Lyon
Ang galing talaga ng tinuturuan ko ang bilis matuto, hindi ko sure kung magaling lang talaga akong magturo o sadyang mabilis lang masanay 'tong magandang babae na tinuturuan ko at siyempre pogi ang nagtuturo.
Sana nga pwede ko ring turuan ang puso niya na mahalin ako kaso dun ako mahihirapan at doon naman siya mahihirapang matuto. Hayss love napakahirap i-explain!
"Ok 'wag masyadong mabilis ha baka mahulog ka lang sa kung saan"
"Aye Sir," she smiled and I froze. That smile really mean to me and I don't want that smile to dissapear.
Nag-start na ulit siyang paandarin ang skateboard. She was concentrated and careful.
"Erz tumingin ka sa dadaanan mo 'wag sa paa mo"
"Hayaan mo na beginner pa lang naman ako eh"
Gusto ko sanang sabihin na ang hilig niya yumuko kaya hindi niya makita na may lalaking naghihintay lang sa kanya at handa siyang saluhin kapag nahulog siya. Ngekk alam ko OA ako pero ganon talaga.
Papalapit na kami sa papaliko ng biglang...
Bugsh
Hindi nakita ni Erza na masyadong sira yung daanan kaya naman muntikan na siya mahulog. Yeah hindi siya nahulog dahil nasalo siya ni Luke at ang nasalo ko naman ay si Ginny dahil muntikan na din siyang matumba dahil sa binitawan siya ni Luke para masalo si Erza.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Ginny.
"Y-yes I'm okay" nakasimangot niyang sagot. Bakit kaya? Siya na nga itong niligtas. Pero pagkatingin ko sa direction nila Erza napasimangot din ako dahil nakahawak si Luke sa waist ni Erza habang nakahawak naman si Erza sa mga braso ni Luke.
* * * * *
Erza
Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ang tagal parang maraming inaalala at gustong sabihin. Parang ito yung dati kong nararamdaman kapag magkalapit kami.
"Nahulog ka na nanaman and I just catch again pretty"
I was back to my normal self when I heard him say that and I pushed him. Hindi ko dapat inaalala ang feelings na itinapon ko na!
"Asa ka pa!"
"Ehem!" Si Ginny pala.
Napatingin kami ni Luke 'kila Lyon at Ginny, kung kanina kami lang ni Luke ang nagtitinginan ngayon ay kaming apat na. Ewan ko ba pero I feel ang daming tensyon sa paligid ko.
"Hello guys can I join to your lovely game?", Napatingin kaming apat sa kadadating lang na si Tricia.
"What are you talking about? We're not playing" taka at nakasimangot na sagot ni Ginny.
"Oh sorry... akala ko kasi naglalaro kayo ng love and seek"
Gaga talaga 'tong babae na to kanina lang grabe ang pag-iisip ko ng pagti-thank you sa kanya dahil she break the awkwardness pero ngayon gusto ko ng ihampas sa kanya ang skateboard na hawak ko, kung ano-ano pa kasing pinagsasabi at imbes na makatulong lalo pang naging awkward.
"Love and seek? Are you nuts trish?" Tanong ko sa kanya.
"Oh I see mali ang pagkakasabi ko ng title, so let me see... it's called hide and seek love?"
Ano daw?!
"Ah trish sabog ka na yata eh," pigil kong tawa at hinila na siya. "Lyon tara na".
"Okay"
Nangnaglalakad na kami papuntang court saka naman nagngitngit si Tricia.
"Hoy anong sabog yung pinagsasabi mo ah!," nakasimangot niyang tanong.
"Eh paano naman kasi napakadaldal mo kung ano-ano pa pinasasabi mo di ko naman gets"
"Ang slow mo lang kasi eh!"
"Anong slow ka diyan, mabilis ko nga ma-gets yung lessons natin eh unlike sa'yo" I said while grinning.
"Hayss! Bakit ba kasi ang slow mo pagdating sa love?! E sa pagkakaalam ko nagka-boyfriend ka na naman ah... eh talo ka pa yata ng mga walang bf eh. Hindi sila manhid"
"Anong connect?" Pag-iiba ko ng usapan at tumingin ako kay Lyon.
"What?"
"Di naman ako slow di ba?"
"Hindi..." waahhh kampi ko talaga siya lagi. "Kasi sobrang slow at manhid mo lang naman," naka-grin niya pang sabi at tawa naman ng tawa si tricia. Tinarayan ko na lang silang dalawa at na-una ng maglakad.
"Uy wait for us lang naman teh!"
"Ewan ko sa inyo beastmode na ako" sigaw ko sa kanila at narinig ko pang nagtawanan lang sila.
"'Wag kang mangalit. Nangangalit ka na eh" sigaw pa ni Tricia at natawa na naman silang dalawa dahil sa word na 'ngalit'
"Argghh! I hate you both!"
"Hindi na gagana 'yang tampo-effect mo 'teh! New generation na tayo at laos na 'yan!"
Nakakainis! Bahala sila kung ayaw nila akong sundan ok lang! Hindi ako dumeretso sa court dahil naisipan kong magikot-ikot muna lagi ko itong ginagawa kapag naiinis ako. Parang nagpapalipas lang ng sama ng loob. You know, nature can make you relax.
BINABASA MO ANG
Never Deny It(The Perfect Two)
Hayran KurguAfter so many guys na kanyang binusted, hindi pa rin sumusuko si Lorenz Garcia. Kaya grabe ang pagkainis sa kanya ni Erza Chase, hindi niya lang mataboy ito dahil nga kapatid siya ng bestfriend niyang si Lyon Garcia. At hindi niya akalaing sa huling...