Chapter 3

7 0 0
                                    

Lyon on the screen

Erza

hay nakakapagod naman 'tong buong maghapon. Pagkatapos ng breaktime namin kanina ay hindi na ako ginulo ng Luke na 'yun.

"Erz, una na ako nandyan na yung sundo ko eh" tinuro niya yung kotse na mazda.

" 'kay bye trish"

"Erz, sabay na tayo"

"Lyon kasama mo ba si Lorenz?"

"No may importante lang siyang pinuntahan"

"ah..okay"

"bakit miss mo na siya?" tumingin naman ako kay Lyon ng masama pero nung pagkatingin ko hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakasimangot siya tapos ngumiti din agad.

"sira ayoko dun saka mas gusto kita kaysa kay Lorenz 'no" napatigil siya sa paglalakad.

"ha may gusto ka saakin?!"

"sira ka talaga what I mean is gusto ko 'yung ugali mo yung pagiging mabait mo"

"ah ganun ba akala ko pa naman totoo...tsss"

"ha may sinasaboi ka ba?"

"wala"

"anong wala bumubulong ka kaya diyan"

"wala nga ang sabi ko lang suotin mo na 'tong helmet" tapos sinuot na niya sa akin yung helmet then sumakay na siya sa motor kaya sumakay na rin ako at humawak sa waist niya. Ang bait talaga ng bestfriend ko.

                                                                               ******

"nakakainis!" ahh! WTF di pa rin ako makatulog sa kakaisip kay Luke. Biruin mo yun maghapon lang kaming nag-away at nagsigawan pa'no pa kaya kapag araw-araw kaming magkita. Plus nakakairita yung kumakanta sa videoke nabababoy ung kanta!

vibrate

"hello" nakakatamad kaya di ko tinignan kung sino ung tumatawag.

"hi ate erz"

"Napatawag ka Celine, how are you, how states?"

"it so awesome ate sumunod ka na kasi dito sa amin ni Dad, hes worrying about you"

"hayss...sabi ko naman sa inyo okay lang ako dito"

"alam ko naman na ayan ang sasabihin mo eh...pero paano pagnakita mo si mom at saka ung ex mong nanloko sa'yo and mag-isa ka lang diyan sa bahay"

"hindi mangyayari 'yun dahil if ever we met they'll pay for what they do to me" hindi ko muna sasabihin kay celine na nagkita na kami ni luke baka lalo pang mag pumilit na sumunod na ako sa kanila kung mag-isip pa naman 'to parang siya ang ate ang matured ng pag-iisip. Overprotective siya sa akin na ate niya..hayss!

"hay...ano pa ba ang magagawa ko..okay sige na ingat na lang bye"

"bye"

Habang nagcoconcentrate ako matulog na-iisip ko lahat ng mga pinag-gagawa namin ni lyon and yung mukha niya pag nakangiti.

what would I do without your smile in my mind

Bigla na lang tumugtog sa videoke 'yung All of me! ahh! Makatulog na nga ang gulo-gulo na ng feelings ko ang dami kong problema dapat pala ipangalan na lang natin dito ay My Love with L. Ang OA ko na, pinapangalanan ko pa pati problema ko!

Lyon

It's 12:00 P.M but still I can't sleep, ang dami kasing kumukontra sa mga gagawin ko eh. Highschool pa lang gusto ko ng ligawan si Erza, oo gusto ko siya simula ng una pa lang kaming nagkakilala pero naunahan ako ng kuya ko sa pangliligaw sa kanya kaya nagalit talaga ako nun pero kapatid ko yun kaya hinayaan ko na lang siya kaya nga nung ilang beses na siyang binusted ni Erza natuwa ako at the same time nagwo-worry dahil baka bustedin niya rin ako.

"kailan mo ba ako mapapansin?" yan lagi ang nasa-isip ko habang tinitignan ang picture niya at inikot patalikod nakasulat doon yung mga katangian niyang gusto ko sa kanya:

1. Humble; kahit sikat at maganda siya hindi siya katulad ng iba na porket famous itutuloy lang nila kung ano yung mga ginagawa nila para famous pa rin siya.

2. Mahilig sa sports; hindi siya katulad ng ibang babae na maarte pagdating sa sports na ayaw magpapawis o kaya ay gusto lang magpaganda. Si Erza kahit anong sports kahit basketball, volleyball nilalaro niya kahit hindi pa niya na ta-try.

3. Masipag; masipag siya mag-aral pero simula nung nagbreak sila ng Luke na yun medyo naging tamad na siya pero hindi pa rin niya pinapabayaan ang studies niya.

4. She has so many dreams; napakadami niyang pangarap at madami rin siyang gustong subukan like nung nagroller blade kami gusto na niya agad matuto para daw makapaglaro kami ng hockey at mga tricks at gusto niya daw makapasok sa Olympics.

5. She likes children; magaling siya mag-alaga ng mga bata lalo na nung highschool kami ang daming mga bata na lumalapit sa kanya at nakikipaglaro.

Pero kanina nagulat talaga ako dahil same school pa sila ni luke at na-iinis talaga ako dahil bumaba na naman ang self-confidence ko, natatakot ako na baka matalo niya lang ako. Hayyy!! basta hindi ako susuko.

Never Deny It(The Perfect Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon