Nililigawan ni Daniel si Kath. Isang bulag na babae. Pero kahit ganon, ay mahal nya parin si Kath. Naniniwala si Daniel na hindi hadlang ang kapansanan.
Hindi rin nagtagal ay sinagot na ni Kath si Daniel. Masaya sila dahil alam nilang mahal nila ang isa't-isa. Isang araw..
"Hmm Kath." pagtawag ni Dj sa atensyon ng kasintahan.
"Hmm?"
"Kapag nakakita ka na, ano ang gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Daniel.
"Syempre papakasalan kita." masayang sabi ni Kath
After a month may nagdonate ng mata kay Kath. Pinaopera sya at nakakita.
Nakita nyang bulag din si Daniel.
"Sorry ayaw ko sa katulad mo. Mahihirapan lang ako." malungkot na sabi ni Kath.
Napaluha si Daniel sa narinig.
"Naiintidihan ko. Sana maging masaya ka. Sana makahanap ka ng taong magmamahal sayo higit pa sa kaya ko. Sana rin...alagaan mo yung mga mata ko. Mahal na mahal kita Kath." at naglakad na palayo si Daniel
Ps: Hindi naman ang panlabas na anyo ang kailangan mo. Kundi ang kanyang kalooban.
