Ano kayang ginawa ko kay jollibee girl noong nakaraang buhay ko at sa tuwing magtatagpo ang landas namin, lagi na lang ako napapahiya, BIGTIME.
baka naman gusto lang talaga niya makuha ang atensyon ng tulad kong ubod ng Gwapo?
ABA
ayun nga talaga ang pakay niya. wag siya magalala kasi tandang tanda ko na ang itsura niya.
hindi ko hahayaang hindi ako makaganti sa babaeng yun.. pero kung iisipin, pinapasikat niya ako ah.
nagviral kasi yung video namin sa pesbuk. ang caption "Ang englisherong palaka" odiba, frog prince pa daw ba ako? haynako talaga. ayaw pa nila umamin na humahanga talaga sila sakin, anobayan hahahah
feeling ko tuloy sinadya yun ni jollibee girl para madiscover naman daw ang itsura ko. hindi yung iilan lang ang nakakaalam at nakakakita sakin.
Gustong gusto niya akong ibahagi sa mundong ito nako naman.
Pero girls, sorry pero stick to one lang ako. *sabay kindat ko sa nakasalubong kong mga babae habang naglalakad papunta sa mall*
kasi pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao, as usual. Lalo ngayon na pasikat na ako. Siguro hiyang hiya silang lumapit sa gaya kong UBOD NG GWAPO. hindi lumpiang ubod kundi UBOD NG GWAPO. OO AKO YUN BWAHAHAHAHAA *napatawa na lang ako ng malakas dahil sa mga iniisip ko ng--*"Uy tol, anong problema mo at tumatawa ka mag-isa dyan?" sabi ng kasama ko pagkatapos akong hampasin. langka lang, panira ng happy thoughts to pfft
"Wala naman par. sadyang ineenjoy ko lang palihim ang mga pagnanasa sakin ng mga tao sa paligid *pangisi kong sabi*" napailing naman etong ugok na to. palibhasa ako ang pinagtitinginan hahaha
oo nga pala, hindi ako MAG-ISA ngayon na pupunta sa mall. dahil kasama ko ang matalik kong kaibigan na pinsan ko din,siya si Julius Kuan Benedict. Kakauwi niya lang galing America kaya mamimili kami ng mga kagamitan na gagamitin niya sa pag stay niya dito sa pinas.
At syempre sa bahay namin siya tutuloy. Yung mga magulang niya kasi parehas nasa America, yung kapatid ni mama na si Tita Julie at ang asawa netong Kano. Oo tama kayo, American boy etong si Julius,Amboy in short. pero pusong pinoy to syempre, nasa lahi talaga yan
At oo, tama ulit kayo ng iniisip, sobrang gwapo netong si Julius. Syempre may dugong Foreigner eh ano pa bang ieexpect niyo? Matangos ang ilong, Maputi, Matangkad, Mistiso at medyo kulay asul ang mata. Minsan nga pinagtataka namin ni nanay kung anak ba talaga to ni Tita Julie kasi walang bahid ng itsura ni tita ang namana ni Julius.
Mabuti na lang talaga at marunong to magtagalog kasi kung hindi, papabayaan ko na to sa daan.
aaminin kong gwapo tong pinsan ko pero kung ikukumpara kaming dalawa, eh alam niyo na ang sagot. syempre MAS gwapo AKO ng di hamak. exotic kaya ang kagwapuhan ko. One of a kind ika nga.
Nagpapasalamat din naman ako sa pinsan kong ito dahil hindi siya marunong mainggit sa gandang lalaki ko. Halos lahat na rin kasi ng mga kalalakihan na tumitingin sakin ay napapakunot ng noo. Syempre alam ko naman ang iniisip nila, yun ay naiinggit sila sa biniyayang itsura sakin ni Papa God. hays im very sorry
Natigil kami ni Juls sa paglalakad ng may biglang humarang na tatlong babae sa harap namin na akala mo kinukuryente sa gaslaw ng kilos nila. Ano nanaman ba balak sakin ng mga to? Nakakapagod maging gwapo ah
"Uhh-uhm excuse me po. pwede po bang magpapicture kay Mister Gwapo?" hala naman, ayoko masyadong sumikat pero sige na nga BWAHAHAHAAHA
ng biglang inabot sakin yung camera, ay selfie ba?
"Magseselfie ba tayo?" sabi ko
"Ha????? " sabi nung tatlong girls at umakap na sa braso ni Juls.
"Ikaw kukuha samin manong driver. Salamat hihi" ano? tama ba narinig ko? medyo nabinge ako dun ah.
BINABASA MO ANG
Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)
Humor"Papatunayan kong hindi kailangan ng Make-over o kung anong operasyon sa mukha ko kasi ako ay isang Tunay na Gwapo" •UNEDITED VERSION• Pardon for the WRONG SPELLING AND GRAMMAR ≧▽≦y