{ short update dedicated to KasalanaN }
Magdadate kami ngayon ni Cynthia. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagustuhan pero sabi nya maappeal daw ako, wala naman ako magawa. Gentleman ako at considerate. Ayaw ko naman siya ireject kasi baka umiyak pa yan pag uwi sa kanila
Hindi ko nga alam pero simula nung nalaman ko yung totoo kong itsura, marami nang umaaligid saking babae. Lagi ako tinititigan pag namamalengke ako tyaka pag namimili ng mga gamit kong panglalake. Feeling ko nga binayaran ni nanay lahat yan para magkandarapa sakin
Pero iba na din ang kinikilos nya, ang suplada na niya sa akin. Akala mo may Lovers Quarrel kami. Lagi siyang nagpopout pag may kinukwento akong babae sa kanya na nanghaharot sakin. Nako mga babae nga naman, sabi nang hinag hinay lang. Mabait akong tao, ayaw ko ng pinagsasabay pero ano bang magagawa ko lagi silang nangungulit.
"Ano ba Gipo... *sabay himas sa kamay ko* sabi nang kapag magkasama tayo gusto ko sakin lang ang atensyon mo :')" binaling ko naman ang tingin ko sa kanya kasi nagmamaktol na siya.
Nginitian ko at bigla ba namang namula yung pisnge at iniwas ang tingin sakin.
"Bakit namumula mukha mo? may sakit ka ba? anong problema?" nilapit ko ang mukha ko sa kanya at dinikit ang noo ko sa noo niya kasi ganun ako icheck ni nanay kung mataas ang temperature ko.
Pag kagawa ko nun parang lalo siyang uminit, ayun nahimatay na.
"Hala! anong nangyari sayo cynthia?!" dali dali ko siyang binuhat at itinakbo sa ospital. At may naririnig nanaman akong mga bulungan ng tao
"Ano kayang ginawa nya dun sa babae? ang creepy nya"
"San kaya dadalhin yun? nako tumawag kaya tayo ng pulis"
"Ang hot naman niya omg!! ang swerte nung girl!!"
"Tsk sana ako na lang karga ni fafa! kalerky naman. ang shulande ni girlalet. kunwareng nahihimatay. inbyerna!!"
"Kadiri!! kawawa naman yung babae! Kinidnap kaya yan?"
pero hindi ko na masyado inintindi. Karamihan naman puro paglalande mga sinasabi.
---
"Doc tulong nahimatay bigla yung kasama ko" pagtataranta kong sabi sa doctor na nakasalubong namin sa may emergency room
Nung nakita niya ako, parang nagtataka na hindi mo maintindihan yung facial expression niya. Problema neto? Nabibighani din ba siya sa kagwapuhan ko? Ang wrong timing naman
"Sige iupo mo siya. check ko vital signs niya" ginawa ko naman at may dumating na din na nurse na tutulong dun sa doctor.
"Peach, paki kuha nga nung mga detalye kung pano nahimatay yung babae. Tanong mo diyan sa kasama niyang ano..este diyan sa lalake" naupo naman yung nurse sa tabi ko at nagsalita
"Ano po bang nangyare? Ba..." nilingon ko siya at napatigil siya sa pagsasalita
"Ha? anong sinasabi mo miss?"
"A-ahh s-sabi k-k-ko...A-anong nangyare sa ka-kasama mo? Ba-bakit siya nahimatay?......(t-tyaka anong pangalan mo?...)" hindi ko masyado narinig yung huli niyang sinabi pero parang nauutal siya.
"Hindi ko alam. pagkatingin ko kasi sa kanya kanina habang kumakain kami, bigla na lang siyang namula. Baka siguro may sakit siya, tapos nung chineck ko naman kung mainit siya bigla siyang nahimatay" natapos na ako magpaliwanag kaso yung nurse nakatulala lang sakin
"Miss? Nurse? Hello? Narinig mo ba sinabi ko?" nagsnap ako sa tengga niya kaya bumalik na yung diwa niya
"Aa-aay sorry sir...a-ang ano niyo k-kasi...este OPO! narinig ko *sabay bugtong hininga niyang malalim*" may problema din ba to? bakit nauutal magsalita? dahil nanaman ba sa itsura ko? takte naman. Emergency na nga, nagpapacute pa tong nurse na to. Hay nako
"Okay na ba? wala ka ng tatanong?"
"Uh-uhmm wa-wala na po s-sir..." nagreport na siya dun sa doctor kaya binaling ko na din ang atensyon ko kay cynthia. ano kayang nangyari dito
"Iho, base sa mga nacheck ko, wala naman siyang sakit o ano. Siguro sobrang init sa kinainan niyo at nadehydrate siya kaya siya nahimatay. No major problems naman sa signs niya kaya magiging okay na din siya after ilang minutes. No need to worry." sabi nung doctor at tumingin siya sakin saglit tapos tumingin din kay cynthia at nagtanong
"Kaano ano mo ba siya? Girl...friend?" patakang tanong sakin ni doc. Girlfriend agad? bilis naman
"A-ano hindi. Nililigawan niya pa lang kasi ako. So hindi ko pa siya matatawag na girlfriend. kaibigan lang pwede pa" bigla namang nanlaki yung reaksyon ng mukha ni doc at napaubo bigla. may lumalaganap bang virus ngayon? Bakit ang dami atang nagkakasakit
tapos nung napadaan ang tingin ko sa nurse parang wagas siya ngumiti kumpara sa reaksyon niya kanina habang kausap ako.siguro nagpipigil siya ng tawa"Ah ganun ba. *natatawang hindi mo maintindihan na pasagot sakin ni doc* osya sige. pahinga lang siya diyan. magigising din yan kasi hindi ka niya matitiis na hindi makita. ha ha ha *bungisngis ni doc habang palakad na umalis ng emergency room*" ano kayang nakakatawa? baka kinikilig na naman sakin yan. Nako naman talaga
--
Nakatulog na pala ako. tinignan ko si cynthia kung gising na siya. Gising na nga at nagulat nung nakita ako kasi nakatitig pala siya sakin. Gising na ba talaga diwa neto o baka nananaginip na gwapo ako?Bumangon ako,at chineck ko na ng palad ko ang noo niya kung hindi na siya mainit
"Okay ka na ba? nainitan ka daw kaya ka nahimatay? naka aircon naman tayo kanina diba? Sure ka bang okay ka lang?" sabay hawak ko sa kamay niya kasi baka hindi pa siya okay"O-oo..o-oka-y lang a-ako.. *umiiwas ang tingin niya sakin* so-sorry pala ha? g-gusto mo na ba umuwi?"
"Mabuti naman kung ganun. Nako okay lang. Ang importante yung kalusugan mo. sige para makapagpahinga ka ng maayos" yumuko siya bigla at tinakpan yung pisnge niya. Okay lang ba talaga to?
"Sa-salamat talaga Gipo..*tumingala na siya at tinignan ako ng nakangisi*"
inayos ko na yung charge fee para sa pagstay namin at sa check up. At nung palabas na kami ng ospital, may patakbong lumapit sakin
"SI-SIR!! ESTE KUYA!!" yung nurse pala kanina. may nakalimutan ba kami? parang wala naman
"Oh, bakit nurse? wala naman kami nakalimutan. diba cynthia?"
"Oo. wala naman" pagkasabi ni cynthia niyan bigla niyang hinawakan yung braso ko na parang nakakapit at tinignan yung nurse
parang may sasabihin yung nurse pero nahihiya ata"Oh siya. una na kami ha?" patalikod namin ni cynthia pero bigla akong pinigilan nung nurse at hinawakan yung kamay ko
"Uh-uhh wa-wait lang... A-ano bang pa-pangalan mo..?" hiya niyang tanong sakin
"Gipo, Gipoto Sebastian. May kailangan ka ba?"
"A-ahh wa-wala naman..gu-gusto k-ko lang malaman...sa-salamat..." sabay lagay niya ng card sa kamay ko at patakbong bumalik sa loob ng ospital
TInignan namin ni cynthia yung card na binigay ni nurse. At may nakasulat na
Peach Forevii
Blk4 Lot4 Pagibig St. Forever village Pasig City
Call me: 09**-***-****
xoxo :*"Peach pala pangalan niya. masyado siyang mahiyain" pagkokomento ko
"Tsk. tara na nga gipo!!!" paghihila sakin ni cynthia palayo ng ospital para umuwi.
Ang weird nung nurse at netong si cynthia. Balak ba akong pag-agawan? Hindi naman ako manhid kaya dama ko yung mga kilos at tingin nila sakin.
Ano nanaman bang magagawa ko? Ganun ba kahirap maging ganto? Paano pa kaya pag gwapo talaga ako? Nako naman, Iba ka talaga Gipoto
••••••
![](https://img.wattpad.com/cover/15936882-288-k831452.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)
Humor"Papatunayan kong hindi kailangan ng Make-over o kung anong operasyon sa mukha ko kasi ako ay isang Tunay na Gwapo" •UNEDITED VERSION• Pardon for the WRONG SPELLING AND GRAMMAR ≧▽≦y