"Masakit po ba, maam?" tanong ng lalaking nurse habang ginagamot ang mga sugat na natamo ko nung nahulog ako sa mga bildo.
"H-Hindi naman masyado.." I smiled habang nakatitig lang doon sa bandage na nilalagay niya.
"Ano po palang nangyari, maam?" tanong ulit nung nurse. Napaangat ako ng tingin sakanya at nakita ko ang malawak niyang ngisi habang nakatingin sakin. Kanina ko pa napapansin na ang dami niyang tanong. Ganito ba talaga ang mga nurse? Chismoso?
Ngumiti nalang ako bago sumagot, "Aksidenteng nadulas kase ako tapos hindi ko namalayan na may basag pala na b-baso sa sahig." I bit my lip.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaba ang tingin nung nurse sa labi ko. Nakita kong napalunok siya. Tinitigan ko lang siya habang nakakunot ang noo.
Ang gwapo ng nurse na ito, bulong ko sa sarili. Mahina naman akong napatawa dahil sa iniisip. Napasinghap yung nurse at agad na tumingin sa mga mata ko.
"S-Sorry po, maam." hingi niya ng paumanhin atsaka muling ginamot ang mga sugat ko.
"Okay lang," tawa ko habang napailing. Pulang-pula kase ang pisngi at tenga niya. Ang puti niya pa naman kaya klarong-klaro ko.
"Anong pangalan mo?" wala sa sariling tanong ko. Nag-angat ng tingin yung nurse at nagtatakang tumingin sakin.
Oo nga naman, Anastasia. Why the hell would you ask that question?! Hell.
"I-I...sorry," I bit my lip. Ang tanga-tanga ko! Ano kayang iniisip saakin nitong nurse na to? Ah shit!
"Angelo po, maam." Sagot niya habang nakangiti. Bigla din akong napangiti.
"Ako nga pala si--"
"Anastasia," isang malamig na boses ang pumutol sa sasabihin ko. Agad akong napalingon sa gilid ko at nakita ang seryosong mukha ni Christian. Napatiim ang bagang niya. Hindi siya nakatingin sa mukha ko kundi sa braso kong hawak nung nurse.
Napasinghap ako.
"C-Christian...kanina ka pa jan?" kinakabahang tanong ko. Kinagat ko ang labi ko at di makatingin sakanya ng diretso.
"Yes, but you were too busy that you didn't notice me standing here." malamig na sagot niya. Napalunok ako.
"T-Tapos na po, maam." Nalipat ang atensyon ko nang magsalita si Angelo. Tumango lang ako at ngumiti sakanya.
"Fuck," rinig kong bulong ni Christian. Nilingon ko siya at nakita ko kung pano niya kinuyom ng kaniyang kamao habang nakatitig kay Angelo.
Inabot ko ang kamay niya at pilit na pinakalma ito. "Christian, alis na tayo?"
Tinapunan niya ako ng malamig na tingin atsaka naunang maglakad sa akin. Dali-dali akong tumayo para habulin siya. Nakalabas na ako ng emergency room nang mamataan ko siyang may kinakausap na lalakeng nakaputi. Para siyang doctor pero mukhang may mataas ang pwesto. Siguro may-ari?
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Lumapit ako ng konti para marinig kung anong pinag uusapan nila.
"I want him out," Matigas na Ingles ang gamit ni Christian. Kumunot ang noo ko.
"Mr. Grey, I can't just do that with my employees. I saw that he just did his job. He didn't do anything wro-"
"He touched what's mine. And that's the biggest mistake he ever did his entire life," Maanghang niyang saad. "If I see that guy with that white uniform of yours...you and your family would mourn for the youngest member in your family. And this hospital? It will be down...and turn into ashes before the sun rises."
BINABASA MO ANG
Obsession Series I: His Obsession
Mystery / Thriller"You're so beautiful. I want to make you mine. You will be mine..." -Christian Lee Grey