Luke
Bad trip talaga 'tong araw na 'to! Ang dami kong nakita na hindi dapat at ayaw kong makita, nakakainis! Nandito pa rin ako sa bahay ni Ginny at iniisip ko ang tunay kong nararamdaman. ATM nung nakita ko kanina si Erza sa motor ni Lyon na nakahawak sa waist niya kahit hindi naman yun ang first time na nakita ko silang ganun. I really feel so angry. At akala ko kanina lalapitan niya ako para tanungin kung okay lang ba ako o kung masakit ba yung sugat ko at gagamutin niya yun pero ang tanga ko naman para isipin yun dahil hindi ko na nga pala siya girlfriend, pati rin yung naglambingan sila ng Lyon na yun sa harap ko. Hindi ba nila naisip na nandun ako?
Baliw ka ba ex mo siya at wala kang magagawa kung maging boyfriend niya yun. Ang tanga mo lang kasi pinakawalan mo pa siya.
Dati ang sarap sa feeling na sabihin sa ibang tao na girlfriend ko siya at ang sarap din pakinggan na sabihan ng ibang tao na 'you two are cute couples' pero dati lang yun, kaya kanina gusto ko ng higitin si Erza kay Lyon at sabihing 'wag mo nga hawakan ang girlfriend ko' pero mas lalo akong naiinis nung sabihin nung makulit na Ginny na yun na 'you two are cute couples' dapat kami lang yun eh. Hindi dapat sila!
Pero pinakawalan mo na siya eh. Ang bobo mo kasi!
Argghh! Hindi ko talaga maisip ang tamang feelings ko!
Hindi naman kasi dapat iniisip 'yan, dinarama mo ng to-do dapat yan para malaman mo ang totoo.
Nakakainis na 'tong umeekstra sa iniisip ko ah! Kaya pumunta muna ako sa terrace para magpahangin pero may narinig akong mga boses na nagtatawanan at alam ko ang magandang tawa na iyon and I admit I miss it so much. So I stay there and listen to them.
Kung kanina sinisisi ko yung sarili ko kung bakit pumunta pa ako dito 'kila Ginny, ngayon hindi na dahil narinig ko na ulit ang pinakapaborito kong tawa sa lahat and yeah I know I act like a gay and corny in my words but I don't care.
'Buti magkatabi lang ang terrace nila Ginny at Lyon.
"Haha ano ka ba naman Lyon, oo tama ka paborito ko yung Fairy Tail pero- haha! Hindi yung mga pambata talaga...Fairy Tail yung spell ng tail niya ay T-A-I-L at hindi T-A-L-E! Haha!"
"Ganun ba sayang naman 'tong regalo ko sayo"
Natawa na lang din ako dahil naalala ko dati akala ko yung sinasabi niya na fairytail na movie ay yung mga cartoons na pambata then inaasar ko siya na high school na siya tapos isip-bata pa rin siya pero napahiya naman niya ako sa huli dahil animè pala 'yun at nung pinanood niya sakin nagandahan naman ako at nagustuhan ko na rin.
Naalala ko pa nun na lagi kong inaasar yung paborito niyang si Erza Scarlet na hindi sila magkakatuluyan ni Jellal Fernandez pero lagi niyang pinaglalaban 'yun at ang cute niya magtampu-tampuhan. Sabi pa nga niya na coincidence daw kasi ang magcouples doon ay si Erza Scarlet at Jellal Fernandez. At para daw kami 'yun dahil kapangalan niya pa at kaapelyido ko naman. Oo ang corny pero pagnai-isip ko yun napapa-awesome ako.
"Haha...sige stop na ako patingin na lang niyang regalo mo saakin"
"Ayoko nga, I change my mind hindi ko na 'to ibibigay sayo"
"Nakakainis naman oh! Patingin sayang din naman eh"
"Sabihin mo muna 'please' at magpacute ka then I'll give it to you"
Loko talaga 'tong lalaki na 'to ah! Saakin lang kaya siya pwedeng mag ganyan! Pero alam ko naman di gagawin ni Erza 'yun noh..bwahaha! Manigas ka Lyon Gracia! I mean Garcia!
"Ok sige na nga...please"
Sumilip pa ako ng konti at nakita kong nagpa-cute na siya. Nakakainis na talaga ah! Akala ko pa naman di niya gagawin 'yun!
Tapos bigla niya namang kinuha kay Lyon yung box. Pano ba naman kasi nakatulala na...hayss! Kaya ayokong gawin niya yun sa iba dahil pagsakin pa nga lang gusto ko na siyang halikan lalo na pagnag-pout siya.
Pagkabukaa niya ng box nagulat siya, actually kaming dalawa dahil 'yun yung pinakamemories namin eh!
"See I bought that Mickey Mouse and Minnie Mouse because they're cute and I thought na ayan yung favorite mo kasi madami ka niyan sa bahay mo," Nagulat at napatingin naman si Erza kay Lyon at hindi pa rin nagsasalita.
So hindi pa rin niya tinatapon yung mga collections na ibinigay ko sa kanya? Napangiti na lang ako bigla 'nung maalala ko yung tawagan namin na 'Mickey at Minnie' .
"I think you don't like it"
"No, actually may naalala lang ako pero wala lang yun.... thanks dito Lyon ha ang cute niya," at talaga namang may yakap pa!
"Luke what are you doing in there?"
"What the- Ginny naman eh! 'Wag ka nga manggulat diyan!"
"Eh ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Tanong niya habang nilalapag ang dala niyang tray ng cookies at juice.
"Ah...wala...wala naman"
"Hmmm.. ok so bakit ka nga pala pumunta dito? I mean I'm so shock kasi na bigla ka na lang pumunta dito. Kasi diba ako lagi ang unang nag-iinvite sayo bago ka pumunta dito sa amin..."
"Bakit ayaw mo ba?" Sagot ko habang kumakain ng cookie.
"Hindi naman... sa totoo nga niyan mas gusto ko ng sinusurprise ako eh"
"Gusto mo bang mag-skateboard or magbasketball sa park?"
"Gusto ko na hindi... I mean sige pupunta tayo pero ayokong maglaro ng mga ganyang pang boys game at nakakapawis pa"
Tsk! Ang arte naman nitong babae na'to pasalamat pa nga siya dahil minsan ko lang siya yayain tapos tatanggihan niya pa!
"Ok sumunod ka na lang" sabi ko sa kanya.
"Wait Luke, turuan mo na lang akong mag-bike"
"Ok basta 'wag ka maarte diyan! Pag ikaw nagreklamo hahayaan kitang mahulog dyan!"
"Tss.. ok lang sanay na naman ako eh. Lagi akong nafa-fall sayo pero di mo naman ako sinasalo. Hmp! Ungentleman mo kasi!"
"Ano magsasalita ka na lang ba dyan o iiwan kita" matalim kong titig sa kanya.
"Eto na nga eh..kukunin ko lang yung bike ko!"
Papunta na kaming court, actually ang subdivision nila dito ay magkatabi ang court at ang park. Nang naglalakad na kami actually si Ginny nagba-bike na pero pagewang-gewang kaya napakabagal namin! Hayss nakakapagod siyang turuan halos one week na kaming nagpa-practice hindi pa rin siya marunong.
Papaliko na kami ng bigalang....
Bugsh!
Sorry sa super late na update dahil sobrang busy na sa school pero promise tuloy-tuloy na ito!
Support me guys!! please vote so I can publish the other parts! :D
BINABASA MO ANG
Never Deny It(The Perfect Two)
FanfictionAfter so many guys na kanyang binusted, hindi pa rin sumusuko si Lorenz Garcia. Kaya grabe ang pagkainis sa kanya ni Erza Chase, hindi niya lang mataboy ito dahil nga kapatid siya ng bestfriend niyang si Lyon Garcia. At hindi niya akalaing sa huling...