Sorry kung 'di kita pinaniwalaan, o pinakinggan. Sorry kung dahil sakin umiiyak yung mga mahal mo sa buhay. Sorry kase naghihirap ka ngayon ng dahil saken. Sorry Kath ko. Gumising kana dyan oh. Pagkakatiwalaan na talaga kita. Di na ako magseselos. Sobra lang kitang mahal kaya ayaw kong may kasama kang ibang lalaki. Ayaw kong mawala ka sakin. Natatakot ako Kath. Natatakot ako. Gusto ko sakin ka lang. 3 years kitang hinihintay Kath ko. At patuloy pa rin akong maghihintay." at napaiyak na nga ako.




*ringgggggg*

Tita Min is calling


Agad ko namang sinagot ang tawag ni Tita.


Tita Min (OTP)

Ako: Hello po?

Tita Min: Hello Dj. Nasan ka ngayon?

Ako: Nandito po kay Kath.

Tita Min: Ganon ba? Maaari ka bang pumunta muna dito sa bahay namin. Kunin mo lang yung mga damit ni Kath. Di kasi ako makakapunta ngayon dyan e.

Ako: Sige po Tita Min. Bye.

Tita Min: Bye.




At in-end call ko na. Tinignan ko naman si Kath. Dahan dahan akong lumapit sakanya. At dahang dahang inilapat ang labi ko sa namumutla nyang labi.




"I love you so much Kath" bulong ko at lumabas na ng room nya. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor.




Mag-isa lang ako sa loob ng elevator. Ng biglang naramdaman kong tumigil ang elevator. Namatay ang ilaw.







Bigla nalang pumatak ang luha ko. Wala na sya. Wala na ang babaeng mahal ko. Wala na si Kath.





Dahil 'kuryente' nalang ang bumubuhay sakanya.

Ps: Yes the hospital has a generator. Pero just a second pwedeng mamatay si kath. Di pa nila nakakabit yung generator ay patay na sya. :(

--- The End ---



------------------------------------------------------------------


Another sad story.

One Shot Stories (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon